The truth Lies Within Me

16 1 0
                                    


[ E R R O R S  A H E A D ]

---
"Limang pinakamagagaling na detective sa Pilipinas, patay! Sinasabing ginawa ito nang isang serial killer." saad ng reporter sa telebisyon.

"Grabe Zy noh? Lima sa pinakamagagaling na detective pinatay. Hayy nako. Mga tao nga naman oo. " sabi ni mama sa akin.

"Kaya ikaw bata ka magiingat ka ha? " paalala nito sa akin.

"Opo Ma." sagot ko naman.

*kring kring *

Biglang nagring ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan ni Detective Arthur ay kaagad ko itong sinagot.

"Yes detective? " tanong ko.

"Detective Zywon, is this you? " saad nito sa kabilang linya.

"Yes, this is me. How may I help you Detective Arthur? "

"I want you to come here in the HQ. We need to discuss some important matter regarding the death of the 5 Detectives. Asap! " sagot nito.

"Be right there." sabi ko.

Kaagad kong sinuot ang aking black coat at naghanda na para umalis.

"Ma, babalik lang po ako sa Headquarters sandali. Saglit lang po ako. " paalam ko sa aking ina.

"Sige nak. Magiingat ka ha? "

"Opo ma. " sagot ko at hinalikan ito sa noo.

Dumiretso ako sa aking sasakyan at kaagad na binuksan ang makina sabay umalis.

---

Nang makarating ako ay agad ko pinark ang sasakyan ko. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng kaway ng mga nakaduty na pulis. Ngiti lamang ang isinukli ko sa kanila.

Pumasok ako sa isang kwarto at nadatnan doon si Detective Arthur.

"Detective Morrisson. Paumanhin sa pangiistorbo sa'yo." bungad nito.

"Wala 'yon. Ano bang paguusapan natin? "

"Gusto ko ikaw ang humawak sa kaso ng limang pinatay na detective. " sabi niya sabay abot ng isang sobre.

"Naglalaman yan ng mga impormasyon ng mga biktima. Andyan din ang mga autopsy reports sa mga bangkay nila. Confidential ang mga files na yan kaya ingatan mo. " saad nito sa akin.

Binuksan ko ang sobre at sinuri ito. Base sa napansin ko, may pattern na ginawa ang serial killer dito. Ginawa niyang alphabetical ang pagpatay sa mga biktima.

Una, Detective Aaron Andrade.
Pangalawa, Detective Calvin Bustamante.
Pangatlo, Detective Luthor Cruz.
Pangapat, Detective Xavier Dela Vega.
Panghuli, Detective Gerald Escanor.

"Tsk. " bulong ko sa aking sarili. Nagpaalam na ako kay Detective Arthur at sinabing ipagpapatuloy ko na lamang sa bahay ang imbestigasyon at tatawag agad pag may nakita na akong lead para sa kaso.

Sumakay ako sa aking sasakyan at napagdesisyunang bumili muna ng beer bago umuwi.

---

Pagkauwi ko ay agad akong dumiretso sa aking kwarto.

Sinimulan ko nang suriin ang mga litrato ng mga bangkay nito at nagbukas ng isang bote ng beer.

Malalim ang aking pagsusuri hanggang sa may napansin akong kakaiba. Inilista ko ito sa isang papel.

Una, --..
Pangalawa, -.--
Pangatlo, .--
Pangapat, ---
Huli, -.

"Ano nga ba tong code na ito? " nagisip ako.

"Ah Morse Code!" napasigaw ako sa kwarto. Dali-dali akong nagsearch ng Morse Code sa aking laptop.

Isa-isa kong dinecode ito at isinulat din sa parehong papel.

Una, --.. Z
Pangalawa, -.-- Y
Pangatlo, .-- W
Pangapat, --- O
Huli, -. N

Natawa ako sa naging resulta nang pagdedecode ko.

"HAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" napuno ng tawa ang buong silid.

Oo, ako ang serial killer.

#

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 My One-Shot Story CompilationsWhere stories live. Discover now