[ E R R O R S A H E A D ]
[ B R U T A L C O N T E N T ]
[ R E A D A T Y O U R O W N R I S K ]
---"Lennon, ano na naman ba 'to ha?! 95? Anong klaseng grade yan? Top 2? Bakit top 2 lang?! Bat di mo gayahin yung kuya at ate mo topnotcher lagi sa eskwelahan, ha? " bulyaw ni mama sa akin.
"S-sorry ma. G-ginawa ko naman po ang best ko eh. " naiiyak kong sagot.
"Best? Eto na ba ang sinasabi mong best Lennon? Ha?! " bulyaw ulit nito. "Wala kang kwenta! Umakyat ka sa kwarto mo! Hindi ka kakain ng dalawang araw ha! "
"P-pero ma" nagsimula nang tumulo na ang aking luha.
"May angal ka? Ha? "
"W-wala po Ma" sagot ko.
Kaagad akong umakyat sa aking kwarto at umiyak nang umiyak.
"G-ginawa ko naman ang l-lahat diba? B-bakit ganon? " mahinang sambit ko sa aling sarili.
Kanina lamang ay nagkuhaan nang aming report cards at tila yata hindi nagustuhan ni Mama ang naging resulta. Lagi na lamang niya akong inikukumpara kina ate at kuya.
Pinunasan ko ang luha ko at naghanda na upang matulog.
"Kaya mo toh Lennon. Kaya mo toh." kausap ko sa aking sarili at ipinikit na ang aking mata.
---
Paggising ko ay alas-siyete na nang umaga. May oras pa ako upang maghanda. Naligo na ako at nagbihis ng pang-eskwela.Bumaba ako sa may sala at naabutang kumakain ng almusal sila mama, ate, at kuya.
"Ma, pahingi pong pera. " nahihiyang tanong ko kay mama.
"Anong pera? Wala kang baon nang isang linggo. Sinabi ko na sayo yun kagabi diba? " sigaw nito sa akin.
"P-pero Ma, sabi niy-" naputol ang sasabihin ko nang sumabat si Mama.
"Aba, sumasagot ka na? "
"H-hindi po Ma. " natatakot kong sagot. Narinig ko naman ang mahihinang tawa nila ate at kuya.
"S-sige po Ma, mauuna na po ako. " paalam ko ngunit wala akong narinig na sagot.
Pagkalabas ko ng bahay ay huminga ako ng malalim at bumulong saking sarili.
"Kaya mo toh Lennon. Kaya mo toh. " bulong ko at pumara ng tricycle papuntang eskwelahan. Buti na lang may kaunti akong natabing pera na kakasya para sa isang linggo.
Nang makarating kami sa tapat ng eskwelahan ay agad akong pumara.
"Manong dito na lang po." sabi ko at itinabi nito ang tricycle sa tapat ng gate ng school. Iniabot ko ang bayad at nagpasalamat.
"Thank you po Manong." ngiti lamang ang isinukli nito sa akin at agad ding umalis.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa room. Tinignan ko ang aking orasan.
8:30 am
Mahaba pa ang ooras bago ang unang klase namin. Dumiretso muna akong cafeteria at doon nakita ang aking bestfriend na si Nicole.
"Nikkie!" sigaw ko dito. Agad naman itong lumingon at pumunta sa akin.
"Oh, ikaw pala Lenn, Congrats nga pala kahapon ah, top 2 ka na naman. " salubong nito sa akin.
"A-ahh salamat Nikkie. Ang aga mo ata ngayon? "
"Ahh oo kasi may ginawa kami sa Theater Club kanina. Required pumasok ng maaga ang mga officers. " sagot nito.
"Ahh ganun ba. " napansin kong nakatitig ito sa akin.
"Alam mo Lenn, lagi kang nakangiti noh? Siguro wala kang problema sa buhay. Yung tipong chill lang. Kase biruin mo, matalino na tapos maganda pa at mabait. " puri nito sa akin.
YOU ARE READING
My One-Shot Story Compilations
AléatoireJust read and enjoy. Facebook: Zywon Morrisson