Matcha's POV
"Psst!"
"SHUTA!!!!!" humalakhak ako dahil sa sigaw ni Loraine. I put my messy hair behind at sinampal sampal ang upuan ko.
Her expression is really priceless. "Shit naman Matcha eh!" Inis na saad niya at lumapit saakin. Napangiwi pa siya habang chinicheck ang itsura ko.
"Ano 'to?" Tanong niya at binura ang nasa mukha ko kaya agad ko itong hinampas. "Bakit mo inalis!? Design 'yan sa mukha!" Sabi ko at inabot ang lipstick na pula na nasa mesa niya sabay lagay ulit ng bilog sa ilong ko.
"Matcha naman! Ang pangit mo!" Sigaw niya. Winagayway ko sa harapan ng mukha niya ng lipstick.
"Huwag kang panira ng trip, okay?" Saad ko at ibinalik na ang lipstick. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nag tatawanan ang mga classmate ko.
I roll my eyes. Sa pagandahan at pa unique-an ng costume, ako na panalo. Ginagawa ko kasi yung babaeng naging pusa sa isang anime kaso wala akong mahanap na mask kaya nag lagay ng lang ako ng guhit at bilog sa mukha.
"KAILAN PA KASI NAGING MAGANDA 'YAN!?" Nakasuot ako ng puting dress na mahaba at puting sapatos na may mahabang medyas na puti.
"How dare you insult my costume!? Maganda 'to! Pangit lang taste mo!" I said to her.
Sisipain niya na sana ako ng tinawag kami. "Bukas na yung booth. Do your best to entertain them," saad ng president namin. Tumango naman kami at inayos ko ang puting dress na suot ko.
"Alisin mo nga yang pulang 'yan sa ilong mo!"
"Huwag ka ngang basag trip!" Inis kong sabi habang tinutulak niya naman ako palabas ng classroom.
"Alam mo? Tatanggapin ko pang nag lagay ka ng linya diyan sa pisnge mo pero yung lagyan mo ng bilog 'yang ilong mo? Mukha kang tanga," saad niya. I roll my eyes at hindi na lang siya pinansin.
"Ayusin mo nga 'yang pulbo," at hahawakan niya na sana ang mukha ko ng tumakbo ako palayo.
I catch my breath ng makarating ako sa booth. "Hindi rito yung horror house, Miss," sinamaan ko naman ng tingin si Lando dahil sa sinabi niya. Tawa naman siya ng tawa.
"Tse!" Pag susungit ko at tumabi na sakaniya. Ako, si Loraine at si Lando kasi ang na assign ngayong araw dito sa booth. Lando's our classmate at hindi ito pala salita but we became friends sa hindi ko malamang dahilan
"Ba't kasi ganyan ang costume mo? Mapagkakamalan tayong ticket booth para sa horror house," agad ko naman siyang hinampas.
"Huwag mo ngang pag tawanan ang costume ko! Hindi ko nga nilait 'yang costume mo! Gulaman ba ang peg mo ngayon? Ha?"
"Anong gulaman!? Peter pan ako!" Sigaw niya. Natawa naman ako dahil sa pag sigaw niya.
"Peter pan ampota. Mukha kang gulaman na green," saad ko. Sumimangot naman siya at tinalikuran na ako.
Nakita ko namang paparating si Loraine. "Ay naks. Si Loraine thinker bell tapos ikaw peter pan? Ano 'to?" Natatawa biro ko kay Lando. I saw him blushing kaya mas lalo akong natawa.
Matagal ng may gusto si Lando kay Loraine kaso hindi niya napopormahan kasi may boyfriend si Loraine which is si Abel. Hindi ko sinasabi kay Loraine because it's not my right, plus Lando made me keep it as a secret.
BINABASA MO ANG
More Than Words | Jordi GDL
FanfictionA Jordi GDL Fan Fic Story "Words are not enough to let you know how much I love you." ATTENTION: Thank you to all those people who own the pictures that I'll be using in this book. Maraming salamat din po sainyo!
