Red Bra

9 1 0
                                    

"SHIT!!!" ani ko sa sobrang gulat. Nakita ko ang dalawang lalaki at ang isa doon ay may pamilyar na mukha at may hawak na maliit na parang telepeno pero umiilaw rin ito na pula.

Lumapit ang lalaking may hawak non at tinapat sa akin ang hawak nito. Naistatwa ako at hindi maigalaw ang katawan ng itinapat nito ang hawak nya sa aking dibdib at ang noong pulang ilaw ay naging berde. Nagkatinginan kami at nagulat ako ng ngumiti sya.

"Bastos!!" ani ko sabay hawak sa sariling dibdib at sinapa akong hawak nitong mukhang telepeno. Tumakbo ako palabas ng kwarto sa sobrang kakamadali ay namali ako ng apak sa hagdan dahilan kaya akoy nahulog. Nakita ko silang dali daling bumaba ng nakita nila akong nahulog bago pa man mawalan ako ng malay.

Ang pagkirot sa aking noo ang ikinagising ko. Sa pagdilat ng mga mata ko isang malabong imahe agad ng lalaki ang naaninag ko ng luminaw ito doon ko lang naalala ang lahat.

Nakatali ang aking katawan sa upuang kahoy na ito at nasa harap ko ang lalaking tumingin kanina sa dibdib ko. Mga tao nga naman manyak!

"Buti naman gising kana" ani nito tila ba nangasar o ano. Nang ilibot ko ang aking paningin nasa loob kami ng kwarto kung saan nya ako nahuli.

"Hindi tulog pa ako, nakadilat nga lang" mapangasar kong sabi. Tinitigan muna ako nito bago tumawa na tila pilit lamang.

"Great. You look familiar. Very familiar" ani nito at umupo sa upuan ng nasa harap nya ang sandalan at mariin akong tinitigan. Ang gwapo mo pa naman sayang manyak ka. Inirapan ko lamang ito.

"You stole my wallet. Give it back" ani nito na ikinagulat ko. Paano nito nalaman? 

"Hindi ako nangnakaw ng wallet mo." nagiwas ako ng tingin. Nakakainis ang gwapo nya parang ang hirap magsinungaling.

"Then? Bakit nasayo ang tracker card ko? At talagang dyan mo pa nilagay hmm" natatawa nitong sabi at tumingin sa aking dibdib. Sinimangutan ko ito. Napaka manyak talaga at anong tracker card yon? ung card ba na umiilaw ilaw na pula?

"Nahihibang kanaba? Anong tracker card yang sinasabi mo? wala akong ganon" nakasimangot kong sabi. Kung hindi lang ito gwapo sinipa ko na ang panga nitong kupal na to.

Nilabas ulit nito ang malatelepono na may umiilaw ilaw na pula at itinapat sa dibdib ko katulad ng kanina naging green ito. "Then explain this. Bakit nagreen kung wala sa dibdib mo?"

"Aba malay ko dyan sa telepono mo! Baka sira na yan!" naguumpisa na akong maasar sa mga sinasabi nito. Nakakairita kana ha.

"Ilalabas mo o ako dudukot dyan" panakot nito. Nakita ko syang napalunok habang nakatingin sa dibdib ko. grrr manyak ka!

"Wala naman nga kase bat ba ang kulit mo ha?!" naaasar kong sabi. Nagulat ako ng lumapit ang kamay nito at bigla nalang pinasok ang kamay sa loob ng damit ko, napasinghap ako ng dumampi ang daliri nito sa maselang bahagi ng aking dibdib. At matagumpay nyang nakuha ang card na kulay berde na ang ilaw nito.

"Bastos ka!" Pinagsisipa ko sya ngunit lumayo na sya kaya di na sya abot sa mga sipa ko. Masama ko syang tinignan habang sya tumatawa tawa pa. Nangaasar ba too?

"Bakit ka nagnanakaw?" ani nito habang inaayos ang lamesa sa harap ko. Naglagay ito ng mga pagkain mukhang binili nya ito sa restaurant nung nawalan ako ng malay. Biglang kumulo ang tyan ko ng naamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain. Nagkatinginan kami at tumawa ito sanhi kung bakit namula ako.

"Inorder ko yan para sayo. Kain tayo" ani nito at umupo sa harap ko. Tanga ba ito? pano ako kakain kung nakatali ung kamay ko? hello?

"Baka nakakalimutan mong nakatali kamay ko kaya di ako makakain" nginisihan lamang nya ako.

Kissing Stranger (Min Yoongi FF)Where stories live. Discover now