chapter 36: i get hurt too, you know?

7 2 0
                                    


NAGLALAKAD si jess sa loob nang library habang bitbit ang bago niyang bili na libro galing sa wattpad.

Palipat lipat ang tigin niya sa kanan at kaliwa para maghanap ang magandang pwesto para simulan ang libro.

Hindi niya masimulan ang librong hawak niya dahil abala siya sa pagtapos nang research paper niya.

Natigilan si jess sa paghakbang at napatingin sa lalaking nagiisang nakaupo. Abala sa pagbabasa nang crime story.

Nataas si jess nang kilay nang makitang may pasak nang earphone ang tenga nito habang napapakagat labi. Napailing na lamang siya sa naisip.

Lumapit siya rito habang may sabik sa mukha nito. Matagal na kasi umiiwas ang lalaking lalapitan niya. Kung magkita man ay parang iiwasan naman siya nito pero impossible namang iwasan nito eh wala naman siyang nagawang kasalanan.

Nang nasa tapat na ito ay napangisi siya nang makumpermang tama ang nasa isip niya. Hindi ito nagbabasa.

Nasa ibabaw nang libro ay nandoon ang cellphone niya na naglalabas nang malalaswang litrato nang mga babae. Ang iilang ay halos walang damit ang iba naman ay talagang wala nang damit kahit na ano.

Umupo siya na naging dahilan nang pagaagaw nang pansin nito sa kanya at dali-dali nang pinatay ang cellphone.

" nakita ko na yan " nakangiting sambit ni jess.

Unting unting nawala ang ngiti niya nang seryoso pa ring nakatingin si charlie.

Ano problema nito Tanong ni jess sa isip niya.

Tatayo na sana si charlie nang hawakan ni jess ang kamay niya na nagpahito sa pagtayo niya.

" iniiwasan mo ba ako? " nagtatakang tanong niya.

Napatingin siya sa itsura nang binata.

Seryoso itong nakatingin sa kanya na parang nakatangin sa hindi niya kilalang tao.

Sa mukha niya ay nandoon pa rin ang uuting sugat ay pasa sa mukha nito ngunit hindi iyon naging hadlang para matago nito ang angkin na kakisigan nang binata

Mas lalo pa ata ito naging gwapo sa harapan niya. Para itong bida sa isang action movie sa subrang angas nang itsura.

" ano kailangan mo? " umupo ulit si charlie sa harapan niya.

Mas lalo siyang napakunot nang noo niya nang marinig niya ang cold nitong tinig habang nakatingin sa kanya. Subra na siyang nagtataka sa kinikilos nang binata. Hindi siya sanay.

For fucking sake, sanay siya sa makulit at sweet na ugali nang binata at hindi sa gantong ugali nito.

" ikaw ang kailangan ko " napabuntong hininga siya. " ano ba problema mo charlie at bakit mo ako iniiwasan ah? "

Napabuntong hininga naman si charlie habang napapikit naman ito. Parang nagpipigil ito sa hindi niya alam kung bakit.

" wala ka na doon " Maangas na tumayo si charlie at nagsimula nang maglakad na nang palayo.

" bakit mo ba ako iniiwasan ah? " medyong malakas na tanong ni jess kay charlie.

Napahinto naman ito sa paglalakad ngunit hindi naman ito lumingon sa kanya.

Tumingin si jess sa likod ni charlie. Subrang na talaga siya nagtataka sa inaasal nang binata. Maayos pa sila simula nung araw na niligtas sila ni ace tapos ngayon ay aakto itong parang hindi siya kakilala.

" please, sabihin mo naman kung ano ginawa kong mali sayo para iwasan mo ako " magsusumamo ni jess kay charlie.

Humarap Ito habang nakangisi at unting unting naglalakad papunta sa kinauupuan niya kanina at umupo doon.

Kung papanoodin mo siya ngayon para silang magasawa/kasintahang nagaaway at nilalambi ni jess si ace na galit ngayon.

" gusto mo malaman kung bat kita iniiwasan " seryoso siya nito tinignan.

" oo " matapang na sagot niya kay charlie.

Nagtapatan sila nang tingin nang matagal. Nakita ni jess ang lungkot sa mata ni charlie habang nakatingin sa kanya.

" kasi mahal kita " nakangising tinignan ni charlie si jess.

Hindi pinansin ni charlie ang kaba at gulat sa mukha ni jess.

Walang alam si gago isip isip ni ace.

" mahal kita kaya nilalayuan kita. Mahal ka din kasi nung gago kong kaibigan na mahal mo din pala. " turo nito kay jess.

" natalo ako kaya lumalayo ako sayo. Hindi naman ako katulad nang ibang tao jan na gagawin ang lahat para mapasakanya ang mahal niya kahit na talo na siya " napalingon si charlie para mapigilan ang luha.

Humarap si charlie kay jess.

" in the first place alam mo naman na talo na ako ginawa ko lahat nang pwede kong gawin para magkagusto ka sa akin pero si ace, unting papogi niya lang at pasweet sayo kinikilig ka na " napayuko si charlie.

Nakakaramdam nang lungkot at awa si jess kay charlie. Tumingin si charlie sa mga mata ni jess. Kita niya ang awa sa mata niya.

Nakaramdam nang inis si charlie dahil doon. Sa oras na to hindi niya kailangan nang awa ni jess.

Napatawa siyang mapait.

" hindi ko kailangan nang awa mo jess Lalo na ngayon. Sanay na ako mareject jess pero sa lahat nang rejection na matatagap ko. Yung rejection mo ang napakasakit. " huminga nang malalim si charlie pero wrong move kasi dahil doon ay pumatak yung luhang pinipigilan niya.

Pinunasan ni chaelie iyon nang mabilis.

" yung rejection na hindi mo pa nasasabi pero ramdam at nakikita na sayo "

" hindi ko alam charlie " napayuko si jess at pinunasan ang luha niya. Humarap siya kay charlie

Napakunot ito nang noo.

" pano mo malalaman kung nasa iba ang pansin mo "

Tumayo si charlie at naglakad na ito palabas nang library. Naiwan na tulala si jess.

.

WALANG gana binaba ni jess ang bag niya at pagod na humiga sa kama niya.

Napatingin siya sa binta niya. Kita niya ang couple na sweet na sweet sa harap nang binata nila at umiinom nang kape.

Sana all

Tumayo siya at naglakad papunta sa binta niya at sinarado ang kurtina para hindi niya makita ang dalawang couple sa harap niya.

Bastusan, sa harap ko pa

Kinuha niya ang bag niya at kinuha ang cellphone niya.

Pagkabukas nang cellphone niya ay binuksan niya ang data niya, pagkatapos ay ang fb naman niya ang binuksan niya.

Nagloloading ito pero tumunong ang cellphone niya sa dami nang nagcha-chat sa kanya sa messenger.

Pagkabukas niya doon ay nandoon ang chat sa kanya ni charlie dati pa.

Charlie:
Hi, paaccept jess :)

Charlie:
Nakita pala kitang kasama si prince kanina. Kilala mo pala yun?

Charlie:
Famous ka? Bat di ka nagaaccept? Report kita jan eh ;)

Charlie:
Sana nagustuhan mo yung bulaklak na bigay ko :)

Charlie:
Tara gala tayo.

Charlie:
Naksss ganda nang boses. Paturo idol.

Charlie:
Nanliligaw pala sayo si ace, sakit naman.

Charlie:
Sweet nyo naman kanina. Pasipa nga kahit isa lang tas magasawang sampal.

Charlie:
i get hurt too, you know?

Natulala ako sa huling chat ni charlie kay jess.

Magrereply na sana siya nang makita niya ang nagpahinto sa pagtatype niya.

You won't able to reply on this conversation.

hopeless romantic girl meet cold guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon