CHAPTER 4
AFTER 1 WEEKTYLER P.O.V.
Pasukan na. Eto ang unang araw ng pagpasok ko sa Lasalle. Dahil first day at next week pa ibibigay ang uniform ay nakacivilian lang ang suot ko.
“Mamang, alis na po ako. O bunso, mag.aral ka ng mabuti ha. Pagtapos ng class mo ay uwi ka kaagad. Alam mo namang may trabaho pa ako pagkatapos ng class ko kaya ikaw muna magluto para kay Mamang.” “opo kuya. Ingat po kayu.”
“Sige bunso. Mamang, may nilagay po akong pagkain sa ref. Kapag nagutom po kayo ay painitin niyo nalang sa oven. Alis na po ako.”
“Hmm.. Mwuahh.. Sige anak, ingat ka at parati mong tatandaan, proud na proud ako sayu.”Paglabas ko ay nakaabang na pala sa akin si John dala ang kotse niya.
“Tol, tagal mo naman lumabas. Sabay ka na sa akin.”
“Uy tol, diyan ka pala. Di mo naman sinabi na diyan ka sa labas.”Sabay kaming pumunta sa school at nang makarating na kami ay tinuro niya sa akin ang room ko. Tapos umalis na siya. Napabuntol hininga nalang ako nung nasa harap ako ng pinto at dahan dahan ako sa pagpasok. Medyo maingay sa kwarto kasi parang magkakilala na yata ang mga kaklase ko. Kanya kanyang grupo sila. Ng pagpasok ko ay bahagyang tumahimik sila at napatingin sa akin. May lumapit sa aking babae habang nakangiti eto.
“Hi, ako nga pala si Ariana. Bago ka lang ba dito? First time ko kasi nakita ang face mo. Hmmm.. Wala ka bang katabi? Tabi ka na sa akin pogi.”
Nginitian niya ako. Maganda naman siya kaso may pagkaweirdo ang mukha kasi bukod sa nakasaliming siya ay nakabrace pa. Ngumiti nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Pero habang tumititig ako sa kanya ay pumula eto bigla at bilis dinikit ang mga paa at bahagyang sinisipa sipa ang isa niyang paa. Napapaihi ba eto. Pero nakuha nalang ang atensyun ko ng may tumawag sa pangalan ko.
“Tyler, dito ka umupo. Tabi tayo.”
Si Tajima pala. Oo nga pala, magkaklase kami. Naagaw ang atensyon nilang lahat ng tinawag ako ni Hapon at nagbulong bulongan habang palapit ako sa kinaroroonan ni Tajima pero hindi ko to pinansin.Habang naglalakad ako ay may biglang paang humarang sa dinaanan ko. Natumba ako ng bahagyan pero agad kong hinawakan ang braso ng taong humarang sa daanan ko at pareyas kaming natumba. Ng natumba ako ay kitang kita ko ang paghulog niya habang nakaupo sa arm chair. Sa di ko inaasahan ay bumagsag siya sa katawan ko at nagdikit ang aming dibdib. Mabuti nalang at agad kong hinarang ang aking braso para hindi magdikit ang aming mukha. Natuto na kasi ako. Kaso ang braso ko ay nasa leeg na niya. Nagulat nalang ako nang mapansin kong si Andrew pala to.
“Ikaw?”
Eto nalang ang bigla kong sabi.
“Ang mundo nga pala. Sobrang liit. Ang isang mahirap na gaya mo ay makakapag.aral dito. Bitawan mo ako dahil didikit na ang kamao ko sa mukha mo.”
Hindi ako makapaniwala na magkaklase kami pala ni Andrew. Agad kaming tumayo at biglang lumapit ang apat na kagrupo ni Andrew sa kanyang likod. Hindi naman ako nagpatinag at tumayo ako. Bigla niyang tinulak ako sa aking dibdib gamit ng kanyang dalawang kamay.
“Hoy, don’t pretend that you’re cool. Dahil ako ang hari sa paaralang eto.” “Tol anu bang problema mo?”
Biglang tumayo si Tajima sa likod ko at handa na din tong lumaban pero pinigilan ko siya.“Ah, may kakampi ka pala. Tyler pangalan mo diba. Tandaan mo, know your place. At ikaw Tajima, Torikaete kudasai.”
Sumabat naman etong si Tajima,
“Do shita no desu ka?”
Sumagot naman si Andrew,
“Tsurisen ga machigatte imasu.”Nagsalita ulit si Tajima na hindi ko na talaga miintindihan,
“Andrew, sore ga do shita no desu ka?”