💣chapter💣♡42♡

1.5K 83 11
                                    

(Charlotte's POV)

Patuloy lang sa pagkuwento ng mga nakakatawa si Prinsipe Tyron, kaya naman kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam at bumalik na sa dati ang aking kalooban.

Tawa lang kami ng tawa habang naglalakad di namin namalayang nasa harap na kami ng pinto ng punong guro.

Nagulat ako ng makita ang pinagseselosan ko kanina lamang ay nasaaking harapan kasama si Prinsesa Latizia, magkaharap ng malapitan at nakasandig ang kanilang likuran sa pader malapit sa pinto ng tanggapan.

Bigla nanamang nanumbalik ang kirot na aking naramdaman kanina lamang.

Biglang nagulat ang reaksyon ni Prinsipe Archaeus at dali-daling tumayo ng maayos, bigla itong tumingin saakin at pati narin kay Prinsipe Tyron, biglang nagbago ang kaniyang ekspresyon, mukhang galit ang kaniyang ekspresyon ngunit bakit? Nagulat ako ng bigla itong umalis saaming harapan at pumasok sa loob ng tanggapan.

Hindi ko nalang pinansin ang kaniyang ipinakitang emosyon kanina, hinayaan ko nalang dahil ayoko munang masangkot sa kahit na anong ikagugulo ng aking utak.

Nagpaiwan ang prinsesa at si prinsipe Tyron.

Pagpasok ko ay agad akong naglakad papunta malapit sa kinaroroonan ng punong guro at ni G. Tyro.

"Maubuti at nandito kana, kaya ko kayo ipinatawag dahil nais konang malaman ang inyong kahilingan ngayong araw hanggang sa susunod na ikatlong araw ng buwan na ito." Deretaong turan ng punong guro.

"Kayo ang nanalo sa Battle of Academies, kaya mayroon kayong pribilehiyong tanggapin ang aking ipinangakong isang kahilingan kapalit ng inyong pagkapanalo." Patuloy na turan ng huli.

Biglang pumasok sa isip ko ang nais kong kahilingan simula pa noong una, kaya naman hindi kona kailangang mag isip pa.

Nagtaas ako ng kamay, "ang kahilingan kopo ay nais kong makapag-aral sa Tripple X Academy.

Deretsahan kong turan ng walang pag-aatubili at pag-aalinlangan.

"Kung iyan ang iyong nais, amo mismo ang gagawa ng sulat upang mairekomenda kita sa paaralang iyong nais." Nakangiting tura ng punong guro.

"Charlotte!... Naisip ko lamang sana magpasalamat ng lubos sa iyong katapangan at kagitingan, marahil kung hindi dahil sa iyong pag sasakripisyo ay malamang wala na kaming lahat, maging ang paaralang ito..." Nakatingin ng deretso nitong turan habang may tuwa at sinseridad sa kaniyang tono.

Napangiti naman ako, dahil sa tuwa na makarinig ng taong nagpapasalamat dahil may nagawa akong isang bagay na labis nilang ipnagpapasalamat.

"Kaya ngapala rin kita ipinatawag dahil nais ko sanang malaman kung bakit mayroon kang pambihirang kapangyarihang hindi mo lubos akalain na iyong tataglayin?..." Turan ng punong guro sabay upo ng matuwid at tuwid ang tingin saakin.

Bigla akong nagdalawang isip dahil sa kaniyang tinuran, agad akong kinabahan, hindi ko alam kung sasabihin koba o itatago ko, pero malang sa malamang nagdududa na sila kung sino ngaba talaga ako.

Tumingin ako sa punong guro pati narin sa kaniyang kanang kamay na si G. Tyro na masipag na nakatayo lakang sa sulok habang nakikinig saaming pinag-uusapan.

Bigla kong naalala na nandito rin pala ang prinsipe, kung sasabihin ko ang totoo ay malalaman narin nito ang aking pagkatao.

Pero lalabas at lalabas din naman ang katutuhanan na ako ay isang katawang tao ng mahal na Diyosa at ako ang maswerteng pinili niya upang ipagpatuloy ang katahimikan at pag-asa ng aking mundong ginagalawan.

Almarthea "The Land Of The Downcast" (Revising& Renovating!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon