💣chapter💣♡24♡

1.6K 91 1
                                    

(3rd Person's POV)



Nagulat ang lahat ng maipakita ng Hologram ang aktuwal na senaryo sa loob ng Space Portal.



Nakanganga ang lahat ng nakapanood, maging ang mga hari at ibang mga reyna ay nagulat sa kakayahan ng isang estudiyante, ngayon lamang sila nakakita nang ganoong uri ng mahika at pagpapalit anyo.


Alam nila na kayang magawa ang ganoong uri ng pagpapalit anyo sa tulong ng mga hiyas, ngunit nagtaka sila ng sobra dahil sa wala namang hawak na hiyas ang isang hindi kilalang estudiyante.


"Sino ang estudiyanteng iyan?" Seryoso at tuwid na tanong ng mahal na hari ng buong kontinente ng Almarthea.


"Siya po ang ampon na anak ng dalawang kilalang tao sa kontinenteng ito mahal na hari..." Sagot ng punong gurong si Mardox.


"Mahusay ang kaniyang taktika at kapangyarihan, ngunit ano ang kaniyang kapangrarihan Mardox?" May bahid ng pagkamangha at ngiti sa labi ng mahal na reyna ng kontinente ng Almarthea.


"Siya'ng tunay, ngunit atin munang pagmasdan ang iba pa niyang kakayahan." Nakangiting turan ng hari ng Dracule.


Nakita nila ang ibang mga royalties na nahihirapan maka-alpas sa susunod na bahagi ng gubat, kung saan napakaraming nagaabang piligro, maraming mapupula at nanlilisik na mga mata ang unti-unting pupuno sa paligid ng dalawang grupo ng mga royalties.




"Magaling ang ginawa ng iyong anak mahal na hari, ang pagsama-samahin ang lahat ng royalties ay tiyak na mas malaki ang kalamangan nila, dahil kung ikukumpara ay mas maraming abilidad ay mas madali at mas mabilis na makakalabas ng ligtas!" Nakangiti at halata sa tono ang paghanga, salaysay ng ama ng hari ng mga mineral at katalinuhan.



"Kanino pa ba magmamana? Kung hindi saakin lamang din" turan pabalik ng hari na halatang natuwa sa turan ng matalik niyang kaibigan.



Nagtawanan at nagkuwentuhan ang mga hari't reyna, habang nanunuod at  puno ng kagalakan sa kanilang nasasaksihan na pagbabago sa kanilang mga mahal na anak.


(Charlootte's POV)




Hindi ako makapaniwalang nagawa kong makalagpas doon, woooh!


Dahil sa bilis ng aming paglipad na kasing bilis ng liwanag, nakapunta kami kaagad sa bungad ng gubat ng Space Portal.


Dahil ayaw ko pang ilabas ang aking alas, pagkalapag na pagkalapag namin nagiisang kapatagan na hindi na sakop ng dagat ng lava, dito namin naisipang lumapag at magpahinga.



Maingat kong inilapag ang aking mga kasama, noon nung una ko  itong gawin ay hindi ko makayanan ang matagal ang ganitong uri ng anyo, kinakailangan lubos  na konsentrasyon upang magamit ng matagal ang ika anim na anyo Morhp.



Napansin ko na biglang natigilan si Justine at halatang may pinakikinggan ng maigi sa paligid.


Magingat kayo, nagbigay ng babala saakin ang ibang halamang walang miasma( isang uri ng kapangyarihang nakapag bibigay ng buhay sa mga halaman at nagiging mapaminsala sa kahit na anong buhay na nilalang na makakalapit dito), nababahalang turan ni Justine na halatang kinakabahan sa naghihintay saamin sa loob ng gubat.


Mukhang dito rin pumasok ang ibang mga Estudiyante dahil sa mqraming bakas ng mga paa sa mga naputol na sanga at mga tanim sa paligid, turan ni Angelica.



Tayo na at pumasok kailangan nating makahabol sa kanila, turan ko sa kanilang lahat.





...






Almarthea "The Land Of The Downcast" (Revising& Renovating!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon