CHAPTER 6
SUNDAYTYLER P.O.V.
Sunday na at day off ko ngayun. Gaya ng dati kong gawi ay maaga akong nagising at magjojogging sa PICC na nasa pasay. Alam kong babakat na naman ang jr ko sa fitted na running sweat pants at armholes sleeveless pero sinuot ko padin eto. Malamig ang simoy ng hangin at medyo madilim pa dito. Nagstretching muna ako bago ko magjogging. Madaming tao ngayun. Merong grupo ng magkakaibigan,iba magjowa, at yung iba ay may dalang aso. Habang tumatakbo ako ay may biglang nakabangga sa akin.
“Aray naman kuya. Ouch, you hurt me.”
“Sorry, di ko sinasadya. Tulungan na kitang tumayo.”Nang tinulungan ko siya ay napansin kong bakla eto at parang naalala ko siya. Tama, siya ang makulit na customer ko sa fast food chain na pinagtratrabahuan ko.
“Nahihilo ako. I’m falling. Catch me. I’m falling for you.”
Bigla nalang itong natumba at agad ko siyang sinalo. Pero ng sinalo ko siya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit.
“Kuya, hindi maganda pakiramdam ko. Kailangan ko ng CPR. Ahhh. Beke nemen.”
“Okay ka lang ba?”
“I think I will lose my mind. CPR mo na ako. I’ll die if you’ll not give me your air.”Habang inalalayan ko siyang tumayo ay bigla niyang hinawakan ang aking dibdib at ginapang eto sa aking mga abs.
“Kuya, ahhh… Kuya… Ahh..Kuya… Gahasain mo na ako..”
Pero habang nagsasalita eto ay may lumapit sa amin at bigla nilang hinampas ang ulo ng bimpo niya.
“Hay naku Reyna. Reyna ka talaga ng kabaklaan. Hindi ko kaya to. Over na talaga.. Hali ka na nga..”
“Mga sister.. Uyy.. Bitawan niyo ang braso ko. Huwag niyo akong yudyudin.. Baka ma sugatan ang eklabush ko. Gagamutin pa ako ni kuya.. Kuya, CPR mo muna ako… Sige na ah.”Ngumiti nalang ako sa kanila habang kinukuha nila si Reyna. Oo. Reyna yata pangalan nun.
“Kuya, pasensiya na ha. Kaloka kasi tong bakla.”
“Okay lang miss. Sige alis na ako.”Nagpatuloy ako sa pagtatakbo. Medyo pinawisan na ako ng konte at nagpahinga saglit. Pumunta ako sa kabilang plaza at umopo sa bench habang tinitignan ang nagzuzumba sa gilid ko. Nakakatuwang tingnan kasi puro matatanda na ang nagzuzumba. Makakaaliw silang panourin. Habang nakaupo ako ay may napansin akong dumaan sa harap ko. Sinundan ko ang aking titig sa kanya. Tama, si Andrew yun.
Tatayo na sana ako para lapitan siya pero may biglang yumakap sa kanya. Isang babae at bigla niya etong hinalikan si Andrew sa pisnge. Biglang hinawakan ni Andrew ang kamay ng babae at mabilis silang naglakad palayo. Gusto ko sanang sundan siya para tanungin kung anong ginagawa dito pero may biglang pumigil sa akin.
“Hello Tyler, kamusta ang Sunday?” “Tajima, ikaw pala.”
“Hehehe. Pumunta kami dito dahil diba sabi mo parati kang nagjojogging sa PICC.”
“Ahh, sino pala kasama mo?”
“Yung dalawang naglalakad palayo.” “Eh sino naman ang babaeng kasama ni Andrew?”
“Ah yun ba, girlfriend yun ng kambal niya. Lalapitan ka nga sana ng babae kasi akala niya ikaw si Anthony, kambal ni Andrew kaso hindi na niya ginawa kasi hinabol niya kaagad si Andrew.”
“Ganun pala.”Niyaya kong magjogging si Hapon at yun na nga tumakbo din siya. Sabay kaming nagpapawis at ng medyo nakaramdam na kami ng pagod ay tumigil muna kami.
“Matanung ko lang tol, saan ka natutong makipaglaban?”
“Yun ba Tyler, member ako ng Taekwando Club sa school namin. Pati na din si Andrew. Minsan magkasparring kami nyan. Ni minsan hindi ko pa nga yan natatalo. Eh ikaw? Ang galing mo. Saan mo nalaman yang mga the moves mo sa pakikipaglaban?”
“Sa kaibigan ko lang. Jodo ang ginagamit ko sa pakikipaglaban. Combination to ng defense at offense. Dapat alam mo kailan ka susugod at kailan iilag.”
“Gusto ko yan, turuan mo naman ako.”
“Sige ba.”