3

6 0 0
                                        

" Hoy! Lumabas ka diyan."

Nangagalaiti si Noreen sa sobrang galit. Siguradong sabon ang aabutin niya mamaya pagnalaman ng mga magulang niya ang nangyari sa kanyang sasakyan. Yupi ang bandang likuran nito. Samantalang ang itim na sasakyan ay walang kagalos-galos. Nagngi-ngitngit ang kanyang kalooban. Napaka-iresponsable naman ang driver ng puting sasakyan. Hindi niya makita ang driver kasi tinted ang salamin ng bintana nito.

" Lumabas ka diyan. Walang hiya ka." galit nitong sabi.

Halos mapaos na siya sa kakasigaw pero wala pa ring lumalabas mula sa sasakyan. Nakakaagaw na siya ng pansin sa mga nagdaraang sasakyan. Rush hour kasi kaya maraming sasakyan ang dumaraan na paroon at parito.
Mukhang walang pakialam ang driver ng itim na sasakyan. At mukhang walang balak na lumabas at harapin ang nasira nito.

" Ayaw mo talagang lumabas ha?" inis nitong sabi at sa isang tabi ay may dinampot itong kung ano. " Tignan natin kung hindi ka pa lumabas diyan."
Hawak nito ang isang bato at anumang sandali ay handa na niyang ibato ito sa sasakyan.

Mula sa loob ng itim na sasakyan ay kitang-kita ni Cymon ang hawak nito at balak nitong gawin. Bigla siyang naalarma. Pag tinuloy nito ang balak ay walang ligtas ang mga salamin ng sasakyan niya. Halatang galit na galit na ito. Mukhang hindi ito nagbibiro at desperadang na gawin ang binabalak nito.
Kanina pa niya itong pinagmamasdan kaya hindi pa siya lumalabas. He finds her interesting. Actually kanina pa niya sinusundan ang sasakyan nito. Napansin niya ang dalaga kanina sa exhibition game nila. Kaya naging interesado siyang sundan ito. Ang ganda pa rin nito kahit galit. He wants to know her at wala siyang maisip na paraan para makalapit dito kundi ang banggain ang sasakyan nito.

Ubos na talaga ang pasensya ni Noreen. Kanina pa niyang gustong ibato ang hawak niyang bato sa sasakyang nasa harap niya. Gusto niyang komprontahin ito. Ang luwag ng kalsada pero binangga pa rin sila nito. Pwede itong mag-over take kung gusto niya kung nababagalan siya sa takbo nila. Talagang sinusubukan talaga nito ang pisi niya. Gusto niya lang na takutin ito para lumabas. Nagbilang siya.

" Isa, pag di ka lumabas diyan ibabato ko talaga to. Pasensyahan tayo. Dalawa----" 

Hindi na niya natapos ang pagbibilang dahil bumukas ang pinto ng sasakyan. Iniluwa niyon ang lalaking pamilyar sa kanya. Naka-porma na ito. Naka-white shirt at maong pants na ito. May sunglasses sa mata at sumbrero din sa ulo nito. He looks more handsome ngayon kesa kanina na naka-jersey uniform pa ito. Naka-ngiti na naman ito. Para na naman siyang natigilan at nahihipnotismo ng mga ngiting iyon.

Please Lord wag niyo po akong hayaang tangayin. Tukso layuan mo ako!

Muling bumalik ang kanyang isip sa katinuan. Hindi na niya hinayaan na manaig ang kanyang kahibangan sa pagkakataong ito. May kasalanan ito sa kanya. Sinira nito ang sasakyan niya. At kailangan niyang singilin ito kahit gaano pa ito kagwapo. He needs to pay for his damages.

"  Hoy, Mister! Bulag ka ba? Tignan mo ang ginawa mo sa sasakyan ko. Niyupi mo." galit niyang saad.

Nakangiti lang ito. Pinagyayabang ang mga mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin nito. Ano ngayon?

Inalis nito ang sunglasses sa mata. Para na naman siyang natutunaw sa mga tingin nito. He has this beautiful eyes.

" Excuse me! Alam nyo naman rush hour ngayon. Dapat medyu mabilis na ang takbo niyo. Lahat tayo nagmamadali dahil gusto na nating makauwi. So hindi ko kasalanan na mabangga kayo. Sadyang mabagal lang kayo."

Biglang nagtagis ang mga bagang ni Noreen. Namimilosopo pa yata ito.Gusto pa yata niyang sisihin sila kung bakit sila nabangga pero parang ganun na nga. Lalo tuloy siyang nainis dito.

I KNEW I LOVED YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon