[ E R R O R S A H E A D ]
---
"Manang pabili nga ho ng isang kilo ng karne ng baboy." sabi ko sa tindera.
Nang makuha ko na ang binili ko ay dumiretso ako sa bilihan ng gulay. Sa aking paglalakad, may isang batang nakakuha ng aking atensyon.
"Mama bili mo 'ko nito." sabi niya sabay turo sa laruang naka-display.
"Sa susunod na lang 'nak, sakto lang kasi ang perang dala ko na pambili ng ulam natin eh." sabi niya sa anak.
Nagsimulang umiyak ang bata at nagtatatalon. Nagmakaawa ito sa kanyang nanay ngunit hindi talaga niya binilhan ito.
Lumapit ako sa kanila at kinausap ang bata.
"Boy, ano bang gusto mong laruan diyan?" tanong ko at itinuro naman niya ang laruang robot na naka-display.
"Maraming Salamat pero-" pigil sa akin ng kaniyang ina.
"Ayos lang ho, Ale." sabi ko sa kanya.
"Bibilhin ko po yung laruang robot na nasa pinaka-ibaba." sabi ko sa nagtitinda at naglabas ng pera mula sa aking pitaka at iniabot ito sa tindera.
"Eto ang bayad oh." tinanggap niya amg bayad at ibinigay ang laruan sa akin.
Lumuhod ako sa harapan ng bata at iniabot sa kanya ang kanyang laruan.
"Oh eto na ang laruan mo." bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkagalak. Niyakap niya ako sabay sabing, "Maraming Salamat po."
Nagpasalamat din ang kanyang ina at umalis na sila.
Nagtungo na din ako sa bilihan ng mga gulay at pagkatapos ay umuwi na upang magluto ng hapunan.
---
Pagkauwi ko ay agad akong nagluto ng hapunan. Mag-isa lamang ako sa bahay dahil iniwan na ako ng aking asawa simula nang mamatay ang aming anak.
Pagkaluto ko ay agad akong kumain at natulog.
//flashback//
Kasalukuyan kaming naghihintay sa pagsapit ng pasko.
"5"
"4"
"3"
"2"
"1""Merry Christmas Papa at Mama!" bati ng anak ko sa akin at hinalikan ako.
"Merry Christmas din 'nak." bati ko din sa kanya sabay halik.
"Merry Christmas, love." bati ko sa asawa ko at hinalikan ito sa noo.
"Oh siya, tara na? Kain na tayo?" sinimulan na naming ihanda ang kakainin para sa aming Noche Buena nang makarinig kami ng malakas na pagputok.
*Boom*
"Anak? Jayson?" hanap ko sa aking anak.
Nakita ko itong nakahandusay sa sahig at duguan ang ulo.
"A-anak! Anaaaakkkkkk!" sigaw ko at binuhat ito palabas.
"Tara na Love, dalhin na natin siya sa ospital!" sigaw ko sa asawa ko na pumara ng taxi.
Pagkasakay namin ay napagtaasan ko nang boses ang driver.
"Sa ospital Manong! Pakibilisan!" sinimulan na niyang patakbuhin ang taxi papunta sa ospital.
Halos kinse minutos din kami sa taxi bago makarating sa ospital.
Pagkarating namin ay agad akong tumawag mg nurse. Kaagad naman siyang rumesponde at mabilis na dinala sa Emergency Room ang anak ko.
"Sorry sir, hanggang dito na lang ho kayo." pigil ng isang nurse sa amin.Makalipas ang halos isang oras, may lumabas na doktor na mistulang nagluluksa.
"Kayo ho ba ang mga magulang ng bata?" tanong nito sa amin.
"Opo, kami nga. Sabihin niyo, lihtas ang anak ko diba?!" histerical kong tanong sa kanya.
"P-pasensya na ho Sir ngunit malubha ang tama ng bala sa sentido ng bata, marami na ding nawalang dugo sa kanya."
Tila pinagsakluban ako ng langit at lupa sa sinabi ng doktor. Nagsimulang tumulo ang luha ko.
-
Naghihingalong gumising ako mula sa aking pagkatulog. Napanaginipan ko na naman ang nangyari sa aking anak.
Nag-ayos na ako at naghandang pumunta sa palengke upang bumili ng makakain.
---
"Manang kalahating kilo nga ho ng bangus." aabi ko sa tindera. Nilinisan nito ang bangus at inilagay sa isang supot at iniabot sa akin.
Pagkalabas ko sa bilihan ng isda ay nakita ko na naman ang bata na binilhan ko nang laruan kahapon. Bitbit-bitbit nito ang laruang robot na ibinigay ko sa kanya.
Sakto namang nakakita ako ng nagtitinda ng ice cream. Bumili ako ng isa at ibinigay sa bata.
Bakas sa mukha nito ang saya. Niyakap ko ito. Hindi ko mawari ngunit sadyang napakalapit ng loob ko sa kanya na para bang napakapamilyar niya sa akin. Napansin ko din ang isang 'peklat' malapit sa kanyang sentido. Akmang tatanungin ko kung saan niya ito nakuha nang-
"A-ahh kuya? Di po ako makahinga." sabi ng bata. Napasarap yata ang yakap ko dito.
"P-pasensya ka na. Naalala ko kasi sayo ang anak ko."sabi ko.
"Ayos lang ho. Mauuna na kami. Maraming Salamat po sa Ice cream ha." sabi niya sa akin at naglakad na sila ng kanyang Ina pauwi.
Kinawayan ko lamang ito ay umuwi na din.
---
Matapos ang isang mahabang araw ay eto na naman ako, matutulog na naman. Biglang pumasok sa aking isipan ang peklat na nakita ko sa bata. Doon din kasi tinamaan ng ligaw na bala ang aking anak.
Bahagya akong natulala ngunit iwinaksi ko ito sa aking isipan. Hindi siya ang aking anak, hindi.
Nag-ayos na ako at natulog.
---
Kinabukasan ay nagtungo ako sa palengke ngunit hindi ko na ulit nakita ang bata. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at ginawa na ang sadya ko sa palengke.
-
Lumipas na ang halos isang linggo ay hindi ko pa rin nakikita ang bata. Nakaramdam ako ng kaba kaya naman hinanap ko ang bahay nito.
Tinahak ko ang daan ma dinadanan nila pag-uwi galing palengke. Nagtanong -tanong din ako sa mga tao.
Makalipas ang halos ilang minutong paghahanap at pagtatanong ay natunton ko din ang bahay nila.
Kumatok ako ng dalawang beses ngunit walang sumagot. Nagulat ako nang may kumalabit sa akin.
"Sino po sila? " tanong nito sa akin.
"Dito ho ba nakatira ang isang mag-ina na may aanak na nasa 6-7taong gulang?"
Biglang rumehistro ang lungkot sa mukha nito.
"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit patay na ang bata dahil sa iaang sakit. Umalis na din ang kanyang nanay pagpagkatapos ng kanyang libing."
Napaluhod na lamang ako nang tumulo ang aking luha. Kagabi lamang ay napagtanto kong siya ang reinkarnasyon ng aking anak na si Jayson.
Labis akong nalungkot at idinaan na lamang ito sa pag-iyak.
#
@||ZVM
YOU ARE READING
My One-Shot Story Compilations
RandomJust read and enjoy. Facebook: Zywon Morrisson