💣chapter💣♡43♡

1.4K 81 3
                                    

(Charlotte's POV)

Bukas na ang araw ng paghuhukom at pagdedeklara ng pasiya ng mataas na hukumaan at ang desisyon ng taong bayan tungkol saaking hinaharap.

Hindi ko alam kung tatagal pa ba ako, alam kong maraming may masasamang hangarin saaking kapangyarihan, mayroon ding natatakot saaking taglay.

Pero ang ikinakatakot ko ay ang hindi nila ako tangkilikin bilang isang tao rin na namuhay ng normal, ngunit pinaslang ang magulang at kapatid.

Ako ay kasalukuyang nakaupo at pinagmamasdan ang mga batang tuwang-tuwa sa tuwing ako ay nagpapalabas ng mga paru-parung gawa saaking mana.

Matitingkad ang kanilang kulay, at nakahahalina ng tunay ang kanilang hatid sa mga taong makaka kita.

Habang nakatingin sa mga bata ay biglang may umupo saaking tabi at biglang nag-abot ng isang boteng may laman ng matingkad na inumin.

Nagulat ako ng makita ko sino ang taong nag abot nito, walang emosyong  nakatitig saakin si Prinsipe Archaeus, dahil sa nauuhaw narin naman ako ay kinuha ko na ang iniaabot niyang inumin.

"Kung iniisip mo parin ang mga mangyayari saiyo bukas ay huwag kang mag-alala, humingi na kami ng aking ama ng tulong sa kaniyang mga kaibigan na may matataas rin na posisyon sa pamahalaan." Deretaong turan nito sabay upo saaking tabi.

Napangiti ako dahil hindi ko inaasahan na susunod siya saaking hiling na makapag-patuloy ng aking pamamalagi dito sa Almarthea para saaking pag-aaral at pati narin saaking nakaatas na gawin.

"Maraming salamat!" Nakangiti kong turan kahit hindi nakatingin sa kaniyang puwesto.

Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy na pinagmasdan ang mga batang hindi alintana ang pagod habang naglalaro.

Nakaupo kaming dalawa sa silong ng isang punong akasiya na sobrang taas, at dahil sa dami ng sanga at laki ng puno ay malawak ang espasyong natatakpan nito gamit ng kaniyang lilim.

Habang abala kami sa panunood sa mga batang naglalaro ay biglang dating si G. Tyro.

"Mahal na Prinsipe ipinapatawag po kayo ng punong guro sa kaniyang tanggapan, pati narin po kayo ginoong Verloine!"

Biglang rumihistro ang pagkagulat saaking isip, bigla akong nilukob ng kaba.

Ngunit wala akong magagawa kung hindi ang harapin ang bawat pagsubok na dumaraan.

Ito ay kahilingan ng mahal na Diyosa ng Lahat na hindi ko maaaring salungatin.

Napatayo ako at gayon din si Prinsipe Archaeus, at agad na nagpatingin sa gawi ni G. Tyro.

Napatingin ako kay Prinsipe Archaeus na parang wala lamang sa kaniya ang biglaang pagtawag saamin ng punong guro.

Sumunod kami kay ginoong Tyro at nang makarating kami sa loob ay nagulat ako ng makitang nandoon ang mga hari at reyna, maging sina nanay Minea at tatay Marcus.

Bigla akong napayuko at nagbigay galang sa kanilang lahat, "Magandang Umaga sainyong lahat mga kamahalan!" Turan ko sa kinakabahang tono, marahil ito na ang araw ng aking interogasyon.

"Maupo kayong dalawa kasama ng ibang mga Royalties." Turan ng punong guro na nakaupo sa kaniyang upuan habang nakaupo naman ang mga hari at reyna ng iba't ibang lungsod sa mahabang lamesa na gawa sa mahogany na haatang alaga dahil sa linis at sa kintab nitong taglay, nakita ko ang ibang mga royalties na nakaupo sa bandang likod ng kani-kanilang mga magulang na mga hari at reyna.

Almarthea "The Land Of The Downcast" (Revising& Renovating!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon