Leche

22 4 0
                                    

I. Leche

"Rule no 1: Never trust anyone," sinulat ni Bryan ang sinabi niya sa isang yellow paper. Tango lang ang sinagot ko.

Bagot na bagot na ko sa kakadada nitong lalaking to. Kanina eh Science review pa ang inaatupag namin, pero ngayon, eto siya kung ano anong rules ang pinagsasabi.

"Hoy babae, nakikinig ka ba sakin?" padabog niyang ibinagsak ang ballpen na gamit sa harap ko. Tinignan ko lang siya ng masama at umirap ulit for the nth time.

"Wella ang pangalan ko! Hindi 'babae'!" gusto ko pa sana siyang duru-duruin kaso 'wag na lang. Kawawa naman.

"Wella? Pangalan ng aso namin 'yan ah? Bagay nga sa'yo yan," diretsong sabi niya. Walang pagaalinlangan. Hindi pinagisipan.

"Leche!" tinalikuran ko siya at walang lingong umalis bitbit ang mga gamit ko.

Exam day.

"Hoy Bry, pakopya ako," siniko ko siya at pasimpleng tumingin-tingin sa paligid. Shet. Baka mahuli ako nito.

"Rule no. 1," simpleng sabi lang niya at tumagilid sa akin, made me face his back. Kainis naman!

Napilitan na lang akong magsagot ng exam na hindi ko naman alam. Kainis kasi yung nagreview sa akin eh, puro rule no. 1 alam.

A thin line was evident in my face the day our teacher announced our scores for the periodical exam.

"Ms. Wella Briones, nag-aral ka ba?" wow naman Ma'am! Kailangan po ba talagang iannounce niyo po yan?

"Pfft," sinamaan ko ng tingin si Bryan na halatang nagpipigil ng tawa.

"Leche ka, kasalanan mo to eh," bulong ko sa kanya bago ko kunin ang exam paper ko kay Ma'am.

Nice. 21 out of 60. Hindi man lang nangalahati.

Pumunta ako sa may open field sa likod ng building namin at pinagsisipa ang puno ng mangga doon.

"Leche! Leche talaga!"

"Hoy babae, kawawa naman yung puno," my forehead automatically when a man showed up. Bwisit.

"Ano namang paki mo?" I arched my elbow at him. Sirang sira na araw ko.

"I told you, Rule No. 1. Hindi ko kasalanan na nagtiwala ka sakin," nakangisi pa niyang sabi habang nakapamulsa. Wow naman. Yabang men.

"Kasalanan ko pala no? Leche!" At katulad ng dati, I walked out.

Valentines day.

"Hoy babae, may nagpapabigay ng chocolate," hinagis niya sa mukha ko ang toblerone na hawak niya.

"Leche naman 'to! Pwede namang iabot ng maayos," inirapan ko siya.

Tinignan ko ng mabuti ang Toblrone. Wow, akalain mong may magbibigay sa akin nito.

Umupo sa tabi ko si Bryan at nagcellphone.

"Hoy," siniko ko siya dahilan para muntikan ng malaglag cellphone niya. Haha. Sayang sana nalaglag ng tuluyan.

"Ano ba kasi?" pagsusungit nito. Akala mo naman gwapo para magsungit.

"Naalala mo? Rule no. 1?" a smile plastered on my face. Confusion evident in his.

"Oh? Tapos?" binuksan ko ang Toblerone at pumutol ng isang triangle. Inabot ko sa bibig niya ang chocolate. He looked at it as if it was the least thing he would eat on earth.

"Ikaw muna kumain para kapag may lason ikaw lang mamamatay," tinabig niya ang kamay ko at bumalik sa pagcecellphone.

"Paano kung may lason nga at namatay ako, edi wala ng magmamahal sa'yo," hindi ko narinig ang mga sinabi niya dahil sobrang hina na nito. Hindi ko na lang siya pinansin at sinubo pa rin ang chocolate sa bunganga niya.

Buti na lang at busy siya sa kakacellphone at hindi niya napansin na kalat kalat na ang chocolate sa mukha niya.

"Hahahaha!" sinamaan niya ako ng tingin dahil nakita niya ang reflection niya sa cellphone niya.

"Ikaw talagang babae ka, hindi ka talaga dapat pagkatiwalaan," I sticked my tongue out at tinuloy na ang pagkain ng chocolate habang siya naman ay pinupunasan ang mukha niya gamit ang panyo ko.

Graduation day.

Tears and goodbye's echoed in the whole amphitheater. Sa wakas, graduation na namin. At salamat din dahil nakagraduate ako. Haha.

"If there is only thing that I will remember throughout my life is an unwritten rule of mine. Rule no. 1: Do not trust anyone, anything. Because even your own heart can betray you, my heart betrayed me. I loved someone whom I shouldn't love in the first place. Wala eh, dikta ng taksil na puso eh," Bryan said in between sobs. Siya ang valedictorian namin and he's currently delivering his speech. Walang kwentang speech, di ko nga alam kung bakit naging valedictorian 'yan. Sumipsip lang siguro sa mga teacher.

Pagkatapos ang mahabang programa ay hinagis na namin ang mga toga namin. Finally! Bakasyon na!

Habang sila ay nagiiyakan, ako naman ay magdidiwang dahil tapos na ang pasakit ng eskwelahan.

"Hoy babae," napalingon ako sa pangit na Bryang tumawag sa akin. Automatic na nawala ang ngiti sa mukha ko, ngunit agad din itong bumalik ng ngumiti sa akin si Bryan.

Hoy, ano to? May himala ba ang graduation at ngumiti itong pangit na to?

"Graduate na tayong lahat lahat hindi mo pa din alam pangalan ko? Leche naman oh!" nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong niyakap. Hala? May himala nga ang graduation.

"Problema mo?" niyakap ko siya pabalik. Ito siguro ang una't huli naming yakap. Sa tagal naming magkaibigan-oh sige icoconsider ko na siyang kaibigan-never kaming nagyakap. Like duh? Leche.

"I told you before, do not trust anyone. Bakit nagtiwala ka pa rin?" he said, still not letting me out of his arms.

"Paki mo ba?" masungit na tanong ko, but my smile never faded. Wala lang, this day just felt surreal.

"Can you please trust me more? Trust me that I will never hurt you and you're heart," unti unti siyang kumawala sa yakap kasabay ng pagkunot ng noo ko. May himala nga ang graduation. I never picture Bryan to be this cheesy or dramatic.

"Hoy? Ano ba?" kinakabahang sabi ko. Ano ba to? End of the world na ba?

"Wella Briones? Masarap ba yung Toblerone?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"I never trusted anyone, that's why I sticked with my only rule in life. But then you happened, and you ruined my belief. Wella? Pinagkakatiwalaan na kita sa puso ko," gusto kong masuka sa mga pinagsasasabi niya pero mas nangibabaw ang mga paru-paro na naglamyerda sa tiyan ko.

"Leche ka," napangiti na lang ako at wala ng nasabi pa.

Wala eh, may himala talaga ang graduation.

"Leche you too."

And for once, I trusted my heart.

Unheard HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon