Panimula

9 1 0
                                    

"Reyna? Reyna ka? Pangalan mo lang maganda tandaan mo yan" patuloy na sabi ng isang babaeng payat at mukhang bangkay. Yan ang kumupkop sakin, hindi ko matukoy kung bakit laging kumukulo ang kanyang dugo sa akin. Lagi ko namang sinusunod ang utos nya, sya ung reyna reynahan dito. 

"Pinaginitan ka na naman no? Hayaan mo inggit lang yan sayo" bungisngis na ani ni Sabel. Nginitian ko lamang sya. Si Sabel lamang ang kasundo ko dito dahil sya lang ang mabait. Patuloy kami sa pag linis ng sahig sa abandonadong bahay na ito. Oo tama ka isa kami sa mga matatawag na palaboy sa daan, mga iniwan ng magulang. Ang naituturing ko nalang na pamilya ay ang kumipkop sakin Si Tiya Marie. 

"Bilisan nyo sa paglilinis! Mga estupid kayo! Mga palamunin! Bilisan nyo at may pagagawa ako sainyo" Minadali namin ang paglilinis sa sobrang takot. Pagkatapos maglinis ay nagsiupo na kami sa kanyang kanyang pwesto sa sahig. 

"Pupunta tayo sa tiyangihan, alam nyo na ang gagawin nyo. Magkita tayo ng alas dyies ng umaga doon dahil maraming tao pagganong oras" kanya kanya kaming tango, at biglang umalis ang babae. Nang nakalayo na ang babae biglang nag ingay ang mga kasama ko.

"Kaylangan natin pagaralan ng mabuti ang pasahan ng gamit kundi malalagot na naman tayo nito" ani ng isang kasama namin na si Uleng, sumangayon naman kami. Nagumpisa na kaming pagaralan ang mga pasikot sikot sa tiyangian. 

"Pag ikaw Sabel sublay na naman katulad ng dati at nadamay kami hinding hindi ako magdadalawang isip na sabunutan ka" ani ni Kilah na ang dahilan ng pag lingon ko. Sumablay kase nung una si Sabel sa sobrang takot at kinakabahan baka mahuli kaya sumablay kami.

"Wag kang magmamagaling pekeng reyna matagal na kami sa ganito kaya hindi mo kami matatalo" ani ni Kipeng na akala naman nila ay tinatalo ko sila dahil mabilis kong maintindihan ang mga sinabi dati ni Tiya Marie at dahil narin sa bilis ng kilos ko.

"Hindi ako nagmamagaling, alam kong mas magaling kayo kase bihasa na kayo sa ganito"ani ko para walang gulong maganap, ngunit mali ako.

"Ah ganon? Sinasabi mo bang magnanakaw talaga kami? ha?" lumapit sya sakin na tila nanghahamon ng away, di ko sya pinapatulan para walang gulo.

"Takot ka naman pala eh" nagulat nalang ako sa pagbatok nya. Masyadong mabilis hindi ako nakailag. Nang umalis si Kipeng, biglang lumapit sakin si Sabel. at hinimas ang ulo ko kaya npatingin ako sa kanya.

"Ayos kalang? Hayaan mo na sila di lang sila lab ng mama nila" ani niya na sanhi ng ikinatawa namin.

"MAG AALAS DYIES NA! TARA NA!"


yup tama ulit kayo magnanakaw kami. 

Kissing Stranger (Min Yoongi FF)Where stories live. Discover now