Chapter 9
Mas nauna siyang matapos sa akin kumain kaya una siyang tumayo. Sa buong pagkain ko talaga tinitigan ko lang siya ng masama at ngayon na aalis na siya ay nakasunod lang ang matutulis kong mata sa kanya.
Ngumisi lang ito sa akin atsaka lumabas sa dining room. Pumasok naman si Drake dito habang kinukusot-kusot yong mata niya. Ang cute ng baby ko pag umaga.
" Good morning baby,have a seat para maka pag breakfast kana "
Sumunod naman ito at agad na inasikaso ng personal Nanny niya. Kumain narin ito.
" By the way, bakit di mo sinabing bawal ka pala sa mga pagkain sa labas ? Nag-aalala ako sayo kagabi "
Malambing na sabi ko sa kanya. Natigilan naman ito at napayuko ng bahagya. Nakita ko namang napahigpit yong hawak niya sa kutsara't tinidor niya.
" K-kasi kapag sinabi ko d-di na tayo makakagala "
I gently patted his head atsaka ngumiti sa kanya. Napatingala naman ito sa akin.
" Baby, you don't have to be scared. Mas mabuti yong sinasabi mo, we can still have fun outside without eating unhealthy foods naman, so next time tell me okay ? Don't lie again "
Tumango naman ito sa akin at ngumiti.
" Okay po. I'm sorry. "
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at ng matapos na ay tumayo narin kami at lumabas don. Nakita naman namin si Blake na nakatambay sa sala. Naka-upo ito sa sofa habang may binabasa sa dyaryo. Napatingin naman ito sa amin.
Agad naman akong hinawakan ni Drake sa kamay at inirapan ang Daddy niya. Jusko, mukhang sasakit na naman ang sintido ko nito.
" Me and this beautiful lady will spend the day together !"
Matapang na sabi niya sa Daddy niya. Ibinaba naman ni Blake ang dyaryo niya at ngumisi ito sa amin.
" Dream on young man, she will going to spend her day with me !"
" No way. We already done a lot of things na di niyo pa nagawa, and we were planning na dagdagan yon "
Jusko pinagsasabi nito ? Bakit ba sinasakyan ng lalaking ito ang kalokohan ng anak niya ! Di talaga nagpapatalo kahit bata pinapatulan !
" Like what kid ?"
Nag-isip naman si Drake. Pinanlakihan ko naman ng mata si Blake na ikina-iling lang niya at ngisi.
" I can freely do this to her "
Pinakita niya yong kamay naming magkahawak. Natawa naman ng mahina si Blake. Baliw talaga ! Kapag talaga ito umiyak ewan ko nalang! Sumasakit ulo ko.
" Oh, yan lang ? You're weak kid !"
" I-I'm not ! And I'm not a kid anymore.."
" So tell me ano pa ang ginawa niyo ? Na ikaka-inggit ko ?"
Hamon na tanong niya sa bata. Tumingin naman ako kay Uncle Lee at Nanny. Napapailing nalang sila habang may ngiti sa kanilang mga labi. Are they like this ? Palaging nagyayabangan at nagta-taasan ng pride ? -_-
" We ate outside. Nag bonding kami. I can hug her if I want. She's enjoying my company and I can hold her like this sa mahabang oras and we slept together--HUGGING EACH OTHER ! You see we're really truly in love so give her to me.."
Confident na sabi niya sa Daddy niya. Tinignan naman ako ni Blake at sininyasan na lumapit sa kanya. Kinabahan naman ako. Ayokong masaktan si Drake kapag lumapit ako sa Daddy niya pero parang kakainin naman ako ng buhay nitong lalaki sa harap ko na sinasamaan ako ng tingin.
Lumakad naman ako patungo sa kanya at inabot yong kamay niya. Napatili ako nong hinatak niya ako kaya napa-upo ako sa lap niya. Namumula na yong mukha ko sa sobrang lapit ng mukha niya.
" L-let her go !"
Sigaw ni Drake sa Daddy niya but Blake just smirked at him.
" Want to know what I can do with this beautiful woman ? "
Hamon na tanong niya ulit sa anak niya. Hinampas ko naman siya sa balikat. Napakuyom naman ng kamay si baby Drake at namumula na ito sa inis. Alam naman niya na talo talaga siya sa daddy niya.
" N-no ! I can do better than you !"
Hinawakan naman niya yong mukha ko at tinitigan yong labi ko. Gago ba siya ? Talagang papaiyakin niya yong anak niya ?
" Can you do this ?"
Tanong niya sabay halik sa labi ko. Ilang segundo niyang inilapat sa akin yong labi niya. Nakangisi naman itong lumingon ulit sa anak niya. Nakita ko rin na mangiyak-ngiyak si Drake kulang nalang talaga tumulo yong luha niya.
" O-of course kapag malaki na ako ! *sobs*"
" You have to pass all your assignments first and study hard for you to find a wife kid and you'll be able to do this .."
At hinalikan niya na naman ako sa leeg. Kainis talaga itong lalaking ito. Sarap suntokin eh ! Kung di niya lang hawak ang kamay ko.
Pinahid naman ni Drake yong luha niya atsaka umiling-iling.
" T-That's all you can do with her ? *sobs* w-weak !"
Tumawa naman si Blake na mas ikinapula ng mukha ni Drake. Iniinis niya talaga ang bata.
" We slept together. I mean we've done more than just hugging each other on the bed. *smirks* You want a brother ? "
Talagang nanlaki yong mata ko sa sinabi niya. Okay lang ba yon sabihin sa bata ?! Hell no ! Nagpapadyak na ng paa si Drake at tulo lang ng tulo yong luha niya.
" No ! No ! I'm gonna tell Grandma that you're bullying the weak ! "
" Only useless kids ang gumagawa non sa harap ng ibang nakakatanda "
Natahimik naman siya at umayos ng tayo. Tinuyo niya rin yong luha niya.
"Hmp. I-I was just trying to scare you !"
" Well kid, you better answer your assignments now if you want to have a wife in the future "
" Of course. No matter what I'll make sure that beautiful lady will be my wife. *sobs* Just you wait !"
" Oh, okay? I'll be waiting for it then. "
At tumalikod na si Drake at tumakbo paakyat sa kwarto niya. Shit. Nakakabaliw talaga itong dalawang ito. Nadadamay ako !
---
Not yet edited
YOU ARE READING
Our Innocent Love
Teen FictionBlake Vergara a mysterious man. They used to call him a 'Heartless Demon'. Mayaman siya. Kung tawagin ng mga kababaehan ay 'total package 'but Blake has a problem. He wanted to have a woman in his life but he can't cause everytime he's trying to be...