8

389 11 0
                                    

Chapter 8

Third Person's POV

Natataranta ang lahat dahil sa nangyare kay Drake, sa biglaang pagbagsak nito.

Nong dumating si Dr. Earl ang family doctor ng mga Vergara ay agad nitong sinuri si Drake. Nakahiga ito sa kama at walang malay, chineck naman siya at ng matapos ay tumayo na si Dr. Earl bago humarap sa kanila. Napaka seryoso lang ng mukha ni Mr.Vergara habang si Mrs. Shenna Vergara ang mas nag-aalala.

" What happened ?"

Tanong ni Mr. Vergara sa doctor. Napailing nalang si Dr. Earl sa kanila.

" Same case "

Tipid na banggit nito. Nagtaka naman si Shenna sa sinabi ng doctor lumingon naman si Blake sa kanya.

" Saan kayo nag punta at ano ang mga kinain niya ?"

Seryosong tanong nito sa kanya. Napalunok naman siya. Lahat ay nakatingin na sa kanya at naghihintay sa sagot niya.

" Ah,eh..m-marami siyang kinain eh. Pumunta kami sa KFC tapos doon sa food court sa mall, halos kalahati nong nagtitinda ron tinikman niya ang mga pagkain "

Napabuntong hininga naman ang Doctor sa kanila at napatingin kay Blake ng seryoso.

" Aware ba si Mrs. Vergara sa bawal at pwede ng anak mo ? "

"*sigh* nope "

Napatakip naman ng bibig si Shenna na para bang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyare, kung bakit hinayaan niyang kumain ng kahit ano ang bata. Di rin naman niya alam at mas lalong hindi sinabi ng bata.

Hinapit naman ni Blake ang bewang niya at pinalapit ito sa kanya. Tinitigan naman siya nito sa mata.

" Don't stress yourself, di mo naman alam. Just that, weak yong katawan ni Drake sa mga pagkain sa labas lalo na pag hindi healthy, mas nakakatakot kung sumabay yong mga allergies niya..so, don't worry "

Mahinang sabi nito sa kanya. Tumango nalang siya. Naisip naman ni Shenna yong mga sinabi ni Drake na hindi siya pinapayagan at mas lalong hindi siya nakakatikim ng pagkain sa labas.Tumikhim naman ang doctor sa kanila.

" Yep. Don't worry Mrs. Vergara. So paano yan..mauna na ako,excuse me "

At umalis na ito. Hinatak naman siya ni Blake at nang makita niyang palabas sila ng kwarto ay binawi niya ang kamay niya. Tinignan naman siya nitong nagtataka. Pati rin siya nagtataka.

" Saan tayo ? Nahimatay Drake we shouldn't leave him alone, kailangan niya tayo "

" There's a lot of maids here at nandiyan naman ang personal maid niya and si Lee..let's date, naiinggit ako sa inyo kanina "

She literally dropped her jaw sa sinabi ni Blake sa kanya.  Kahit minsan talaga, parehang-parehas sila ng ugali, walang nagpapatalo ! sa isip ni Shenna.

Akmang hahawakan siya ulit nito pero umiling siya at umatras na ikina-seryoso ng mukha ni Blake.

" I'm not gonna leave him here, aalagaan ko siya. Your son needs someone, nandito naman ako and sabi mo diba aalagaan ko kayo..so, I'm staying "

Yan nalang ang sinabi ni Shenna bago napabuntong hininga si Blake at umalis sa kwarto. Sinabihan ni Shenna na siya na ang magbabantay at pinapahinga nalang niya ang mga ito.

Umupo siya sa gilid ng kama atsaka hinalikan ang noo ni Drake. Napag-isip isip niya na kung di lang nawala ang anak niya siguro ganito na ito kalaki kagaya ni Drake. Tumabi siya sa paghiga nito atsaka bahagyang niyakap si Drake.

Si Drake naman ay nanaginip. Bumalik sa utak niya yong nangyare kanina na hahampasin siya nong matanda, humihingi ito ng tulong sa mommy niya na sana iligtas siya and then may biglang yumakap sa kanya at lumitaw ang mukha ni Shenna sa panaginip niya.

Naramdaman ni Shenna ang pagyakap ni Drake sa kanya.

" Stay with me Mommy..."

Bahagya pa siyang nagulat sa sinabi nito at the same time ay nagpalambot sa puso niya. Ngumiti naman siya bago sumagot kahit tulog yong kausap niya.

" I will. Mommy will be here to protect you..."

Maya-maya pa ay nakatulog na ito kasama si Drake. Hating gabi na nong bumalik si Blake sa Mansion galing sa opisina. Dumiretso ito sa itaas at sa kwarto ng anak niya. Pagbukas niya ay nakita niya ang dalawa na mahimbing na natutulog. Napangiti siya ng wala sa sarili atsaka hinubad ang coat at sapatos bago umayos ng higa sa kabilang side ng kama. Napapagitnaan nila si Drake. Niyakap niya naman ang dalawa bago siya hinatak ng antok.

Shenna's POV

" Good morning Honey "

Bati sa akin ni Blake ng makita niya ako rito sa Dining room. Nakaupo na siya sa pinaka dulo ng lamisa. Tinaasan ko naman siya ng kilay kong makangisi ito parang manyakis.

" Are you seducing me Mrs. Vergara ?"

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Lumakad naman ako at lumapit sa isa sa mga upoan.

" No. Paano mo nasabi Mr. Vergara ? "

Kinagat lang niya yong labi niya atsaka umiling-iling. Nagtaka ako nong lumapit si Nanny at inayos yong polo ko. Nanlaki naman ang mata ko. Shit kita na pala ang bra ko.

Naramdaman ko namang nanginit yong mukha ko. Bakit ba kasi bumababa ako na hindi inaayos yong sarili ko or tumingin man lang saglit sa salamin -_-  Nahihiya akong tumingin kay Nanny na inilingan lang ako. Umalis narin ito sa harap ko at bumalik sa pwesto niya.

Tinaasan ko naman ng kilay yong lalaking nang-aasar parin sa akin.

" Tigil-tigil mo ako Mr. Vergara "

Tapang-tapangan na sabi ko sa kanya.  Nahihiya akong tumingin sa ibang maids na nandito at sila Uncle Lee, nakangiti lang ito sa amin.

" What ? I didn't do anything..ang layo mo nga "

Nakangising sabi niya. Argh ! Nakakairita na ako sa ngisi niya. Mas nahihiya ako sa nangyayare. Sino ba kasi nagbukas ng butones ko ?!

Natigilan ako sa pumasok sa utak ko. Hindi kaya...sinamaan ko naman siya ng tingin. Di kasi ako nakapag-palit ng damit kahapon.

" Ikaw nag bukas ng mga butones ng polo shirt ko no ?! "

Tumawa lang ito ng malakas. Bwesit ! Siya talaga ang nagbukas ng mga butones sa polo ko ! Sarap taponan ng isang mansanas sa mukha eh. Kainis !

---

Not Edited

Our Innocent Love Where stories live. Discover now