Linggo ng umaga. Hindi pa naididilat ni Noreen ang mga mata pero may mga ngiti na kanyang labi. Pumunta sila ng Lovers Sanctuary ang pinaka-romantikong restaurant sa buong San Rafael at sa mga karatig bayan. Dinarayo talaga ito ng mga magkasintahang nais magdate at gawing espesyal ang kanilang mga ka-date.
Labis siyang kinilig ng iabot ng binata ang isang pumpong ng mga red roses at isang teddy bear sa kanya. Nag-salo sila sa isang espesyal na dinner. Napaka-gentleman talaga ng binata. Pinaghihiwa pa siya nito at kung minsan ay sinusubuan. Medyo nahihiya pa siya pero mapilit ang binata kaya pinagbigyan niya ito. Napansin niya rin kasi na ganun din ka-sweet ang ibang magkapareha na nandoon. Kaya salitan sila sa pagsusubuan na lalo nilang ikinatuwang dalawa. Pagkatapos nilang mag-dinner ay namasyal pa sila. Inihatid pa siya ng binata bago ito umuwi pasado alas onse na ng gabi. Nag-enjoy siya sa company nito. At masaya siya sa unang date nila.
Ngayon ay yakap-yakap niya ang teddy bear na binigay nito. Unti-unti niyang dinilat ang mga mata at binalingan ang teddy bear." Hmmp! Cute-cute mo. Katulad ka ng amo mo." kausap niya sa teddy bear at sabay hinalikan sa tungki ng ilong nito. Bumangon na siya at nag-ayos. Tinungi niya ang banyo para maligo.
Nasa komedor si Cymon at nag-aalmusal. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa hang-over. Nag-enjoy kasi siya kasama ang mga kabarkada kagabi.
" Inumin mo yang kape para mawala na yang hang-over mo." saad ni Nay Purita ng ilapag nito ang isang tasa ng umuusok na kape.
" Salamat po." sagot niya.
" Sige, maiwan na muna kita at akoy mamamalengke. Ikaw na munang bahala kay Noreen, ha?" bilin nito.
Tumango lamang siya at humigop ng kape.
" Oh, Noreen nandyan ka na pala." saad ni Nay Purita ng mapansin nito ang dalaga na nakatayo sa pinto.
Napatigil si Cymon sa paghigop ng kape at nilingon niya ito. Nagtama agad ang kanilang paningin.
" O, siya sige. Aalis na ako. Noreen, sumabay ka nang kumain diyan kay Cymon. Bahala na kayo rito. " muling bilin nito.
" Sige po ako ng bahala." anang binata.
At tumalikod na ang matanda palabas ng pinto.
Tinungo ni Noreen ang ref para kumuha ng fresh milk. Hindi kasi siya nagkakape. Bitbit na niya ang baso na may lamang gatas ng magsalita ang binata.
" Where did you go last night?" tanong nito.
Nanlaki ang mata ni Noreen. Bigla siyang kinabahan. Mukhang mali ata ang akala niya na tulog na ito kagabi. Bakit alam nitong umalis siya? Bakit nito tinatanong kung saan siya nagpunta. Talaga yatang binabantayan siya nito.
" Bakit di ka na nakasagot dyan?"
Hindi niya alam ang isasagot. Hindi pa rin umimik. Nag-isip ng idadahilan dito.
" Ah..."
" Saan ka dinala ng boyfriend mo, Noreen? Ha?" muling tanong nito.
Mas lalo siyang kinabahan. Sinisindak siya nito sa malakas at matapang nitong tinig. Halatang hinuhuli siya nito. Pero ayaw niyang magpa-apekto. Mas lalong ayaw niyang magpatalo dito. Binalingan niya ito.
" Pwede ba tigilan mo yang pagtatanong mo?" pinatapang at pinalaki ang boses. " Wala kang pakialam kung saan ko gustong pumunta. Kaya ko na ang sarili ko."galit niyang sabi.
" I'm just concern. Kargo kita. Sa akin ka binilin ng parents mo. Kung may mangyare sa'yo, madisgrasya ka or worse. Di kasalanan ko pa?" depensa niya. " Responsibilidad kong bantayan at protektahan ka from anyone else even from your boyfriend. Hindi mo kayang basahin ang tumatakbo sa isip niya." dugtong pa niya.

BINABASA MO ANG
I KNEW I LOVED YOU (Completed)
Fiksi RemajaWritten back in 2010 and after 10 years ( sa October pa to be exact) finally ma-published na dito sa wattpad. Enjoy! 😊