Chapter 8: Molina Trishina

22 3 1
                                    


'Siya ang leader namin?! Eh hindi ko siya nakita kanina ah.'

May napansin akong nagbulong bulungan. Siguro ay curious rin sila kung bakit hindi siya nagpakita kanina.

Napansin kong pumasada siyang tingin sa lahat ng naririto at tumigil siya nang nakita niya ako.

Agad akong kinabahan nang seryosong nakatitig siya sa akin, sa unang pagkakita ko sa kanya ang nakangiti ito.

Ngayon ay mukha talaga siyang pormal at responsableng Leader. Ang postura rin ng kanyang katawan ay nagpapahiwatig na nakatataas siya sa amin.

I feel uncomfortable dahil hindi parin natatanggal ang tingin niya sakin.

"Gosh! Tinitignan niya ako!!" kinikilig na tili ng babaeng nasa harapan ko.

Natanggal lang ang tingin niya ng may biglang lalaking pumunta sa kanya at bumulong. Tumango naman siya at umalis na.

"Thanks for tonight, Maybe we should celebrate right now at bukas nalang tayo magsimula. But sadly, I need to go right now." deklara niya at humakbang na pababa ng stage pero bago pa siya makaalis ay tinignan niya muna ako bago umalis.

"Shz!! Hindi ko alam na si Ethan pala ang magiging Leader natin!! Like kyah!!!" tili rin ng katabi ko kaya napabaling ako sa kanya.

"Ano naman ang espesyal dun bukod sa isa siyang Senior." kunot noo kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba talaga alam? Si Ethaniel Quivel Gonzalves lang naman ang tinitingalang pinaka gwapo, pinaka matalino, pinaka heartthrob, pinaka talented, pinaka hard working at pinaka mayaman rito!" agad naman akong napatakip ng kamay sa aking tenga dahil sa sigaw niya.

"Tsk, mas gwapo pa ako dun."

Agad kaming napatingin sa kunv sino ang nagsalita. Yun yung lalaking huling pumasok kanina.

Gusto ko sanang sabihing excuse me? Pero magmumukha akong panig sa Ethan na yun.

Hindi ko alan kung sino ang kakampihan ko. Yung Ethan na yun may kayabangan ang dating o itong isang tong pinapalandakan na napaka gwapo niya.

Agad nalang kaming umalis ni Venua doon nang napagtanto naming wala naman kaming mapapala don.

Thursday ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad ni Venus pa puntang classroom.

"Oy, balita ko may Aquaintance party raw bukas." ayan na naman siya. Ambilis niya namang makalakap ng balita.

"Ha?, ang bilis naman. Bukas na agad." nagulat kong tugon.

"Oo nga eh, sabi daw ipapakilala daw yung bagong President ng student council. Kaya mamayang hapon ay wala tayong klase para makapaghanda tayo para bukas."

Tumango tango lang ang ako.

Natapos ang umaga ng normal, gaya ng sabi ni Venus wala kaming klase at maghahanda lang para bukas.

Habang ako'y pabalik sa aking kwarto ay may humila agad sa akin. At doon ko napagtanto na si Venus pala yon.

"Oh? Anong sadya mo?" nagtataka kong tanong habang siya ay hinahabol ang sariling hininga.

"M-may.... Klase tayo sa lunes sa Training class... At ang sabi ay sasabihin daw kung ano ang iyong ability." hinihingal parin siya hanggang ngayon.

Agad naman akong nabahala.

'Lagot! Anong ipapakita ko sa kanilang lahat?!'

Agad akong bumaling kay Venus at nagpahiwatig ng paghingi ng tulong.

CHARLOTTE ACADEMY: SCHOOL FOR MYSTICAL ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon