chapter 14

517 10 2
                                    

"Good morning." I heard his familiar deep voice wake me up. I opened my eyes para makita na hindi ko condo to. Ano ba kasi nangyari? My head was pounding, para akong pinaikot-ikot tas pinilit maglakad ng tuwid.

I saw Vico's shirtless figure in the kitchen at agad naman akong lumapit para magtanong kung nasaan ba ako."Nasaan ako, V?" I asked him while yawning and stretching. "Condo ko, dito ka matulog. Pasaway ka eh." Napatawa nalang ako sa pinagsasabi niya

 I hugged him from the back like I usually do every breakfast date na nagluluto siya. "Masakit ulo mo?" I just nodded and he knew that even nakatalikod siya.

He poured what he was cooking into a bowl at linagay ito sa table. Binitawan ko naman ang pagkayakap ko sa kanya at umupo sa sa tapat niya.

"V, galit ka?" I pouted because I knew he was giving me the cold feet. Oo, cold feet na sakin yung kinakausap pa rin ako. I just hate being neglected. "Yanne, kung may problema tayo or nagseselos ka, sabihin mo. Wag mo idaan sa alak kasi baka mapano ka." He said with a worried face habang linalagyan niya ng creamy mushroom soup ang bowl ko.

I just pouted and drank my soup. Nawala na ang hangover ko sa linuto ni Vico. Bawi talaga ni V lahat ng pagkukulang ko sa buhay. Perfect na tao eh.

"Alam mo, magkasama lang kami ni Gretch kasi schoolmates kami before tsaka close yung parents namin." I even pouted more at what he said. Gretch? Close talaga kayo? Hmp, bwisit. He just smiled and said, "Ang cute mo na nagseselos ha.".

"Sige pa, pagselosin mo pa ako." Inirapan ko siya, nakakainis eh. Selos na selos na nga tayo, tatawagin pang Gretch. Nanadya ka ba? "Hindi ko gusto ginawa mo ha. Iwasan mo rin yang Jack na yan. Di ko yan gusto." He said in a serious tone habang tinititigan ang mga mata na parang nagsasabi na siya ang masusunod dito.

"Opo, V." I just rolled my eyes at ininom ang kapeng hinanda niya para sa akin at parang unti-unti, nawawala na ang sakit ng ulo ko. He just smiled at the fact na siya talaga masusunod. Kahit anong eyeroll or pagtataray ko sa kanya, siya naman talaga masusunod.

"Tulog muna ako." He said while he placed the dishes on the sink. "Oo, matutulog ka na para ako maghugas." Inirapan ko naman siya. He just laughed at what I said and went to the bed.

Naghugas ako ng pinggan at naligo. I changed into one of Vico's oversized shirts na pambahay at ang kanyang sweatshorts na parang lagpas sa tuhod ko. Nagmukha akong tanga sa suot ko pero wala naman akong pakialam. Bibili lang naman ako sa grocery. 

Bumaba na ako at pumunta sa grocery store tapat ng condo ni V. Linagay ko sa cart ko ang mantika, bacon, pasta, cheese, ready made na carbonara sauce, cookies, ice cream na cookie dough at madaming Toblerone.

Luminya na ako sa counter at diyan, may nakakita sa akin. "Uy, ano ginagawa mo dito? Di ka naman taga rito ah." I just laughed nervously at how Nicole interrogated me. "Ah, ano, sleepover lang sa friend." Napatango naman siya sa sinabi ko na parang katotohanan na yun. 

"Ingat ka ha, mauna na ako." I said to Nicole after receiving my groceries from the cashier girl. She just nodded and waved. Malas  ko talaga. Kung kailan mukha akong timang, diyan ako may makikitang kakilala.

Umakyat na ako sa condo at narealize kong 5 ng hapon na pala, kailangan ko ng maghanda ng pagkain at tulog pa rin si Vico. Pagod na pagod. Yan, malandi ka kasi. Charot. Hindi ako nagseselos.

I boiled the pasta while frying the bacon. Paano kaya naging magkaibigan si  Gretchen at Vico? Were they ex-lovers or friends lang talaga? May nalanghap akong medyo sunog. Ayan, kakaoverthink mo, Yanne, sunog yang bacon mo. 

Pinutol putol ko na ang bacon habang nagboboil pa rin ang pasta. I melted the Toblerones I bought at hinanda ko na ang cookies at ice cream. I put ice cream between two cookies at dinip ito sa melted chocolate. Inulit ko to hanggang sa maubos ang cookies at linagay na sa ref ang ice cream cookie sandwiches ko.

Di ko namalayan na overboiled na pala yung pasta ko. Tanga, Yanne, tanga. Inahon ko na to at minix sa ready made sauce. I sprinkled over yung bacon bits at grated cheese. 

Hinanda ko na ang carbonara sa isang plate at ginandahan ang presentation. Naglakad ako patungo sa natutulog na senyorito ko. Gigisingan ko na sana siya pero hinila niya ako para magtabi kami sa kama. 

"Ano ba, V!" Kumakawala ako sa pagkayakap niya at tumatawa lang siya. "Five minutes." Giit niya habang sinisinghot niya ang ulo ko. "V, nagluto ako. Baka guminaw na." I nudged him para magising na talaga siya.

Nagulat siya sa narinig at binuksan talaga niya ang mga mata niya. "Ikaw? Nagluto? Weh! Di ka nga marunong magprito ng itlog eh." He looked at me with disbelief. Inirapan ko lang siya at pinagtarayan. "Edi wag!" 

"Sorry na, ako kakain niyan kahit sunog yan kasi luto yan ng crush ko!" Agad agad naman siyang tumayo at tumakbo patungo sa kusina.

The Mayor's GirlWhere stories live. Discover now