CHAPTER 7
TYLER P.O.V.
Napagsunduan namin na sa Batanggas kami pupunta ngayung Sabado para masimulan na namin ang research paper. Habang naglalakad ako sa Alley ay nakita kong magkasama sina Andrew at Mariel.
“Hi Tyler. May dala pala akong pagkain para sa inyo ni Andrew. Come over here.”
“Ah, ganun ba. Salamat.”Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at tumingin ako kay Andrew. Parang walang reaksyun ang kanyang mukha pero kinausap ko padin siya.
“Tol, kamusta? So ready ka na ba sa Sabado?”
Habang naghintay ako ng sagot sa kanya ay bigla namang sumagot si Mariel.
“Saan kayo pupunta?”
“Meron pala kaming group project ni Tajima at ni Andrew. Bali pupunta kami sa may Batanggas this weekend at duon kami magstastay-in ng isang gabi.”
“Really? Wow, that’s very exciting. Can I come?”
“Sure, pwede naman.”Pero nagulat nalang ako ng sumabat sa amin si Andrew.
“No. Stay here.!”
Biglang umalis siya at iniwan kaming nakatunganga. Nagtataka tuloy ako sa ugaling pinapakita niya ngayun. Nginitian ko nalang si Mariel para hindi kami maging awkward pero biglang pumula ang kanyang pisngi at hinahawakan niya ang kanyang damit sa harap habang gumigewang gewang. Mas lalong naging awkward tuloy ang sitwasyun.
SABADO
Sabado na at aalis na kami. Ang meeting place namin ay sa may malapit na fast food chain sa gilid ng school. Sasakyan ni Hapon ang aming service papuntang Batanggas. Mga dalawangpung minuto na ang makalipas ay wala pa din si Andrew. Hanggang lumipas ang oras ay wala pa din siya. Sa wakas ay nandiyan na siya pero habang palapit sila ay kasama niya si Mariel. Hinihila siya nito palapit sa amin.
“Sorry, medyo nalate kami sa pagdating. Ang boyfriend ko kasi ayaw sumama kaya pinilit ko pa siya.”
Pinalampas nalang namin to ni Tajima at bumyahe na papuntang Batanggas. Sobrang haba ng byahe at halos umabot eto ng limang oras. Habang nagmamaneho ng sasakyan si Hapon ay di pa din mawala ang kadaldalan nito. Pilit niyang inuusisa ang tungkol sa akin.
“Tyler, hmm, first time mo bang makapunta ng Batanggas? Ako kasi hindi. Sobrang ganda dun.”
“Ahh, hindi naman tol. Matagal na din ng huling nakapunta kami ng pamilya ko dun.”
”Ganun ba. Ano pala ang paborito mong pagkain? Marunong akong magluto. Paglulutuan kita dun.”
“Ano nga ba? Mahilig ako sa maanghang. Pero ang gusto ko talagang luto ay sweet and sour meat balls.”
“Ano naman ang paborito mong kulay?”
“Mahilig ako sa white kasi bago kami iwan ni Papa white na tshirt ang huling binigay niya sa akin. Siguro eto din ang dahilan kung bakit positibo ako sa buhay kahit madami akong pinagdadaanan.”Habang nagsasalita ako ay biglang lumapit sa mukha ko si Hapon. Para etong timang. Pero bigla kong napansin na seryo siyang tumititig sa mata ko. Halos naamoy ko na ang lumalabas na hangin sa kanyang ilong. Maiinit eto na nakaka alimuyak sa pakiramdam. Pero habang tumitig sa akin eto ay bigla nalang sumigaw si Andrew na nasa likod kasama si Mariel.
“Nanishiteruno! Anata wa kare to issho ni imasu ka!” (English translation: What are you doing! Are you inlove with him!)
Pero biglang sumagot si Tajima sa kanya.
“Doshite? Sore nit suite nani mo machigatte wa imasen.” (English translation: Why? There’s nothing wrong about it.)
“Taraide wanai!” (English Translation: Not Tyler!)
“Naze andoryu?” (English Translation: Why not Andrew?) “Watashi wa tairade wa nai to itta!” (English Translation: I said not Tyler!)