II. Don't Go
"Kapag may umaalis, may dumadating."
Bumangon ako sa kama ng mugto ang mga mata. Kakaiyak? Oo. Magdamag na yakap ko lang ang unan ko at tuloy tuloy lang ang pagagos ng luha ko.
Today is supposed to be our first anniversary. It's been 2 months since you decided to leave. That 2 months felt like hell.
Paulit ulit ko pa ring naririnig sa isip ko yung lagi mong sinasabi sa akin noon, "kapag may umalis, may dadating." Hindi ba pwedeng yung umalis, bumalik na lang?
Tumulo na naman ang luha ko. Hinang hina na ako sa kakaiyak, pero yung mata ko mukhang walang kapaguran sa paglabas ng luha.
"Tama na Yuri," I said in between sobs.
"Tama na please," halos hindi ko na naririnig ang sarili kong boses dahil napaos na sa kakaiyak. I never knew loving would be this hard. Sobrang sakit pala magmahal. Sobrang sakit maiwan.
Pinilit kong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo, kailangan ko ng pumasok dahil halos dalawang buwan na akong on and off sa school.
Nagayos ako at sinubukang ngumiti sa salamin. Ayokong makita niya ako ng ganito-yung sobrang lungkot. Ayokong kaawaan niya ako. Ayokong magmukhang talo.
"Yuri buti pumasok ka ngayon, may sasabihin kami sayo," pagdating ko pa lang sa room ay pinalibutan na ko ng mga kaibigan ko. I'm glad na nandito pa rin sila kahit na feeling ko tinalikuran na ko ng mundo.
"Si Hanz. . ." Pagkabanggit ng pangalang iyon ay biglang namuo ang luha ko, ngunit pinigilan ko ito sa pagtulo. Pangalan pa lang niya, grabe na ang epekto sa akin.
"-nasa Japan na siya," napatulala ako ng marinig ko ang balitang yon.
Si Hanz? Nasa Japan?
Hindi ba, dapat akong matuwa kasi mas mapapadali ang pagmomove on ko? Pero bakit. . . Bakit mas nasasaktan ako?
Lumipas ang araw, buwan at taon, nakamove on na ako sa kanya-o nasanay lang ako na wala siya. Sumaya ako-o pinili ko lang.
"Yuri ako na magbubuhat niyan," nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni James sa tabi ko. Napangiti ako habang inaabot sa kanya ang mga libro kong dala. First year college na ako, at nililigawan ako ni James, sophomore. Hr first became my bestfriend nung una akong naginquire sa school nila na ngayo'y school ko na din. He's caring, and I can feel his love for me.
"Salamat Mes!" yinakap ko siya mula sa gilid. I like James, and I'm willing to fall for him, too.
Siguro naman, after a year, ready na ulit ako, di'ba?
A week before our semestral break, I texted James to meet me at a certain coffee shop malapit sas school namin. Sasagutin ko na siya.
Pumorma ako ng maganda, with my 3 inches above the knee white floral shoulder top dress and alligator shoes, I went to the coffee shop.
Hindi naman ako yung sasagutin pero bakit kinakabahan din ako? I can't wait to say my good news to him.
Pagtapat ko sa coffee shop ay makailang beses pa akong huminga ng malalim. Natatanaw ko siya mula sa bintana ng coffee shop at ang gwapo niya kahit na simpleng t shirt lang ang suot niya.
"Yuri?" napahinto ako sa paglakad papasok ng may tumawag sa akin. Ang kahuli-hulihang boses na gusto ko sanang marinig sa buong buhay ko.
Mas lumakas ang kabog sa dibdib at nanikip ang paghinga. Grabe ang epekto mo sa akin kahit na isang taon na mula ng marinig ko ang boses mo.
"Kapag may umaalis may dumadating," napahugot ako ng hininga ng sinabi niya ang mga katagang yun.
"Yuri. . ." hinawakan niya ang kamay ko at hinarap niya ako sa kanya.
Pinilit kong hindi pumatak ang luha ko ngunit hindi ako nagtagumpay nang titigan niya ako diretso sa mata.
Hanz.
"Pwede bang, yung umalis sa tabi mo, bumalik na? Pwede pa ba, Yuri?" tumingin ako sa gawi ni James at nagulat ako ng makita na nakatingin siya sa amin. Sa kamay kong hawak ni Hanz at sa mukha kong nasasaktan.
Hindi ko maintindihan. Mahal ko si James, pero. . . pero bakit ganito? Bakit parang mahal ko pa din si Hanz?
Unti unti akong nanghina ng tumayo si James sa kinauupuan niya at dire diretsong lumabas sa coffee shop ng hindi ako tinitignan.
I'm sorry James. Mukhang yung umalis at bumalik pa rin ang mahal ko. Na kahit na sana hindi na lang siya umalis, siya pa din.
Napapikit ako kasabay ng pagagos ng luha mula sa mata ko.
"Bakit? Bakit ka umalis? Bakit ka pa bumalik?"

BINABASA MO ANG
Unheard Hearts
Short StoryHappiest people often shares most painful stories. And most of them are 'unheard'. April, 2020