Thirty-five

7.2K 242 29
                                    

"HINDI KA PA DIN TAPOS DYAN?!"

Nanlalaki ang Mata niya habang nakapameywang sa asawa niyang nanlilimahid sa pintura.

Tumawa lang naman Si Jace sa kanya ng lingunin siya nito.

"Love ang init ng ulo mo, samantalang ang lamig lamig ng panahon"sabi pa ng loko.

Naiinis na inirapan niya ito.

"Sige, iyang pintura mo ang higupin mong soup, iyang mga paint brush mo ang ngatain mo na parang pasta. Pakabusog ka dyan, papaluto ka ng sopas tapos ang hirap mong tawagin"pagtataray niya dito bago lumabas ng working room ni Jace.

"Jayden, tama na ang laro tawagin mo na ang mga kapatid. Kakain na kamo, punta na sa kusina bilisan niyo"sita at utos na din niya sa panganay nila ni Jace.

Nanghahaba ang nguso na tumayo naman ang anak nila pero Hindi naaalis ang Mata sa IPad nito.

Just like Jace, nakafocus masyado ang anak nila sa ginagawa nito. And like she always say, like father like son. Hindi natapos sa pagiging magkamukha ang mag-ama niya. Talagang magkaugali din ang dalawa and they're both inseparable.

Kahit saan magpunta si Jace nakasunod ang panganay nila.

"Mama, ayaw nila Javen na tumayo gusto Pa daw po nilang matulog"sabi ng panganay nilang si Jayden.

Napailing nalang siya, tanghalian na pero ang panahon nakakatamad. Maulan kasi kaya ang pamilya niya may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

"Mama, mamaya nalang din po ako kakain kasabay nila Papa, Javen at Madeline"dagdag Pa ng anak niya na Hindi man lang siya magawang tignan.

Nanghahaba ang nguso niya na nagtungo sa kwarto nilang mag-asawa.

Simula ng lumipat sila ni Jace, ng Tagaytay naging house wife nalang siya. Pero may time na nagse-serve siya sa simbahan di kalayuan sa bahay nila. Tuwing linggo sa simba minsan nagbabasa siya ng bibliya o di kaya naman choirs.

Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya ng mahiga siya sa kama. Nagising nalang siya ng may humahalik sa leeg niya.

"Hmmm Jace, maaga Pa"inaantok na saway niya sa asawa.

Mahinanang tawa lang abg sagit ni Jace sa kanya. Hindi naman nagpasaway ang asawa niyang loko, may papisil-pisil na ngayon sa dibdib niya.

Doon Lang niya iminulat ang mga Mata at napansing madilim na sa loob at labas ng kwarto nila. Hindi naman niya makita ang orasan sa kwarto nila dahil sa dilim ng kwarto. Hindi man Lang kasi nagbukas ng ilaw ang magaling niyanv asawa.

"Anong oras na Jace?"

"It's eight o'clock in the evening my love"anito habang busy Pa din sa paghalik sa leeg niya.

Naitulak naman niya ito at mabilis na tumayo. Mabilis siyang lumabas ng kwarto, iniisip niya ang mga anak niya na hindi na niya napakain.

Tanghalian Lang kanina ng matulog siya, ngayon gabi na pala. Pero wala siyang nakitang mga batang pakalat kalat sa sala nila.

Paglingon niya sa kwarto nila ni Jace nakasandal na sa hamba ng Pinto ang asawa niya habang nakangiti na nakatitig sa kanya.

Hindi pala ngiti ang nakikita niya kundi ngisi. May balak na naman ang asawa niyang magaling.

"Asaan ang mga bata?"patay malisya niya.

"Dumating sila Meme kanina while your asleep my love"ani Jace na dahan dahan na lumalapit sa kanya.

"They bring the kids, sa kanila daw muna ang mga bata hanggang bukas ng hapon while they stay at their rest house"ani Jace na nakangisi talaga.

Napailing siya bago naglakad papunta ng kusina. Hindi Pa kasi siya nakakain mula kaninang tanghalian.

Jace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon