[ E R R O R S A H E A D]---
Naghahanda ako ngayon para sa isang misyon."Hon, aalis ka na naman ba? " tanong ng asawa ko.
"Sorry hon, pero kailangan ko talaga umalis. Tawag ng serbisyo. " sagot ko naman. "I promise na babawi ako sa'yo pagbalik ko. "
"Lagi ka namang umaalis eh. Wala nang bago. Sige na at baka mahuli ka pa. Lagi kang magiingat ha? Malapit na ang kasal natin." nagaalalang paalala nito.
"Yes ma'am!" sagot ko naman sabay saludo.
Pagkatapos kong suotin ang combat shoes ko ay isinukbit ko na ang aking baril.
"Goodbye hon. I love you. " paalam ko sabay hinalikan ito sa noo.
"I love you too hon. Magiingat ka. " sabi nito.
Binuksan ko na ang makina ng aking motor at bumusina muna bago umalis.
I am Gen. Andres Mercado, at your service.
---
Nang makarating ako sa headquarters ay sunod sunod ang saludo sa akin ng mga kapwa ko sundalo. Ang iba ay bumabati pa ng "Goodmorning sir! " sabay saludo. Tinatanguan ko na lamang sila tanda ng aking pagtugon.
Dumiretso ako sa opisina at ipinatawag ang iba pang officers.
"Goodmorning officers. Nakatanggap ako ng balita mula sa mga lokal na pulis ng bayan ng Aparri na mayroon daw umaaligid na mga terorista. Tayo, ay inatasan ng kataastaasan upang sugpuin sila. " pambungad ko at inilabas ang isang mapa.
"Base sa datos na ibinigay sa akin ng kanilang opisyal, dito daw ang kuta ng mga terorista. Pinamumunuan sila ni Anselmo Tenorio alias Uwak. Isang dayuhan at kilalang malaking drug syndicate sa Pilipinas. Notorious din ito sa pagpatay ng mga sundalo na kanilang dinadakip at pinapahirapan. "paliwanag ko.
"Base sa mga reports, may mga banta ng pagsalakay mamayang alas-dose ng tanghali. We better be ready men. Malaking tao ang hahahrapin natin."
"Yes sir! " sagot naman nila.
"Get ready! Move! " utos ko sabay kuha ng mga baril. Naghanda din ako ng mga bala kung sakaling maubusan ako. Mapapasabak na naman kami sa isang labanan.
"Kailangan natin silang tambangan sa gubat pa lamang para hindi na sila makapanakit ng ibang tao sa siyudad. "
Lumabas na kami ng HQ at nagsisakayan na sa mga sasakyan. Dala ko ang isang batalyon ng mga sundalo at ipinapangako ko sa sarili ko na papatayin ko si Anselmo at uuwi ng buhay. Para sa magiging asawa ko.
Nang makarating kami sa gubat ay nagsibabaan na sila.
"Be alert men. Maraming nakabantay sa paligid ng kuta nila. Formation Delta! " utos ko at nagsigalawan na sila.
Nagmamasid kami sa paligid nang may biglang nagpaputok sa kalaban.
"Mga sundalo! May mga sundalo! " sigaw nito.
"Men, move! " utos ko at pinaputok na nila ang kanilang mga baril.
Nagsimula na din silang nagpaputok ng baril. Maririnig sa paligid ang umaalingawngaw na tunog nito.
Nang makita ko na wala nang mga terorista ay agad akong nagutos sa kanila.
"Men! Hold your fire! Proceed to the target! " utos ko.
"Yes sir! " tugon nila at nagpatuloy na sa misyon namin.
Pagsilip namin sa may bungad ng isang abandonadong bahay ay nakita ko ang transaksyon ni Anselmo kasama ng isa pang dayuhan.
"Men, move, move,move" bulong ko sa kanila. Nagmadali kaming pumasok sa loob ngunit may nakakita sa amin at agad kaming pinaputukan.
Agad din naman kaming tumugon at nagpaputok din sa kanila. Nababalot ng huni ng baril ang kabuuoan ng bahay. Nagkahiwahiwalay kami at sinundan ko si Anselmo.
"Anselmo! Sumuko ka na! " sigaw ko sa kaniya at nagpakawala ng putok.
"Hinding hindi ako susuko sainyo mga gunggong! HAHAHAHAHAHAHA. " sagot naman nito at pinaputukan din ako.
"Kung ganon ako ang magpapasuko sa'yo hayop ka! " sigaw ko ulit. Nang tangka akong magpaputok ay naubos ang aking bala.
"HAHAHAHAHAHA mukang wala ka nang laban Mercado!" sigaw nito na tila nangaasar. Nang akma din itong magpapaputok ay naubusan din ito ng bala.
Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. Ganun din ang ginawa niya. Nagsimula na kaming magpalitan ng suntok. Nagsimula na ding dumugo ang mga muka namin.
Sinikmuraan ko ito at pinaulanan ng suntok nang naglabas ito ng maliit na patalim mula sa kanyang likod. Naramdaman ko na lamang na tumarak ito sa aking dibdib at bumagsak ako sa lupa.
Dumating ang mga kasamahan ko at pinaputukan si Anselmo. Bumagsak din ito. Nagsimula nang dumilim ang aking paligid.
---
" I now pronounce you man and wife. " sambit ng pari. "You may now kiss the bride."
Dalawang buwan na din mula nang mangyari at matapos ang aking misyon. Nasaksak ako ni Anselmo ngunit nadala agad ako sa ospital kaya heto ako ngayon buhay pa din.
I, General Andres Mercado. Still at your service.
#
YOU ARE READING
My One-Shot Story Compilations
RandomJust read and enjoy. Facebook: Zywon Morrisson