(Charlootte's POV)
Nandirito kami ngayon sa Battle Arena ng aming paaralan kung saan kailangan malaman ni sir Victor kung sino ang mga mananalo, dahil kailangan niyang gumawa ng kasulatan na pinahihintulutan niyang magsama sa iisang Dorm at makapag sanay ng malaya.
Kakatapos lang magbigay ng mga alituntunin at Decorum, para sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga estudiyante.
Pansin kong magkakahiwalay ang mga babae sa lalaki.
Ngayon ang pangatlong araw ng pagsisimula ng aming pagsasanay sa asignaturang Physical and Special Ability Enchanting, nadito kami sa loob ng malaking Battle Arena.
Kasalukuyan kaming nakapikot habang nakaupo at nanunuod sa laban ni Prinsipe Tyron at Prinsipe Manuel, pansin kong wala sa wisyo si prinsipe Tyron dahil kanina pa ito walang imik habang kumakain kami nila Pirinsesa Mae at Prinsesa Cristina.
Papalapit na sakaniya ang mga ibinatong kunai ni Prinsipe Manuel pero hindi niya ito inilagan, kaya nagalala ako dahil may kung anong bumabagabag sa kaniya. Dahil sa awa ko ay binulungan ko ito sa hangin, "ano bang nangyayari saiyo, magpapakamatay kaba? Kung gagawin mo iyon huwag sa harap ko! Ayoko ng makakita ng taong pinapatay sa harapan ko!..." Halong inis na turan ko at bulyaw ko sa kaniya para magising sa realidad. Dahil hindi ako sanay sa laban na hindi patas.
Nagulat ako ng bigla itong tumingin saakin at ngumisi ng nakakaloko, dahil sa ngising iyon ay bigla akong kinabahan at biglang nakaramdam ng kaba saaking puso, yung pakiramdam na hindi ako makatingin ng deretso matapos kong sabihin iyon, biglang naginit ang aking tainga at nanlamig ang aking mga binti at namawis ang aking mga kamay.
Napansin kong bigla itong nabuhayan at dali-daling isinummon ang kaniyang Demon Sword niya, biglang may lumabas na kulay lilang enerhiya rito at umikot sa buong talim ng kaniyang itim na espada.
Maya-maya pa'y bigla nalang itong napunta sa likuran ni Prinsipe Manuel at biglang itinutok ang kaniyang espada sa likurang bahagi malapit sa batok ng huli.
"Ang nanalo ay si Prinsipe Tyron!" Malakas na turan ng aming guro na si sir Victor.
Nag-apiran pa silang dalawa matapos nilang maglaban, saka sila bumaba ng sabay at nakita kong lumingon ito saaking direksyon at bigla nalang itong ngumiti at sabay kumindat, luminga linga ako sa paligid ko, tinignan ko kung saan ito nakatingin pero saakin talaga siya nakatitig.
Bigla akong nakaramdam ng kilig at kiliti saaking sistema, hindi naako magpapaka plastik at ipokrito, pero iyon ang naramdaman ko sa oras na ito.
Agad din iyong nawaglit saaking isip ng mag salita ang aming guro at tinawag ang pangalan ng susunod na maglalaban.
"Susunod Prinsesa Mae at Prinsesa Cristina simulan niyo na!" Pasigaw na turan ng aming guro...
Agad na tumuntong sila sa entablado ng Battle Arena at nagsimulang ilabas ang kanilang mga sandata, napaka ganda ng kanilang mga sandata, nagsusumigaw sa pagka Demure at sopistikadang mga anyo ng kanilang sandata.
Nagsimula na silang tumakbo papalapit sa kanila, biglang nagliwanag ang sandata ni Prinsesa Mae at bigla itong itinuro sa direksyon ni Prinsesa Cristina, nagkaroon ng mga nakakatusok na mga tinik malalaki ito at may tumutulong mga likido dito.
Bago paman bumulusok papunta sa lugar ni Prinsesa Cristina ay maagap niyang tinagpas at bahagyang lumiyad para mas lumakas ang puwersa sa pag tabas sa mga tinik na patuloy sa pag angat sa sahig ng entablado.
Biglang itinapat ni prinsesa Cristina ang kaniyang espada sa kaniyang mukha at bigla itong lumiwanag ng kulay ginto at biglang dumami ito at pinalibutan ang paligid ni prinsesa Mae.
BINABASA MO ANG
Almarthea "The Land Of The Downcast" (Revising& Renovating!)
FantasySama-sama nating tunghayan ang buhay ni Charlootte Chale Verloine Subaybayan ang mga gagawing hakbang ni Charlootte, kung saan Majica ang nag papagalaw sa Mundong Kaniyang ginagalawan, kung saan majica ang basehan at majica ang kailangan para mabuha...