Snatcher

13 1 0
                                    

Madaming tao, siksikan at maiingay na tindera sa tiyangian. Nahagip ng aking mata si Tiya Marie na nagtitinda ng basahang bilog. Tinignan nya kami at iyon ang senyales na kumilos na dapat kami nag punta kami sa kanya kanyang pwesto, ako at si Sabel ang nangunguha ng gamit, si Uleng naman ay nakasuot na kinulang sa tela na damit upang panggulo dahil na rin sa makurba nyang katawan sa murang edad.

Ganon din sila Kilah at Kipeng ngunit sila naman ang nagtatago ng mga gamit. Nagkatinginan kami ni Sabel at sabay na tumango. Para hindi sya mahirapan sya na sa mga babae at ako mangunguha sa mga lalaki.

Nagpanggap kaming mamimili at tumabi ako sa lalaking may gintong alahas sa leeg. Namimili ito ng mga brief at boxer short kaya saglit lang ay nakuha ko sa leeg nya ang mamahaling alahas na hindi nya naramdaman.
Ewan ko ba sa mga taong namimili dito alam nilang siksikan at madaming tao pero nagsusuot pa ng mga mamahaling alahas. Tinignan ako ni Kipeng na parang sinasabi akin na itatago ko. Kaya lumapit ako at palihim na inabot ang alahas.

"Nays" ani niya. Kaya tunungo ako sa lalaking makisig at sobrang puti na akala mo hindi sinisikatan ng araw ang kutis. May mga kasama ito na tila ba magaganda rin ang kutis at hindi nasisilayan ng araw. Mahahalata mo na hindi mga taga rito ito. Namimili sila ng mga kakanin at tila ba ngayon lang sila makakatikim nito dahil sa dami ng kanilang nabili. weird

Nakipagsisikan at para lamang makalapit sa kanila. Narinig ko na nakikipagusap sila sa tindera na tila ba kilala nila ito. Lumapit ako sa isang lalaki di katamtaman ang taas ngunit may matangkad sa akin. Nakita ko ang kanyang bulsa na may makapal na pitaka. Hmm mukhang makakabingwit ako ng bigatin
Dahan dahan kong kinuha ang pitaka nito. Nakakapagtaka at di ko mahatak ang pitaka nito. Nang hindi ko mahatak sinanga ko sya at nakipagsiksikan at nagkunwaring bibili

"'Nay magkano ho yang bibingka?" ani ko kaya napalingon ang lalaki sakin at nilingon ko ito.
Isang lalaking singkit na sobrang puti, masungit man ang mukha ngunit di maitatanggi rito na gwapo ito.

"30 pesos isa iha ilan ba?" ani ng tindera sanhi ng ikalingon ko ngunit bago pa ako biglang nagkagulo.

"Ahhhhhhh! Tulong magnanakaaaaw!" ani ng babae at nakita kong tumatakbo si Sabel.

"Shit!" biglang takbo para habulin si Sabel na hinahabol ng mga kalalakihan. Nang naabutan ko ang isang lalaking tumungtong ako sa isang kahoy na lamesa at sinipa sa ulo ang lalaki. Bumagsak agad ito. One down.

Patuloy ako sa pagtakbo at nakita ko sa gilid ang isang napakagandang bagay na nakita ko. Dati sa tv ko lang to nakita ngayon makukuha ko na.

"Gotcha!" sabay hugot sa isang baseball bat na sobrang ganda. Isa ito sa mga gusto ko dahil pwede to para sa mga ganitong sitwasyon. Nakita kong lumiko sa isang eskinita sila Sabel at ang mga lalaki. Pagliko ko binato ko agad ang hawak kong baseball bat at tumama ito sa ulo ng isang lalaki.

"Pasensya na." ani ko sa lalaking tulog katalks tamaan ng hinagis ko. Tumakbo ulit ako at nakita kong umaakyat ng pader si Sabel ngunit ang tatlong lalaki ay nasa baba nya ang isa ay nahawakan ang paa nya kaya nahulog ito.

"Hoy." ani ko kaya napalingon ang mga lalaki.

"Ooooy. Beybi gurl wag kanang makisali dito kung ayaw mong madamay" sabay tawa nilang tatlo. Isa lamang ang malaki ang katawan sa kanila at ito ang may hawak kay Sabel at ang dalawa ay mga payato lang katulad ng dalawa kong napatumba. Tinignan nila ang baseball bat na hawak ko. Mukhang natipuhan pa yata ng mga punyeta. Ngumisi ako

"Gusto nyo ba nito?" sabay wagayway ng hawak kong baseball bat. Tumawa ang lalaking malaki ang katawan ngunit  kulang kulang ang ngipin.

"Mukhang maganda yan nene ah? bakit hindi mo ibigay samin ng magamit ng tama" ani nito at tumawa naman ang dalawang payatot.

Kissing Stranger (Min Yoongi FF)Where stories live. Discover now