Ace POV
Tulalang nakatingin si ace sa kawalan habang walang oras na nagaalala siya kay jess. It's being 3 days.
3 fucking days without jess. Para siya mamatay kakaisip kung nasaan si jess. Tinawagan mo na ang mga taong pwedeng pinuntahan niya pero wala siya doon.
Sinubukan ko na din tawagan si charlie pero di siya sumasagot. Hindi ko na pinansin yun dahil simula nang naging kami ni jess hindi na niya ako kinausap
Lagi ako nasa condo unit ni jess kasi nagbabakasali ako na baka umuwi Siya dito pero in 3 days wala man lang umuwing jess dito.
Naghintay pa ako nang 5 hours dito sa condo unit ni jess bago napagisipan na pumunta sa club. Tinignan ko muna ang CCTV na nilagay ko dito sa condo unit ni jess para malaman ko kung umuwi na ba siya habangw wala ako dito. Nakatago yun kaya sigurado ako na hindi niya yun mapapansin.
Tahimik ang nasa paligid niya. Puro inaantok na tao ang nasa paligid ko lalo na yung nagtra-trabaho dito. Madilim ang paligid at iilang tao lang ang makikita mo na naglalakad sa paligid.
Ngunit nang makapunta ako sa paborito kong club ay naging maingay ang tahimik na paligid. Madaming babae ang napapatingin sa akin pero hindi ko sila binigyan kahit uunting pansin.
Lahat ay maingay na umiinom nang alak. Madali na ring lumapit sa akin na babae na balak ako landiin pero tinaboy ko lang sila.
Naging tahimik ang pagiinom ko nang alak dito sa pwesto ko nang mahagip nang mata ko ang babaeng sumasayaw sa dance floor.
Pinagmasdan ko siya. Masaya siyang sumasayaw kasama ang di ko kilalang lalaki. Nakakulay black itong dress na kitang kita ang kurba nang katawan niya. Sa suot niya mas lalong gumanda siya. Kitangkita ang umbok nang dibdib niya at pwet nito.
Humigpit ang hawak ko sa beer na hawak ko habang nakatingin sa kanya. Lalaki lang nasa paligid niya. Malalagkit ang tingin sa bawat part nang katawan niya. Halos magpalit palit na sila nang katawan sa subrang lapit nang katawan nang mga lalaki sa babae.
Hindi ako nagkakamali si jess ito. Ang dating maamong itsura nito ay naging mataray at mapangakit na babae ang itsura nito.
Hindi na ako nakapagpigil na lumapit nang makita ko nakipaghalikan na siya sa lalaking nasa harap niya. Puno nang galit ang mga hakbang ko habang hindi ko pinapansin ang mga taong nababangga ko.
Nang makalapit ako sa kanila ay mabilis ko siyang nilayo sa lalaking hinahalikan niya. Nang malayo ko siya ay masama kong tinignan ang lalaking maangas na tinitignan ako.
Ramdam ko ang tingin nang mga tao sa paligid ko. Ang mga lalaki nasa palagid ni jess ay maangas na rin ako tinignan. Pinagsawalang bahala ko yun.
" Ano problema mo pre? "
" layuan mo ang girlfriend ko "
" girlfriend? Yang pokpok na yan girlfriend mo? "
Nagsitawa ang mga lalaki sa paligid ko habang Mahigpit ko naman hinawakan si jess na nasa likod ko.
Mas lalo akong nagalit sa narinig ko. Wala silang karapatan sabihan o tawagan man si jess na pokpok kasi hindi siya ganon.
" patikim muna pre, sure ako nagalaw mo na yan at maluwag na yan "
Malakas na tumawa ang mga lalaki sa paligid ko. Napahinto sila sa pagtawa nang mahina akong tumawa. Galit akong lumingin sa kanan ko kung saan nandoon ang lalaking may balak hawakan si jess.
" ano sabi mo? "
Galit kong tinignan ang nasa harap ko.
" ano ulit sabi mong gago ka!? "
Linapitan ko siya habang maangas ko siya tinignan. Hindi naman siya nagpatinag at tinignan din ako nang maagas.
" bingi ka ba o sadyang bobo ka lang? Sabi ko POKPOK at MALUWAG NA YANG GIRLFRIEND MO! "
Sa subrang galit ko ay malakas ko siyang sinapak na naging sanhi nang pagkawala niya nang ulirat. Dali dali naman ako pinagsasapak nang mga lalaki sa paligid ko. Hindi ako makaganti dahil sa subrang dami nila.
Mga ilang saglit lang nang huminto yung pagbugbug nila sa akin. Hinang hina akong tumingin sa mga taong nakatingin sa akin. Nakita ko din ang mga lalaking bumugbug sa akin hawak na nag bouncer dito sa club.
" hey okay ka lang? " nagaalalang tanong sa akin jess.
Tumingin ako sa kanya. Biglang nawala ang pagaalala ko sa kanya at napalitan nang galit. Tumingin ako sa kanya na para bang wala lang siya akin.
Bumuntong hininga muna ako bago dahandahan na tumayo. Sinubukan niya ako tulungan pero sinusubukan ko naman iwasan ang kamay niya.
Paika-ika akong naglakad papalabas at ramdam ko na sinundan niy ako. Napapikit ako nang maalala ko ang ginawa niya kanina.
Oo namimiss ko siya subra at wala akong karapatan magalit dahil in a first place ako may mali pero hindi niya dapat ginawa yun.
Nang nasa parking lot na kami ay hinarap ko siya. Tumingin naman agad siya sa akin.
" bat mo ginawa yun? "
" bat mo ako niloko? "
Napatingin ako sa mga mata niya. Nandoon ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa akin.
" sinubukan kong iwasan, ayaw ko ang nangyare- "
" AYAW MO? PERO BAT MO GINAWA? KAYA PALA ANG CLINGY AT SWEET MO SA AKIN KASI MAY GINAGAWA KA NANG KATARANTADUHAN HABANG WALA AKO "
natulala ako habang nakatingin kay Jess habang nakayuko habang pinupunasan ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
Napalunok ako.
Ayaw ko siya makitang umiiyak pero gumawa pa rin ako nang rason para umiyak siya.
" ANG GAGO MO, GUSTO NA KITA KALIMUTAN PERO TUWING BINABALAK KONG KALIMUTAN KA BIGLA NA LANG BABALIK YUNG MEMORY NA KASAMA KA. NA MASAYA TAYONG MAGKASAMA "
Pinagpapalo niya ako sa dibdib. Wala akong ginawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinang hinang pinapapalo niya ako.
Huminto siya at nanghihina siyang umupo sa harap ko. Nilamon kami nang katahimikan. Nakatingin ako sa kanya pero deep inside gusto ko na siyang yakapin. Ikulong sa bisig ko.
" break na tayo, ace "
Mahinang sambit niya pero sapat na yun para marinig ko.
Para gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi niya. Napabuntong hinga ako. Sinusubukan kong huwag umiyak sa harap niya pero hindi ko mapigilan.
" Ayaw ko jess, pero alam ko jan ka sasaya "
Napahawak ako sa noo ko at tinignan siya. Napangiti ako nang malungkot. Habang nakangiti ay napaluha ako.
Tinignan ko siya. Lumapit ako. Nang makalapit ako ay umupo ako sa harap niya. Malambing kong hinawakan ang mukha niya. Gamit nang daliri ko ay pinunasan ko ang mga luha niya.
" hindi ko gusto na maghiwalay tayo pero yun na lang ang isang bagay na gagawin ko na tama para sayo "
Hinalikan ko ang noo niya. Dinama ko ang ginaw ako dahil huling beses na ito na magagawa ko yun sa kanya.
Lumayo ako at walang lingon lingon ay pumasok ako sa sasakyan ko at mabilis ko nilisan ang lugar na yun.
kahit anung pigil ko sa sarili ko na tignan si jess ay bumigay parin ako at tinignan ko si jess gamit ng salamin sa sasakyan.
ang pinaka kinatatakotan kong mangyare ay nangyare na. ang babaeng pinangarap ko makasama nang pang habang buhay ay naging parte na lang nang alala ko.
" patawad jess " huling bangit ko bago mawala sa paningin ko ang pigura nang babaeng sinaktan at minahal ko
BINABASA MO ANG
hopeless romantic girl meet cold guy
Romance" balang araw makakahanap ka rin ng katapat mo at sa araw na yun mararamdam mo rin ang lahat ng sakit na naramdaman ko!"