(Charlootte's POV)Naglalakad lang ako ng patuloy at walang patid, walang kahit na anong bagay o liwanag ang aking nakikita.
Purong kadiliman lamang, lakad lang ng lakad, habang naka amba ang aking dalawang kamay sa unahan, nagnanais na may mahawakan at may katapusan ang aking paglalakad.
Ngunit wala ni isang bagay ang bumangga saakin, naglalayon lamang na hindi pa ito ang hangganan.
Dahil sa pagod ay naisipan kong tawagin si Freya saaking isip,, ngunit wala ni isang hangin ang lumabas sa kaniyang bibig.
Marahil ay natutulog lamang ito at hindi magising-gising.
Dahil sa kaba at takot ay pinilit kong isara ang aking mga mata, alam kong wala akong inaapakan dahil kahit anong padiyak ko ay walang matigas na papag ang tumatama saaking sakong.
Maya-maya pa ay biglang nagbago ang paligid, naging purong puti nalamang ang aking nakikita.
Ngayon naman ay wala rin akong makita ni isang tuldok ng itim, hindi korin makita ang aking katawan, dahil sa pagkalito ay pinilit kong gisingin ang aking isipan patungo sa realidad.
Biglang hinigop ang lahat ng aking nakikita kulay puti sa isang maliit na wormhole (butas sing laki ng sampung pisong barya).
Nagulat ako ng pati ako ay mahigop ng wormhole na iyon at dinala sa lugar kung saan maraming planeta at maraming bulalakaw ang nakalutang.
"Iyan ang Galaxy" biglang turan ng hindi ko alam kung sino, boses ito ng isang babae.
Dahil sa gulat ko ay tumingin ako sa lugar kung saan nanggaling ang boses.
Pagharap ko sa likod ay nakita ko ang isang babaeng may singputi ng nyebeng mga balat, sing pula ng balat ng mansanas ang kulay ng labi at mag sing haba ng buhok ni Rapunzel
Tumignin ako rito ng puno ng katanungan ang aking isip.
"Dito ako nakulong ng higit dalawang libong taon, dahil sa aking pagtulong saaking gawang likha, at iyon ay kayong mga tao" mapaklang ngiti ang kaniyang pinakawalan.
"Kung ganon ikaw ang Diyosa ng lahat?" Gulat kong tanong sa babaeng aking kaharap.
Biglang akong lumuhod at yumuko, patawarin niyo po ang aking kalapastanganan.
Ayon kay inay ang Diyosa ng lahat ay ang pinaka mabait at pinaka ginagalang niya sa lahat, kaya patuloy ang pagdarasal niya sa puon ng Diyosa ng lahat.
Siya ang ina ng lahat ng likha ng Diyos.
Dahil sa
"Tumayo ka anak" mahinhin nitong utos saakin.
Ginawa ko ang uto niya at saka tumitig sa kaniyang mga mata.
Kulay asul na mga mata na kapag tinitigan mo ay mamamangha ka sa ibinibigay nitong kislap.
Napangiti siya, at umupo sa batong maliit.
"Hindi naako makakaalis sa lugar na ito" malungkot at mapait na ngiti niyang sabmit habang nakatingin sa mga planetang umiikot sa isang napaka liwanag na bolang apoy.
"Pero hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ngayon ay maipasa ko saiyo ang aking kapangyarihan upang maibalik ang ayos ng buong mundo.
"Hindi pa huli ang lahat, may panahon pa ako upang maipasa ko saiyo ang aking kapangyarihan" tumingin siya aking gawi, at ngumiti na animo'y wala lamang sakaniya ang kaniyang sinapit.
BINABASA MO ANG
Almarthea "The Land Of The Downcast" (Revising& Renovating!)
FantasiSama-sama nating tunghayan ang buhay ni Charlootte Chale Verloine Subaybayan ang mga gagawing hakbang ni Charlootte, kung saan Majica ang nag papagalaw sa Mundong Kaniyang ginagalawan, kung saan majica ang basehan at majica ang kailangan para mabuha...