3 weeks beforeTahimik ang paligid habang ang lahat ay tahimik na hinihintay ang dalawang kaibigan nila na nasa ICU..
Tahimik si ace at charlie na nakatingin sa pinto. Naghihintay kung kailan lalabas ang doctor na kasama ang magandang balita. Nagugutom naman na hinawakan ni daniel ang chan. Kinakalikot naman ni karlo ang cellphone niya. Tahimik din pinagmamasdan ni martin si alex na kanina pa naiilang sa katahimikan.
Tahimik man ang paligid pero ang utak nang magkakaibigan ang nagtatalo talo. Pinipigilan ni ace ang magsalita dahil alam niyang pagnagsalita siya alam niyang makakasimula nanaman siya nang away
Maya maya ay naagaw nang atensyon nang magkakaibigan ang pansin nila nang lumabas na ang doctor na nagoopera kay prince. Sabay sabay na tumayo ang mga kaibigan ni ace
Palihim na nagdasal si Charlie nang makita niya ang doctor na papalapit sa kanila
" kamusta si prince doc? " tanong ni martin.
" okay na siya. Walang gaanong natamaan na organ sa katawan niya "
" thank you doc " walang emosyon na sagot ni ace. Ngumiti muna ang doctor bago umalis.
Maya maya ay lumabas naman ang doctor na gumamot kay jess. Nagtayuan ilit ang mga kaibigan ni ace. Lumapit naman agad si ace sa doctor.
" kamusta yung lagay ni jess, doc? " puno nang pagaalala na tanong ni ace dito.
" stable na ang pasyente at hinihintay na lamang natin magising "
" Salamat doc " wala sa sariling sambit ni ace.
Tulala lang ang mga kaibigan ni ace pati na rin si ace nang umalis ang doctor na gumamot kay jess. Humingi nang malalim si ace. Lumingon ito sa mga kaibigan at doon ay tinignan niya nang masama si alex na nakatingin lang sa kawalan.
3 weeks later
Lahat nang bagay ay bumalik na sa dati. Ang mga taong nagdukot kila jess ay nakulong na lalo na ang taong nagpasimuno nang pagdukot sa kanila.
Sa loob nang 3 weeks ay nanatili pa ring nagpapagaling si jess sa hospital at sa loob nang 3 weeks halos sa hospital na tumira si Ace at Charlie para lang mabantayan ang dalaga
Nakaupo sa cafeteria ang mga kaibigan ni ace habang masayang kumakain nang pang umagahan. Halos lahat nang tao doon ay nakatingin o nanonood sa kanya.
Hindi lamang sa kanilang angkin na kagwapuhan kundi sa kaingayan na nililikha nila habang nasa hospital sila. Wala naman magawa ang mga tao doon dahil nagugustuhan din naman nila ang ingay na di nila magawa.
Ingay nang kasayahan.
Dalaw man o pasyente sa hospital na ito. Sanay na ang mga ito sa mga ingay na dulot nang mga ito. Simula nung na confine si jess dito ay nagkagawian na nila ang pagtambay sa hospital.
Sa umaga pupunta sila dito, kakain at may isang maiiwan para bantayan si jess at yung iba ay babalik sa university para magaral. Pasalit salit ang pagbabantay kay jess.
Nagkaayos na rin si ace at alex. Nung una halos mapatay ni ace si alex dahil sa galit pero sa nagdaang araw ay napatawad na rin ito.
Tumayo si martin dahil siya ang nakaassign para bantayan si jess. Nagmamadali siyang pumunta sa kwarto habang hinahanal ang cellphone niya. Nang buksan niya ang pintuan ay pinagpatuloy niya ang paghahanap. Ngunit naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya inangat niya ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
hopeless romantic girl meet cold guy
Romance" balang araw makakahanap ka rin ng katapat mo at sa araw na yun mararamdam mo rin ang lahat ng sakit na naramdaman ko!"