Nagising ako at bumungad sa akin ang isang maliit na papel na nakadikit sa aking noo. Tinanggal ko agad ito at binasa ang nakasulat.
Good Morning Qeen, tiniran kita ng breakfast mo nasa ref initin mo lang. I have a meeting so don't worry about me. Be safe.
-D
"Qeen? so may nickname na ako?" kinikilig kong ani kaya tumayo na ako at bumaba. Nakita kong may papel na naman na nakadikit sa ref.
Don't you dare drink my beer without me, or else...
-D
Tumango naman ako na parang kaharap si Dionysus. Hindi ko alam pero nang basahin ko ito parang narinig ko ang boses nya sa utak ko.
Pagkatapos kumain ay umupo ako sa sofa at nakita kong may note ang cabinet sa baba ng TV.
Open the cabinet, I bought you a phone it's yours so keep it. Don't worry I saved my number. You can call me if you miss me.
-D
Sa sobrang tuwa ay kinuha ko agad ito at binuksan. Pinagaralan ng mabuti ang phone. Buti nalang ay may internet ang bahay na ito. Napunta ako sa contacts at nakita ang iisang laman non.
D
+639**********
"Tatawagan ko ba sya?" ani ko ngunit baka makaistorbo lamang ako sa meeting nito, pero sabi naman ni Dionysus tawagan ko sya pag namimiss ko sya. Bakit namimiss mo ba? Napamulahan ako sa naisip kaya napagdesisyonan ko na magtext na lamang
Qeenerie:
Salamat sa phone. Ingat ka sa meeting mo.
Di ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Naisipan kong maglinis ngunit ng maghanap ako ng walis ay wala akong nakita. Ang kaso may nakita ako dito at sinearch ko ito. Vacuum pala ang tawag dito pero di ko alam kung paano gamitin. Magsesearch sana ako kung paano gamitin ito ng biglang tumawag saakin si Dionysus.
"H-hello?" ani ko
"Welcome btw nagbreakfast kana?" mahinahong ani nito
"A-ah oo. Nakita ko ung mga sulat mo. Ang sweet mo pala." napakagat ako sa aking labi dahil sa nasabi. Natigilan ito at tumikhim.
"Maaga ako uuwi before lunch, wait for me." ani nito na tila nakikiusap
"Sure. P-paano nga pala gamitin iyong v-vacuum mo?" nahihiyang sabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa nito. Napalabi ako.
"Just turn it on. Cordless naman yan kaya kahit saan magagamit mo. Wag kang magpapakapagod, ako lang dapat papagod sayo" ani nito na ikinagulat ko. Hindi ako ignorante sa mga bagay na yan pero nakakagulat parin at nakakakaba lalo nat nagmula ito kay Dionysus.
"T-thankyou uhm ingat sa paguwi" ani ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto koo! Pagurin mokooo! ani ng mahalay kong utak. Sino ba naman kase ang hindi magkakasundo rito eh napakagwapo nito at ang laki ng respeto sa mga babae.
"I miss you" ani nito at biglang namatay ang tawag dahilan kung bakit namatay na din ako sa kilig.
YOU ARE READING
Kissing Stranger (Min Yoongi FF)
FanficI still remember the first day I met you Warning: Read at your own risk