Chapter 18
Shenna's POV
Days passed at okay naman ang lahat. Na meet ko narin yong parents ni Blake at tumutulong narin ako sa kompanya. Drake is also doing okay, ganun parin minsan nag-aasaran sila at mas naiintindihan ko si Drake. Napaka soft hearted niya pero iba siya pag may mga businessmen na kasama daddy niya, napaka formal nito.
Now I'm here sa kompanya ni Blake nagta-trabaho ako dito bilang isang normal na empleyado. Everyone knows that I'm Blake's wife at naiilang ako sa formality nila.
Nagsusulat lang ako sa pinapatapos ng head namin dito sa department. Nabulabog ako ng may nagbubulongan na mga kasama ko. Ano bang meron ? Di ako maka focus.
Talaga ba ? Nandito daw ?
Hala ? So ibig sabihin hindi pala si Ma'am ang totoong ina ng anak ni Boss ?
Nagtaka naman ako. Ano bang pinagsasabi nila ? Napatingin ako sa kanila at di nila ako napansin.
Nasa loob ngayon ng opisina ni Boss yong magandang babae !
Ano kayang gagawin ni Boss ? Mahirap namang ipasama ang dalawa sa iisang bahay, naku !
May isa sa kanila na nakapansin sa akin na agad naman nitong siniko ng bahagya yong mga kasama niya. Nanlalaki ang mata nila at agad na napayuko.
" S-sorry po sa i-ingay Ma'am e-excuse --"
"Wait. Mind telling me what's going on. Ano yong pinag-uusapan niyo ?"
Nagkatinginan naman ang mga ito at nagtutulakan sa magsasabi. Tumayo ako at lumapit sa kanila na ikina yuko nila at ikina atras ng bahagya. Guilty ?
I wanna know the truth. Anong meron ?
" K-kasi Ma'am narinig ko lang po na nandito po raw sa kompanya yong tunay na ina ng anak ni Boss, p-pero kayo naman po ang totoo diba ?"
Natahimik ako sa tanong niya sa akin at sa nalaman ko. Ngumiti ako at tumango. Agad rin akong nag excuse at pumunta sa cr. Puntahan ko kaya si Blake sa office niya ? Is it true ? Kinabahan ako bigla.
Paano na ako ? Ano ng papel ko sa buhay ni Blake na sa ngayon ay nandito na yong babaeng tunay na ina ni Drake ?
---
Blake's POV
I'm just staring straight to the womam in front of me. Uncle Lee sent her here. Nakatayo lang siya sa likuran ng babae na inosente ngayong nakatingin sa akin. I dunno pero wala akong maramdamang kakaiba sa kanya. Ngumiti ito sa akin nag matamis na ikinawala ng mata niya.
" Hi ! I want to meet my son na iniwan ko sayo years ago--"
"Who are you ?"
Seryosong tanong ko sa kanya. Parang may mali.
" I'm Veviane! Don't you remember me Babe ?"
Nagtaka naman ako at napatiim bagang sa itinawag niya sa akin. Babe ? I don't remember anything na tinawag niya ako ng ganon. Napatango naman ako.
Tumayo ako at nagdadalawang isip kung lalapit ba ako sa kanya. I just want to confirm something.
" I see. Why did you left after that night ? Huh, Viviane ?"
Tumigil ako sa harap niya at bigla nalang lumambot ang mukha niya. Is she starting to regret sa ginawa niya ? Bakit ngayon pa siya nagpakita ?
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikina-iba ng pakiramdam ko. My body started to tense up ! Nanginig ako bigla at napa-atras sa ginawa niya. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.
Why ?
" Babe, I'm sorry about that sana mapatawad mo ako--"
"Why ? And please don't come near me. My gynophobia is back. Nagtataka ako kung paano mo ako nahawakan sa loob ng gabing yon kung sa ngayon natatakot akong hawakan mo ?"
Nagtataka rin siya. Akmang lalapit pa siya sa akin pero agad rin siyang nahawakan ni Uncle Lee at pina-atras ito. My heart is beating so damn fast ! Anlamig narin ng kamay ko at bahagyang nanginginig ito. Damn woman !
Agad akong humugot ng malalim na hininga at pinakalma yong sarili ko. This can't be. May posibilidad na hindi talaga siya yong babae. Bigla namang pumasok si Shenna na ikinatingin namin lahat.
" Blake, you look pale are you okay ?"
Nag-aalalang tanong nito sa akin. Tumango naman ako at tumingin siya sa babae na nandito sa loob ng opisina ko.
" Sino siya ---"
"I'm Viviane the mother of his child and you are ?"
Napa 'oh' naman si Shenna at di na pinansi ang babae. Lumapit naman si Shenna na para bang wala akong bisita sa loob. Nag-aalala lang itong tumingin sa akin. Hinaplos niya naman yong mukha ko at nginitian niya ako.
Bakit siya nahahawakan niya ako ? Bakit yong Ina 'kuno' ni Drake ay di man lang ako mahawakan ng matagal ? Nagugulohan ako. Ano bang nagyayare sa katawan ko ? Akala ko cured na ako ? Kay shenna lang pala.
" Miss I respect you but pwede ba umalis ka muna ? My HUSBAND is not okay now and about sa anak mo maybe we can talk about that later "
Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko at di man lang tumitingin sa babae. Nakita kong napayuko ang babae atsaka umalis ng opisina kasama si Uncle Lee and with that niyakap ko si Shenna ng mahigpit. Ghad, she saved me !
Narinig ko naman itong natawa ng mahina.
" Oh ? Nangyare sayo Lalaki ? Tsaka totoo bang siya yong iNa ni Drake ? Bakit mukhang takot na takot ka sa kanya ?"
Nagtatakang tanong niya. Isinikaik ko nalang yong mukha ko sa leeg niya. Bango.
" Hmm. I think she's lying cupcake dahil nong hawakan niya ako biglang nag react tong katawan ko sa kanya. Sumama bigla pakiramdam ko. I wonder kong paano niya ako hinawakan sa gabing yon na sa ganon ay may Gynophobia ako na ibig sabihin Takot ako sa mga babae. You're the only one na malalapitan ko at mayayakap ng ganito without any hesitation. "
" Kulang nalang hinatayin ka *chuckles* but I'm happy dahil ako lang pala ang makakalapit sayo ng ganito kaya umayos ko lalaki "
Natawa naman ako sa sinabi niya.
" Yes Boss "
---
So ito lang po muna ☺ may binabago kasi ako.
Sorry. Love lots everyone ☺
YOU ARE READING
Our Innocent Love
Teen FictionBlake Vergara a mysterious man. They used to call him a 'Heartless Demon'. Mayaman siya. Kung tawagin ng mga kababaehan ay 'total package 'but Blake has a problem. He wanted to have a woman in his life but he can't cause everytime he's trying to be...