chapter 8

425 9 6
                                    

"Dalawang 2-pc chicken joy, dalawang large fries and isang coffee float and a bottled water." Vico's words were muffled because of the mask. His face wasn't clear din kasi nakahoodie siya. Hirap talaga pag famous ang kasama mo, may pa disguise.

The drive-thru attendant nodded and nagforward ang car towards kung saan kukunin yung pagkain. Ibibigay ko sana ang bayad ng meal ko  but Vico protested. "Save it. May next time pa naman." He said. Kinilig ako sa pa next time ni sir.

Binigay na sa amin ang order namin at ako na ang nagthank you. Vico continued driving for about 10 minutes and tahimik lang ako. Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya, di naman ako sinasagot.

We stopped at a big house sa isang village pero hindi siya pumasok at nagpark sa loob. Instead, nagpark siya a block away and bumaba na kami. 

"Wala ng pumupunta dito dahil lahat na sila may asawa at sariling bahay. Dito kami noon nagkakaisa nila kuya Oyo pero mag-ingat lang tayo. Baka andito sila kuya eh." He whispered before leading the way into  a back gate. 

We got inside and it was a mansion. Ang ganda. May pool tsaka isang bahay kubo na may garden aside from the big mansion. We got inside the mansion through a backdoor again and I was amazed again. It looks so elegant with white walls and huge paintings. 

"Dito." He whispered while tiptoeing towards a room with a red door. When we got inside, ang ginaw. The floor was carpeted and may malaking projection screen. It had cushion chairs na pwedeng marecline. There was a table that had snacks sa gilid and a microwave.

"Sit." Utos niya and he dragged a table to our seats at linapag ang Jollibee food namin. The lights were off and a movie started to play. It showed a sunset sa isang lake. The Notebook!

"Vico.." I said na parang naluluha. He remembered every detail about my answers sa 20 questions. Even the coffee float and 2-pc chickenjoy. He remembered everything. To think that Allie and Noah's first date was a movie date. "Shhhh.." He sat down in his chair and kissed my temple. I was touched talaga. Nobody remembered details about me like this.

We watched the movie in silence while kumakain. We occasionally talked kapag umiiyak ako sa eksena. Halfway through the movie wherein nagkita na ulit si Allie at Noah, nanginginig na ako sa ginaw. OA naman kasi ng aircon nila.

Vico noticed me shivering so tumayo siya at inadjust yung aircon. He came back and apologized. "Okay lang, ginawin lang talaga ako." I said with a smile. "Isa lang hoodie ko eh... Wait." He said tsaka naglakad patungo sa table. Kumuha siya ng kumot at hinablot ako. 

Tumayo ako and he wrapped the kumot around me na para akong taong lumpia. Pinaupo niya ako sa sahig at siya rin naupo sa sahig. I felt his strong arms wrap envelope me into a tight hug. "Ginaw pa rin ba?" He asked while hugging me habang naka upo. "Di na." I answered with a small smile. Parang kinikiliti ako sa kilig, grabe. 

I can feel his breath sa may tenga ko. Medyo nakakakiliti nga eh. Ang mukha niya'y naiilawan lamang nang galing sa projector pero ang gwapo pa rin. His eyes were so focused sa movie, para ngang nagnarrow ito dahil sa concentration niya. Ang tangos ng ilong niya, may stubble rin siyang nakakalakas ng dating niya kahit mukha siyang good boy most of the time. His lips were pink dahil sa ginaw pero hindi ito dry. He noticed me staring at him kaya napatingin rin siya sa akin.

"Alam mo, ang gwapo mo." I blurted out without thinking. Nakakahiya, tatanga tanga talaga ako pagnatutulala. Tumawa nalang si Vico at umiling. "Manood ka nga, titig ka lang ng titig sakin eh. Tama nga ako nung nasa mall tayo, gwapong gwapo ka talaga sakin." Biro niya at agad naman akong namula nang matandaan ko ang ginawa ko.

Tapos na ang movie kaya pinahid ko ang luha ko. Naramdaman kong bumitaw na si Vico sa pagkayakap sakin. Pinatay niya yung aircon at binuksan ang ilaw. Tumayo na rin ako pero naunahan niya akong tanggalin ang kumot sa akin. 

"Alam kong mukha akong nagmamadali pero hindi yon ang punto.." Sabi niya habang tinitingnan ang mukha ko. Ano na naman ba pakulo nito? Di nauubusan ng paandar eh.  "Gusto kong sabihin ito sayo ngayon kasi gusto kong lubos lubosin ito pag pinayagan mo ako." Dugtong pa niya. 

"Maria Yanne Torres, pwede ba kitang ligawan?"

The Mayor's GirlWhere stories live. Discover now