Three

6.6K 234 5
                                    

FLASHBACK...

"Micah"

Masayang sinalubong ni Jace ang dalagita na papalapit din sa kanya. Araw ngayon ng pagtatapos nila ng Senior Highschool. Naka-toga Pa nga siya dahil kakatapos Lang ng program.

"Jace, congrats sa wakas graduate ka na"ani Micah na may masayang ngiti sa mga labi.

Sa wakas, oo sa wakas tapos na ng serior high si Jace. Papasok na siya bilang college sa susunod na pasukan. Kahit na Hindi na niya makikita si Micah ayos Lang. Hindi kasi sila sabay na nakatapos, mas maganda siya ng isang taong kay Micah.

"Thanks, ikaw isang taon Pa ang hihintayin mo bago ka makapag college"

Ngumiti Lang ito bilang sagot sa kanya.

"Jace"

"Micah"

Sabay nilang bulalas makalipas ang isang minutong pananahimik. Nagkahiyaan Pa silang dalawa kung sino ang mauunang magsalita sa kanilang dalawa. Ngunit napagpaayahan niyang paunahin na si Micah sa kung anomang gusto nitong sabihin.

Makakapaghintay Pa naman siya, nakapaghintay nga siya ng isang taong para sa araw na ito. Ngayon Pa ba siya aangal na ilang minuto Lang naman ang hihintayin niya masabi Lang ang nilalaman ng puso niya.

Yes, his inlove with Micah. Bata palang sila iba na ang tama niya kay Micah. Noong una, crush Lang na naging puppy love na na develop na into true love. Oo nga't bata Pa sila para sabihin true love na nga ang nararamdaman niya para dito pero iba talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga.

"Next year, papasok na ako sa kumbento Jace"anito na parang ikinabagsak ng mundo niya. "Ito yata ang calling ko Jace, ang magsilbi sa Panginoon natin. Ang magmadre"dagdag Pa niya.

Pinilit niyang ngumiti, but deep inside him parang pinipiga ang puso niya sa mga naririnig.

"Sigurado ka na Ba dyan sa sinasabi mo. Masyado ka pang bata para magdesisyon ng kasing laki ng sinasabi mo para..."parang kinakapos siya ng hininga habang nagsasalita.

"Alam ba nila Tito Marco at Tita Kyla ang g-gusto mo?"

Bago Pa man ito makasagot nakalapit na dito ang kapatid niyang si Kyle na tulad niya graduating ding. Inakbayan na nito ang kapatid.

"Bunsoy ano nabati mo na itong loko-loko Kong best friend"ani Kyle kay Micah.

Tumango Lang ang dalaga sa kuya nito.

"Jace may sasabihin ka din di ba?"

Napangiti nalang siya sabay iling na may kasamang panghihinayang. Hindi nalang niya pinahalata sa magkapatid.

"Sasabihin ko Lang na business administration ang kukunin Kong course. Tsaka sana magka-college tayo kapag magcollege ka na din sana kaso..."

"Nasabi na sayo ni Micah na magmadre siya, itong si bunsoy masyadong mabait. May isang taong Pa para mabago namin ang desisyon niya"sabad ni Kyle.

Para siyang nakahinga sa sinabi ni Kyle. Nabigyan siya ng munting pag-asa.

"Kuya, buo na ang isip ko. Maglilingkod ako para sa Panginoon"

.........................

"KUMUSTA KA NA NGAYON?"

Nakaupo silang dalawa sa may malapit sa dalampasigan. Hindi na siya makatingin kay Micah habang kausap niya ito. Pakiramdam niya kasi ang liit liit niya, parang hiyang-hiya siya na harapin ang dalaga.

Jace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon