Toothbrush

13 0 0
                                    

Pumunta kaming bangko pagkatapos ng insidenteng iyon. Naglapag ito ng isang itim na bag at binuksan, nanlaki ang aking mata sa sobrang gulat.

"A-aanhin ko ito" ani ko ng nagtataka. Sobrang daming pera nito! Eto ba ang sinasabi nya na bibigyan niya ako ng pera kapalit ay ako?

"Iyan ang ibibigay mo sa kumupkop sayo at ang kapalit ay ikaw" ani nito

"Nagbibiro kaba? Baka maghirap ka nyan dahil ang dami nito" ani ko dahil hindi makapaniwala sa mga nakikita at naririnig.

"Im dead ass serious. Hindi ako maghihirap sa nilabas kong pera, katiting lang yan." seryosong ani nito kaya naniwala agad ako.

"Show me where you live then tomorrow lets meet at Cato's Resto Bar at 9AM" ani nito kaya tumango lamang ako. Tinuro ko sa kanya kung saan ako nakatira ng nakita namin yon ay huminto sya sa harap, at nilingon ako habang di makapaniwala sa nakita.

"Dito ka nakatira?!" ani nito kaya tumango ako. Napabuntong hininga ito.

"Wag ka na kayang umuwi" mahinang ani nito kaya napalingon ako sa kanya

"Bukas na tayo magkita 9AM." ani ko at tinitigan sya, hindi ito mapalagay.

"Sumama kana agad sa ak---" 

"Dionysus 9AM bukas okay?" ani ko sanhi ng ikinabuntong hininga nya

"Magiingat ka, hihintayin kita." ani nito at inabot sa akin ang bag at natulala ako ng lumapat ang malambot na labi nito sa aking noo. 

"Hihintayin kita" ani nito kaya tumango ako at bumaba ng sasakyan.  Hinintay ko muna syang makaalis bago ako pumasok abandonadong bahay.

"Mga inutil! Wag na wag kayong gagaya kay Qeenerie! Nilayasan ako pagkatapos ko syang pakainin at bihisan!" narinig kong ani ni Tiya Marie

"Tiya Marie" ani ko na sanhi kaya lumingon at pati sila Sabel at ang iba.

"Aba! At ngayon kapa nagpakita ang kapal ng muk-"naputol ang sabi nito ng ibinaba ko ang itim na bag.

"Tiya eto ang bayad ko sa pagpapakain at pagbibihis sa akin." ani ko dali daling lumapit ang babae sa bag at nagningning ang mga mata nito ng makita ang loob ng bag.

"Aber saan mo nakuha ang ganitong kalaking peraa?!" ani nito at tuwang tuwa sa nakikita.

"Buong araw ho kong pinagtrabahohan-"

"Kung ganon lumayas kana sapat na ito at wag ka ng babalik! Hindi na kita kaylangan lalo nat may nabingwit na rin sila Uleng sa Club malapit dyan!" ani nito at ibinado sa akin ang pink na bag ko na puno ng damit.

Walang sabi-sabing pinulot ko ang bag ko at umalis. Nalala ko ang baseball bat ko. Nasan kaya yon?  Pinuntahan ko ang bahay ni Dionysus mukhang pinanalangin nito na sa kanya na ako matutulog ha. Nang makarating ako sa bahay nito ay hindi ko nakita ang saksakyan nya. Wala ba ito sa bahay?

Pumasok ako ganon parin katulad ng dati hindi sya nagsasara ng gate at pinto. Kung ako magnanakaw lilimasin ko na gamit nito. Pumunta ako sa kwarto nya para tignan kung nandoon ba sya ngunit wala rin.

"Baby! Andyan ka lang pala!" ani ko ng nakita ang baseball bat ko. Nalala ko alas siyete na pala ng gabi. Naggabihan na kaya si Dionysus?

Dahil sa naisip ay nagpasya akong lumabas ngunit bago yon ay nagayos muna ako sa salamin. Niladlad ko ang natural na kulot kong buhok at sinuot ang itim na bonet na nakalagay sa taas ng salamin. Pinulot ko ang baseball bat ko at nagpasyang umalis.

Kissing Stranger (Min Yoongi FF)Where stories live. Discover now