VII. Harana
"Uso pa ba ang harana, marahil ikaw ay nagtataka." Panimula mo sa paborito kong kanta, Harana ng Parokya ni Edgar, ang paborito ko ring banda.
Hindi ko maiwasan na maramdaman yung kilig habang nags-strum ka sa gitara. Shet. Nakakawet down there.
"Sino ba 'tong mukhang gago nagkandarapa sa pagkanta, at nagsisintunado sa kaba?" Nakangiti ka habang nakatingin sa akin ng diretso. Ayan na naman yang ngiti na yan, sobrang nakakatunaw!
"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw." Unti-unti kang humakbang papalapit sa akin.
OMG! Ang lakas ng tibok ng dibdib ko!
Pilit kong pinigilang ngumiti para di mahalata na gusto kita, pero sheeet ang hirap naman kasing magpigil sa harap mo.
"At sa awitin kong ito, sana'y maibigan mo, ibubuhos ko ang buong puso ko." Hinawi mo ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko at inipit sa tenga ko.
Hinawakan ng mainit mong kamay ang nanginginig at malamig ko namang kamay. Wala na. Hindi ko na naiwasang ngumiti pabalik sa'yo.
"Sa isang munting harana para sa'yo." Pinikit ko ang mata ko habang palapit ng palapit ang mukha mo sa akin.
Hindi ko talaga lubos na inaakalang—
"Ayos ba ang kanta ko tol? Papasa na ba ko kay Pearl?" Kinikilig mong sabi habang nakayakap sa akin.
"Ah, o-oo naman." Niyakap kita pabalik.
"Tol."
BINABASA MO ANG
Unheard Hearts
Short StoryHappiest people often shares most painful stories. And most of them are 'unheard'. April, 2020