CHAPTER 1
TYLER P.O.V.
Ako nga pala si Tyler Ramos. Half Filipino, half American. Graduate akong Valedictorian nung high school. 5'9'' ang height ko. Matangos ang ilong, maputi, maganda din ang hubog ng katawan, at makinis ang mukha ko na halos di tinutubuan ng tigyawat kahit parati akong puyat. Sa genes siguro to kasi maganda din naman ang nanay ko at makinis ang balat. 17 years old na pala ako ngayun.
Dahil sa hirap ng buhay ay kumakayod ako ng mabuti para mapagpatuloy ko lang ang aking pag.aaral. Iniwan kami ng father ko dahil bumalik siya sa unang asawa niya sa America. Masakit isipin na wala kaming amang umaalalay pero okay lang. Di ko pwedeng isisi lahat ang kahirapan dahil dito kaya gagawa ako ng paraan para maiahon ko sa hirap ang aking pamilya. May isa pala akong bunsong lalaking kapatid. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong maranasan niya ng subra ang kahirapan.
SUMMER VACATION
TYLER P.O.V.Summer na, kaya naghanap ako ng partime job para kumita at may pangkain kami araw araw. Sobrang hirap pero sa wakas ay nakuha ako sa Jollibe as service crew. Kinakaya ko ang pagod at hirap dahil may pangarap ako sa buhay at eto ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko. Nagtratrabaho ako ng sampong oras sa Jollibee tuwing lunes hanggan byernes. Tuwing Sabado ay nag.aaral pala ako ng jodo sa dojo ng kaibigan kong si John. Gusto ko lang matuto ng self defense incase na mapasubo ako. Mga 3 taon na din akong nagprapaktis ng Jodo at hindi ako natatalo ni John kahit kailan. Minsan nakakatawang isipin na ang nagtuturo sa akin ay di ako kayang talunin.
Araw ng Byernes at patapos na ang shift ko sa trabaho.
"Sir, out na po ako."
"Sige Tyler, ingat ka sa daan. Delikado pa naman."
"Sige sir. Salamat"
"Basta huwag kang malate sa Lunes ha. Enjoy your off."
"Salamat sir."
Umalis na ako at naglakad pauwi dahil hindi naman masyadong kalayuan ang aking tinatrabahuan sa bahay namin.Habang naglalakad ako ay may nakita akong dalawang grupo ng mga binata sa kanto. Parang may pinagdedeskusyunan yata sila. Patay. Gabi na at mukhang mapapasubo ako dito. Medyo kinakabahan ako dahil pareyas silang may dalang armas. Tumigil muna ako sa tabi at hinintay ang susunod na mangyayari at tama nga ang kutob ko, nag riot ang dalawang grupo. Nagsasapakan na sila at nagtatapunan ng mga bato. Yung isa pa ay dumugo ang ilong. Ang gulo gulo. Sa di ko inaasahang pagkakataon ay may nagpaputok ng baril. Pero mabuti nalang walang natamaan. Ang isang grupo naman ay naglalakad palayo at tumakbo paalis. Pero parang nakalimutan nila ang isa nilang kasamahan na patuloy pa sa pagsasapakan sa kanyang katunggali.
Di umubra ang kanyang kalaban at ng nasapak niya eto sa mukha ay natumba eto. Agad siyang pinalibutan ng kasamahan nito. Nung una ay nakailag siya sa suntok ng kalaban ngunit hindi niya namalayan na may tao pala sa kanyang likod. Hinawakan nila ang braso nito at mga paa para di makagalaw at ang taong nasa harap naman ay sinuntok ang kanyan tiyan. Sa pangatlong suntok nito ay lumabas ang dugo sa kanyang bunganga. Gusto ko sanang umalis pero hindi ko kayang tiisin ang nakikita ko.
Akala ko makakaiwas ako sa gulo pero bahala na si batman at superman. Unang laban ko to.
"Hoy, itigil niyo yan!"
"Sino ka pare? Gusto mo din bang magaya sa kanya!"
"Bitawan niyo siya. Wala siyang kalaban-laban."
"Gago ka pala pare eh.. Gusto mo din yatang mabugbog."
"Sige! Subukan mo. Kung di ka duwag walang armas dapat ang gagamitin."Patapang tapangan ako kahit kinakabahan na ako kasi baka may mangyari sa akin pero kailangan kong iligtas ang lalaking kanina pa nila binubugbog. Lumapit sa akin ang lalaki at bigla niyang sinuntok ako. Pero nakailag ako kaagad.
"Maswerte ka at nakailag ka.. Pwee... Tingnan ko lang kung maiiwasan mo to ang susunod kong gagawin.."Sumugod siya sa akin pero bigla ko tong inilagan at lumuhod ako ng bahagya at binigyan siya ng malakas na uppercut. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ako tumigil at sinuntok ko ang tiyan niya gamit ang tuhod ko habang hawak hawak ko ang ulo niya.
"Pak...." "Ahhh.... Grrr..."
"Ano! Lalaban ka pa.? Bitawan niyo siya kung ayaw niyong magaya sa kasamahan niyo..."
"Ulol ka ba? Pakawalan niyo siya mga tol at sabay sabay tayung umatake sa kanya."