[ E R R O R S A H E A D ]___
"Yes Jack! Yes! Sinasagot na kita!" sabi ko kay Jack.
"T-talaga ba Luna? Talaga?" bahagyang nagulat ito nung una.
"Oo Jack! Oo!"
"Yes! Wohoooooo!" napahiyaw ito sa labis na pagkagalak.
"I love you, Luna." saad nito.
"I love you too, Jack." tugon ko naman saka niya ako niyakap ng mahigpit.
-
It's been 3 years since I gave my 'yes' to Jack. Pareho kaming nakapagtapos ng kolehiyo. Natapos nito ang kanyang kursong Engineering samantalang ako naman ay Accountancy.
5 buwan na lang din ay magpapakasal na din kami. Nakatira kami ngayon sa Condominium na pag-aari ng kanyang pamilya.
"Love gising na." paggising ko dito. "Alas-siyete na Love. May pasok ka pa diba?"
Dali-dali itong bumangon.
"A-alas Siyete?! Late na 'ko!" sigaw nito sabay kuha ng tuwalya at pumasok sa banyo.
Lumipas ang halos limang minuto ay natapos na din itong maligo.
"Bakit naman ngayon mo lang ako ginising, Luna? Alam mo namang may pasok ako diba?" sigaw nito sa akin habang nagbibihis.
"K-kase Love---" pinutol niya ang sinasabi ko.
"Yan ka na naman! Panira ka ng araw!" sabi nito.
Napakagat ako ng labi upang mapigilan ang luha na nagbabadyang tumulo.
Paalis na ito nang inalok ko ito ng almusal.
"Love k-kain ka muna." paanyaya ko ngunit tumanggi siya.
"Doon na lang ako kakain sa opisina." he said.
"S-sige Love, magiinga---" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil lumabas na siya at ibinagsak pa nito ang pintuan.
Lagi na siyang ganyan simula nung nakaraang linggo. Uuwi ng late, kung hindi naman late ay lasing.
Umupo na ako sa lamesa at sinimulan ko nang kainin ang almusal na inihanda ko. Pagkatapos ay naghanda na din ako para pumasok.
-
Pauwi na kami ngayon ni Shanelle, ang bestfriend ko simula nung kolehiyo. Parehas kaming nagtapos ng Accountancy. Ex girlfriend din siya ni Jack.
"Oh Luna, kamusta naman kayo ni Jack." tanong niya.
"Luna? Hoy!" sigaw nito.
Napabalik ako sa realidad ng paluin niya ako.
"A-ahh Oo. A-ayos lang kami." sagot ko.
"Sigurado ka ba? Napapansin ko lagi kang tulala at malalim ang iniisip eh."
"Ha? Wala yun Shan."
"Oh sige Luna, dito na ako ha? Magiingat ka." paalam niya sa akin.
Naglakad na ako ng halos limang minuto bago makarating sa bahay. Napansin ko na may ibang nakaparadang kotse sa tapat namin bukod sa kotse ni Jack. Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan si Jack at mga katrabaho nito na umiinom.
"Oh Luna, andyan ka na pala." lasinh nitong sabi. "Bakit ngayon ka lang, ha? Magluto ka nga ng makakain dun." utos niya.
"S-sige Jack." dumiretso ako sa kusina at nagluto ng Adobo. Hinain ko ito kila Jack ngunit hindi niya ito nagustuhan.
YOU ARE READING
My One-Shot Story Compilations
RandomJust read and enjoy. Facebook: Zywon Morrisson