Masaya ang naging relasyon ni jess at ace sa nagdaang taon sa buhay nila. Sa taon na yun ay nagiging clingy si ace kay jess. Madalas sumasama si ace sa personal na lakad ni jess.Matatag ang kanilang relasyon at tila wala nang makakasira pa non. Ngunit may isang taong makakasira nito. Parang anay na sisira sa relasyon na iyon.
Nagising si jess sa parehas nang mata na nakatingin sa kanya. Mabagal na iminulat ni jess ang mata niya at agad ding napalitan nang saya ang nararamdaman niya nang bumungad sa kanya ang pares ng mga matang nakatitig sa kanya. Sinundan pa iyon ng matamis na ngiti bilang pagbati.
" Good morning " nakangiting bati ni ace kay jess.
" Good morning din " ginantihan nang ngiti ni jess si ace.
Lumapit si ace sa kanya. Binigyan nito nang mahigpit na yakap na tila huling beses nito magagawa kay jess. Lumayo si ace kay jess at binigyan ito nang Malalim na halik. Nagtagal ito nang ilang minuto. Nang ilayo ni ace ang labi niya sa labi ni jess ay tumayo na ito.
" tara na, magluluto na ako " nakangiting umalis si ace sa kwarto nila ni jess.
Napatingin si jess sa kisami nang kwarto nila. Kita sa mukha nito ang pagiging kontento sa buhay niya. Masaya siya sa nangyayare sa buhay niya na kasama ang lalaking hinihiling niya sa panginoon na sana ito na ang lalaking nakatadhana sa kanya.
Nang matapos sa college ay napagdesisyon ni ace na bumuli nang condo na malapit sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na sa kabilang condo unit lamang ito bumili.
Araw araw ay pumupunta si ace sa unit niya para matulog at kumain. Halos dito na ito tumira. Nung una naiilang pa siya habang kasama ang lalaki sa pagtulog pero nang magtagal ay hindi na siya makatulog pag hindi ito katabi.
Nasanay na rin siya na kasama ang lalaki sa lahat nang pinupuntahan. Masaya na ring umuuwi sa unit si jess galing sa trabaho dahil excited itong makita ang lalaki na kadalasan ay nakikita niya sa kwarto niya na natutulog habang kayakap ang unan niya.
Natatakot siya.
Natatakot siya na baka pag nawala ang lalaki ay hindi na siya maging masaya katulad ngayon. Na baka mawala siya nang gana gawin ang normal na ginagawa nito.
Napangiti nang malungkot si jess. Halos araw araw siya nagdadasal sa panginoon na sana hindi siya iwan nang sinisinta o wag siya nito lokohin.
Napatingin siya sa pintuan nang kwarto niya nang nakarinig siya nang pagkatok doon. Nakita niya ang sinisinta niya na nakatingin sa kanya habang nakangiti. Nakakahawa ang ngiti nito. Hindi niya napapansin na nakangiti na rin siya habang nakatingin sa binata.
" Tara na kain na tayo " aya nito at linakihan ang awang sa pintuan.
Mahina siyang tumawa habang tumatayo at parang batang tumatakbo siya sa lalaking nakaangat ang kamay sa hangin na para bang naghihintay itong yakapin nang dalaga ang binata.
Tumatawang para batang naglakad ito si jesa kay ace para bigyan nang malaking yakap ang lalaki. Muntik nang tumama sa pader ang likod nang lalaki dahil sa mabilis at biglaang yakap ni jess.
Sa umaga na yun ay masayang kumakain ang dalawa habang masaya rin nagkwe-kwentuhan na para bang walang trabaho ang naghihinto sa dalawa. Wala silang iniisip na kahit na ano, ang nasa isip lang nila jess ang moment sa buhay nila habang magkasama.
NAKALIPAS ang oras ay nakatingin si ace sa pintuan nang unit ni martin habang hawak ang cellphone niya. Kausap niya ang kanyang kasintahan.
" sigurado ka ba? Di mo ba ako pagbabawalan at papauwian ah? " naglalambing pagkukumbinsi ni ace kay jess.
BINABASA MO ANG
hopeless romantic girl meet cold guy
Lãng mạn" balang araw makakahanap ka rin ng katapat mo at sa araw na yun mararamdam mo rin ang lahat ng sakit na naramdaman ko!"