"Sobrang tagal na din simula n'ung huli tayong nag-usap, noh?" nanatili akong nakayuko, pinipigilan ang mga mata sa pagluha.
"Oo nga e', dami ng nagbago," mahinang sagot ko sa kanya.
Hindi ako mapakali, walang lakas na tumitig sa kanya. Rinig kaya niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko?
Kinakabahan? O natatakot? Hindi ko alam.
"Ikaw?" saglit akong napatingin sa kanya, ngunit agad din itong binawi. Ang mukha niya, hindi sumama sa pagbabago. Ang pungay ng mata, pula ng labi, taas ng ilong, maging ang kilay niyang napaka-kapal. Walang nagbago.
"A... Ako?" mautal-utal kong sabi.
"Nagbago ka na ba?" mariing pinikit ko ang aking mata. Umaasang mapagsasarahan ng lagusan ang luhang lalabas na dito.
"Nagbago? Hahaha," payak akong napatawa. Ang mundo siguro, magbabago, pero ako? Malabo.
"Ganu'n pa rin ako," may ngiti sa labing pinunasan ko ang kaunting patak ng luha sa aking pisngi. Hindi ko alam kung nakita niya ba 'to, dahil hindi naman niya inaalis ang tingin niya sakin.
"Parang masungit ka na nga ngayon e," biro niya. Napailing na lang ako.
"Hindi ba ako masungit dati pa man?" iniwas ko ang aking tingin. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-uusap namin ngayon. Para alalahanin ang nakaraan? O buksan ang matagal ng ibinaon sa limot?
"Hindi ka kaya nagsusungit sa'kin dati lalo na nung tayo n—" hindi niya tinapos ang sasabihin niya. Mukhang napansin niya na hindi na namin 'yon dapat pag-usapan.
"Ang ibig kong sabihin, masayahin ka naman noon. Ngayon kasi, parang nalugi ka sa negosyo mo," natatawa niyang sabi. Pareho lang naman ang noon at ngayon. Pareho lang namang hindi pwede.
"Siya nga pala," isang pulang kahon ang iniabot niya sa akin. "Ibabalik ko lang yung dapat na sa'yo." Inilabas niya sa kahon ang isang kwintas na may palawit na S.
Ibinigay niya 'to sakin, matagal na panahon na, pero ibinalik ko nung araw na natapos ang lahat sa pagitan namin.
Kasama ng kahon ay isang pulang sobre.
"Sana makapunta ka, ikaw ang pinakaimportanteng tao na kailangang dumalo sa araw na 'yan ha?" biro niya sa akin.
At sa unang pagkakataon sa huli naming pag-uusap hinayaan kong tumulo ang aking luha.
"Pupunta ako."
"Hon! Nandito ka lang pala, hinahanap na tayo nila Mommy," isang magandang babae ang lumapit sa aming dalawa at kumapit sa braso niya. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.
"Sino siya Hon?"
"A good friend," sagot ko na lang.
"Oh great, sana makapunta ka sa wedding namin. We have to go na ha? Nice to meet you."
Pinagmasdan ko silang umalis. Masaya sila. Masaya na sila, dapat na din akong maging masaya para sa kanya kasi masaya na siya, kahit hindi na ako kasama.

BINABASA MO ANG
Unheard Hearts
Proză scurtăHappiest people often shares most painful stories. And most of them are 'unheard'. April, 2020