Chapter 9: Gown

16 2 0
                                    


Nalito ako sa sinabi niya .

"H-hoh?"

Tumawa lang ito at ibinaling sa hinahawakan kong libro.

"Iha, mag-iingat ka, marami ka pang pagdadaanan at dapat mo itong malagpasan." at tuluyan nang umalis.

Naestatwa lang ako sa kinauupuan ko at inaalala yung sinabi ng matanda.

'Ako? Mag-iingat? Mag-iingat saan?'

Nabalik lang ako sa katinuan nang tumabi ba sa akin si Venus.

"Alam mo, nainis talaga ako kanina." chismis nanaman niya sa akin. Siguro ay may nasagap nanaman itong kwento.

"Oh, bakit naman?"

"Eh kasi yung mga lalanding babae sa CR na naglalagay ng powder sa mukha ay puro kababoyan ang kinikwento." panimula niya.

Nagulat naman ako ng may biglang mag bell. Napatingin ako sa mga estudyante at nakatingin pala sila sa amin at nagpapahiwatig na tumahimik kami.

"Bakit? Ano ba ang sinasabi nila?" pabulong kong tanong.

Hindi ako makapaniwala, sa classic at old school style ng paaralang ito ay may ganyan palang klaseng estudyante. Akala koy ang palaging topic nila ay kung paano uminom ng tsaa ng maayos at tamang postura.

"Narinig ko na yung magiging gown daw nila bukas is yung fit na fit para makita daw ang kurba ng katawan. Tapos daw medyo malalim ang V-neck para makita ang hinaharap. Ang iba pa nga daw ay mag tutube. Tapos daw malaki daw yung slit. Na makikita daw ang buong hita." nangigil niyang panimula.

"Oh ano naman ngayon? Wala naman yung kinalaman sayo ah. Anong pinuputok ng buchi mo?" takang tanong ko.

"Eh kasi, magsusuot sila ng ganong klaseng damit para daw mapansin sila ng mga lalaki , lalong lalo na si Ethan my loves!"

"Shhhh!!!!" sabay sabay na warning saamin ng mga narito.

Hindi ko alam pero parang biglang tumaas ang altapresyon ko. Hindi dahil sa mga taong nagsuway sa amin ngayon. Kundi dahil sa mga malalanding babae na balak akitin si----.

"Halika nga!" sabay hila sa kanya palabas ng library.

"So ano na ang gagawin natin?" nag-iisip na aksyon ni Venus.

"Ano ka ba! Ang dapat nating gawin ay kabugin yang mga babaeng yan! Amkapal ng mukha na gamitin ang katawan para lang mapansin ni--" agad akong napahinto sa sinasabi ko.

Napalingon ako kay Venus na ngayon ay nanunuyang ngumingiti sakin.

"Oyy!! May tinatago ka palang something ha!" mapang-asar niyang sinabi.

"H-hindi no! Ang akin lang ay mang-aakit sila ng mga lalaki at handa silang ipakita ang kaluluwa para lang mapansin." alibi ko pero hindi ito nakapawi sa ngisi ni Venus.

"Akala ko ba wala kang pakialam?"

"W-wala nga... O segi, paano kung magpapansin sila kay Leo." banta ko sa kanya.

Agad namang sumimangot ang kanyang mukha kaya ako naman ang napangiti.

"Anong p-pakealam ko dun! Edi magsama sila!" agad na siyang nag walk-out.

Nagising ako kinabukasan dahil sa sunod sunod na katok.

Agad ko naman iyong binuksan at nakita ko si Celina na may dala dalang malaking box.

Agad ko siyang pinapasok dahil nakita kong medyo nahihirapan siya sa dala.

"Ah may nagbigay sa iyo ng iyong masusuot para mamayang gabi." napa ngiti naman ako at agad kong naisip na baka si Venus ang nagbigay nito

Pagbukas ko rito ay agad kong nakita ang kulay itim na gown. Medyo fit ito ngunit sa dulo ay flowing na. Maganda siya at nagustuhan ko iyon, isa itong offshoulder gown at may mga pearl na nagsisilbing mga desinyo at nagpatingkad sa ganda nito.

May pares rin itong 3 or 4 inches heels. Kulay itim rin ito at kumikinang dahil sa telang ginamit. Agad ko itong sinubukan at kasya naman ito sa akin.

May nakita rin akong pares ng hikaw na pearl at pearl rin na kwintas.

Nang ito'y naayos na ay napagpasyahan kong lumabas upang hanapin si Venus upang magpasalamat. Pero hindi ko alam kung anong dorm number niya kaya lumabas nalang ako at nagbaka sakaling makita siya.

Agad sumalubong sa akin ang fountain. Lumapit ako rito at tinignan ang malinaw na tubig. Siguro ay palagi itong nililinisan.

Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa Hardin kung nasaan yung mga estatuwa. May nakita akong isang maliit na tulay na mukhang ginawa upang maging desinyo at para narin makatawid sa kabilang hardin. Nakita ko ang mga isdang lumalangoy at kahit saan pumupunta. Sa pagtutok ko kung saan papunta ang isang isda ay doon ko napansin ang isang kubo.

Agad akong pumunta roon at inabsorb ang magandang tanawin. Patuloy lang ako sa paglinga linga sa magandang hardin hanggang sa nasagap ng aking mata ang kagubatan.

Yun ang gubat kung saan ako napunta. Hindi ako sigurado kung panaginip lang iyon o totoo talagang nangyari.

Out of curiousity ay pumasok ako sa gubat. Ilang hakbang palang ay agad na akong napahinto ako ng marinig ang malakas na tunog ng bell at doon ko narealize na almusal na pala.

Agad nalang akong bumalik at ibinalewala nalang ang planong pumasok sa gubat.

Nang nasa dining area na ako ay agad kong nakita si Venus. Dali dali akong pumunta sa kanya.

"Andrea!!" sigaw niya sabay kaway sa akin.

Agad kaming naghanap ng upuan at umupo na. Nang nasa kalagitnaan kami sa pagkain ay agad na akong nagpasalamat sa kanya.

"Oy salamat nga pala sa pinahiram mong gown at yung heels , pati narin yung hikaw at kwintas."

Napatingin siya sa akin habang umiinom ng juice. Nang pagkalagay niya ng baso sa lamesa ay nagsalita na siya.

"Hah? Wala akong pinadala sayong gown, balak ko pa ngang isama ka para sabay tayong mamili ng susuotin natin." agad akong nagtaka sa sinabi ni Venus.

"Pero oyyy, baka secret admirer mo yan ha. May hindi ka palang sinasabi sakin." pangungutya niya.

"Heh! Anong admirer ka dyan. Baka ..... Ewan!! Basta atleast meron na akong masusuot para mamaya." at agad na akong tumayo.

'Sino kaya ang nagbigay ng gown nayon?'


To be continued.... ..... ....

CHARLOTTE ACADEMY: SCHOOL FOR MYSTICAL ABILITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon