two

7.4K 262 15
                                    

"anak, anong iniisip mo?"

Nasa rest house silang mag-ina sa tagaytay. Dapat siya lang ang nandito, mahal lang siya ng kanyang meme. Alam niya na utos ng kanyang dada sa kanyang meme, sa takot na baka sundan siya ng mga fraternity brother niya.

Ipinatapon lang siya dito nang kanyang dada para makaiwas sa mga barkada niya na bad influence sa kanya. At para makapag isip isip na rin siya ng mga mali niyang nagawa.

"wala naman, me. Gusto ko lang ng katahimikan ngayon"

Malalim na buntong hininga ang sagot ng kanyang ina bago sya nitong talikuran. Nakita niya itong nagpunta sa kusina siguro para maghanda na ng kanilang hapunan. Nang makita niya na nasa loob na ng kusina ang kanyang ina siya namang labas niya ng bahay.

Sa likod maraming puno ng mga prutas lalo na ang mangga.

He knows tha he don't have the rights to complained on what is happening to him. His parents wants him to lay low on his way of life. Nakasanayan na niya iyon kaya Hindi madali sa kanya.

Mula ng mamulat siya sa mundo ganoon na ang ginagawa niya. Yes he finds it's boring but that is his life. Bar, barkada, inom, babae, gala at most of it session with his frat members. Then all of a sudden bigla nalang matitigil ang lahat.

"Psst!"

Napakunot noo naman siya na napalingon-lingon sa paligid niya ng marinig niyang may sumitsit sa kanya.

"Brad!"muli niyang narinig.

Nag-ikot ikot na siya pero Hindi niya talaga makita kung saan nanggagaling ang naririnig niyang boses.

"Brad, halika na may session ngayon"anito na tumawa Pa ng malakas.

Para siyang mababaliw habang hinahanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Sigurado naman siyang, siya Lang ang tao sa lugar na iyon.

Palakas ng palakas ang naririnig niyang tawa habang Hindi na niya alam kung saan siya patungo.

"Sir Jace"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya.

Natigilan siya ng makita niya ang apo ng katiwala nila dito na si Felimon. Kilala naman niya ito dahil halos sabay silang lumaki.

Ang hindi lang niya alam ay bakit ito nakangisi sa kanya.

Tapos ngayon tumatawa na ito na parang nagtutuya o iniinsulto siya.

"Sir Jace!"naririnig niyang sumisigaw ito pero bakit ganoon tumatawa Pa din ang tingin niya dito.

"Papatayin kita!"sigaw niya dito ng Hindi ito tumigil sa pagtawa.

"Oh my God Jace what are you doing?"it's his mother who he heard next.

Pero pagtingin niya sa ina niya natawa din ito habang parang diring-diri sa kanya.

"Brad, ayan na ang bruha. Pipigilan ka na naman niyang maghappy happy. Patayin mo na para masaya ka na"

Nagdilim ang paningin niya sa narinig. Nang tumayo siya pakiramdam niya ang gaan niya na para bang lilipad siya.

...............................

"SHIT!"napamura siya ng pagmulat ng kanyang mata sobrang sakit ng ulo niya. 

Para mabibiyak ang ulo niya. Hindi na naman na siya nag-iinom ng alak kaya nagtataka siya kung bakit masakit ang ulo niya.

Pipilitin sana niyang bumangon pero laking gulat niya ng makitang nakagapos siya.

"What the fuck!"

Nagpumilit siya makakawala pero hindi niya magawa. Both his hands are tied tight and even his both feet are tied.

Jace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon