Thirty-three

5.6K 243 24
                                    

"BETTER TELL me now kung nasaan ka ng araw na ito Jace. Makakatulong sa kaso kung sasabihin mo sakin kung nasaan ka ng araw na ito"pangungulit na naman ni Ismael sa kanya.

Ang bilis ng panahon at ang bilis ng usad ng kaso niya. Their at the last hearing trial next week pero hanggang ngayon wala pa ding linaw ang lahat. Malakas ang ebidensyang hawak ng governor na nagtuturo sa kanila bilang mga suspect. Kimpy's statement was so tight as well, halatang maayos ang pagkakahabi nito ng kwento na kahit paulit ulit na sabihin tumutugma sa lahat ng statement nito.

May mga supporting evidence pa sila na nagtuturo na talagang sangkot siya sa kaso.

Isa na doon ang CCTV footage na nakitang nag-uusap sila ni Kimpy, kuha iyon noong nagpunta ng shop niya si Kimpy na hindi niya alam. Pinapalabas ni Kimpy na iyon ang araw na nagpa-plano na sila ng gagawin.

Pinagdidiinan ni Kimpy na wala naman silang balak na patayin ang anak ng governor. Plano lang nilang kidnapin ang anak ng governor at ipatubos sa malaking halaga dahil malaki ang utang nila sa kasino. Na siya ang utak ng lahat dahil malaki ang utang niya sa kasino at hindi siya tinutulungan ng mga kamag-anak niya dahil hindi alam ng mga kamag-anak niya na bumalik siya sa pagkakasino.

Pero ang nangyari na napatay ang anak ng governor at ginahasa daw ay lahat dahil din sa kanya na kinursunada daw niya ang biktima kaya pinagsamantalahan niya ito at nang nanlaban pinatay niya. Lahat ng iyon si Kimpy ang nagsasabi, pinagdidiinan na siya talaga ang may sala at nadamay lang sila.

"I told you, hindi ko alam"malumanay niyang sagot.

Naiinis na napabuga ng hangin si Ismael.

"Mr. Miller, this is the only card we have. May isang linggo nalang tayo para makakalap ng kongkretong ebidensya na nagtuturo na wala ka sa crime scene ng araw ng February 20, 20**"

"It's our anniversary that day, magkasama kami ni Jace ng araw na iyon"singit ni Micah.

Hindi nila namalayan na dumating ang asawa niya at narinig ang mga pinag-uusapan nila ng mga abogado.

Sinamaan siya ng tingin ni Ismael, maging ni Micah.

Mabilis siyang tumayo at sinalubong ang asawa niya na ang daming dala na naman. Halos araw-araw na kung bumisita sa kanya si Micah. Palagi itong may dalang pagkain, dahil nangangayayat daw siya sa loob ng kulungan.

"Hi love"bati niya ditto at hinalikan ito sa labi.

Micah was seven months pregnant, going to eight few days from now. Kaya ingat na ingat siya sa asawa niya. Madaming beses na niyang pinagsabihan ito na okay lang na wag na muna itong dumalaw sa kanya pero mapilit pa din itong dumalaw sa kanya.

"Ismael, attorney, I want a privacy talking to my wife. Thanks for visiting me here. We'll just see on court next week"paalam niya sa mga ito.

Iiling iling naman na umalis ang mga ito lalo na si Ismael na tumingin pa ng masama sa kanya bago tuluyan na umalis.

"Jace!"

Nginitian niya ito saka hinalikan sa labi ng makaupo na silang dalawa.

"Anong dal among ulam ngayon love?"pag-iiba niya ng usapan.

But knowing his wife hindi niya maiiba ang usapan kahit pa anong gawin niya.

"Is this the reason why you don't want me at your hearing, and even talking to Ismael bawal. Ito din ba ang dahilan bakit ayaw mong ireview ko ang buong statement and such regarding sa kaso mo. Not because you don't want me to be stress, it is because you don't want me to know a shit about this kasi may malalaman akong hindi ko magugustuhan o may pwede akong gawin ditto sa kaso mo"see as he say's it wala siyang kawala kay Micah.

Jace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon