Elizabeth's pov
From: Diro
Pwede bang manligaw?
Napairap ako nang makita ang chat sa akin nung nakakachat 'kong tiga ibang school. Dali dali kong tinype sakaniya ang salitang "no" at hinagis ang cellphone 'ko sa kama. Napatingin naman doon ang mga kaibigan ko. By the way, nasa condo 'ko sila at makikitambay lang daw.
"Mukhang may binasted ka nanaman ah." pangaasar sa akin ni Olivia.
She is Olivia Salves, an accounting student, sa aming magkakaibigan ay yan ang pinakapalaban. Ang motto niyan ay 'kapag nasa katwiran ay ipaglaban mo.'
"Patay ka, baka magpost yan sa twitter tulad ni Pedro." sabi ni Hazel habang umiiling at tumatawa. Napatawa tuloy ako.
Nung nakaraan kasi ay nagpost sa twitter si Pedro, yung nanligaw sa akin nung nakaraang linggo. Paasa daw ako. At aba!! Minention pa ako, ang kapal!! Di ko naman siya pinaasa. Umasa lang siya.
By the way, the girl that told me that is Hazel Cruz, a bs biology student, siya ang pinakamasipag magaral at pinakamataray pagdating sa lalaki saming lahat.
"Itagay mo nalang 'yan." natatawang sabi pa ni Maddison sa'kin.
And the last but not the least, Maddison Salvador, a bussiness ad. student, siya naman ang pinakawalwalera saming lahat.
"Ewan ko sa'yo Maddie at malay ko bang type ako non, makikipag kaibigan daw siya eh." sabi ko sakanila.
Tumawa naman silang lahat. Totoo naman ha? Kaya ko lang naman nirereplyan yung mga nagchachat sa akin kasi makikipag kaibigan daw sila. Tapos magrereklamo pag binasted. Tsk!!
Pwede namang umpisa pa lang ay sabihin nila na "hi, bet kita. Liligawan kita." Edi sana una palang nakabasted ko na. Walang paasang magaganap.
"Kailan kaya makakahanap si Elizabeth nang papasok sa standard niya?" sabi ni Olivia habang inaayos ang pinaghigaan namin.
"Nako tatandang dalaga na ata 'yan." sabi ni Maddison habang ginugulo uli ang tiniklop ni Olivia, sinamaan siya ng tingin nito kaya't natawa ako.
"Tingnan mo mga manliligaw niyan. May nerd, playboy, at matitino. Wala pang mapili tsk. Delikado na." natatawang sabi pa ni Hazel.
"Hala nako, baka hindi lalaki ang bet!!! Baka babae." sabi ni Olivia. Nagtinginan naman silang tatlo at takot na lumayo sa akin. Natawa naman ako.
"Mga baliw!!!" sabi ko at binalibag sila ng unan. Hindi naman sila nagpatalo at ginantihan ako, nauwi na nga sa pillow fight ang nangyari sa amin.
-------
Kinabukasan ay nagpunta kami sa condo ni Maddison at napatingin ako sa plates na ginagawa 'ko. Patapos na ito. Napangiti naman ako sa kinalabasan. Dinala ko kasi ito rito para ituloy, secured naman ito dahil alam nila Hazel kung paano ako magalit kung masira man nila ito. Syempre, pinaghirapan 'ko e.
"Ganda talaga!!!"
Napalingon ako sa likod ko. Si Olivia, ngumunguya ng pagkain. "Nako, pag ako magkakabahay kukunin kitang archi!!!" ngiting ngiti na sabi ni Olivia.
"Dapat lang!! Magtatampo ako kapag hindi ako ang kinuha niyong archi!!" pagkukunwari kong tampo. Natawa naman siya.
"Paano pag sabay sabay kaming nagpagawa ng bahay? Patay ka na Elizabeth!!" sabat ni Maddison. Natawa naman ako.
"Gusto ko may second floor!!" sabi ni Hazel.
"Wow yaman ghorl." pangaasar ni Maddison. Binatukan naman siya ni Hazel.
"Syempre!! Ako pa ba?" sabi ni Hazel.
Napailing nalang ako sakanila. Parang mga bano.
"Tara nga nga, kumain na tayo." sabi ni Maddison sa amin. Tumayo naman kami at agad na pumunta sa kusina niya. Inunahan pa namin si Maddison, na may ari ng condo.
"Ang kakapal talaga." sabi ni Maddison at umiiling.
"Wow, chicken!!!" ngiting ngiti kong sabi habang nakatingin sa adobo. Kumuha na agad kami ng plato at nagsimula nang kumain.
"Konti nalang titilaok ka na sa lakas mong kumain ng manok." sabi ni Olivia sa akin.
"Konti nalang, kahit buhay na manok kakainin ko na." sabi ko habang nilalantakan ang manok.
Binatukan naman ako ni Hazel. "Lokaret." sabi niya sa akin habang natatawa.
Nang matapos kumain at nanood lang kami ng tv. "Sana all may condo." biglang pagtotopic ni Olivia. Natawa naman ako sakaniya.
Sa amin kasing magkakaibigan, siya pa lang ang walang condo. Pero okay lang 'yon. Masarap naman tumambay sa bahay nila. Mababait pa sina tita at tito. Lagi pa 'kong pinapakain ng chicken non. Ang saya.
"Okay lang 'yon, malapit na tayo gumraduate. Makakapagtrabaho ka na tapos makakabili ka ng condo mo." natatawang sabi sakaniya ni Maddison.
Napangiti nalang ako, oo nga pala last year na namin ng college. Ang bilis ng panahon. Parang nung una lang ay hirap pa kami pumili ng gusto naming course.
Ako, architecture na talaga ang gusto ko eversince. Si Maddison naman ay automatic na patungkol sa business dahil siya ang mamana ng kompanya nila. Si Olivia, accountancy ang gusto. Si Hazel ay mag memedschool pa kaya di namin siya makakasabay gumraduate.
Napalingon naman kaming lahat kay Olivia nang magring ang cellphone niya. Bored niya itong sinagot at napangiti nang marinig kung sino ito. Agad naman siyang tumayo pagkatapos niyang sagutin ang tawag.
"Omg guys, kailangan ko nang umalis!!!" dali daling sabi ni Olivia. Nagpaalam naman kami sa kaniya. Nang makalabas si Olivia ay nagtinginan kaming lahat.
"May emergency?" sabi ni Hazel.
"Gaga, may emergency bang nakangiti ang makakarinig?" sabi sakaniya ni Maddie kaya't natawa ako.
Nakakacurious naman, sino kaya yung tumawag kay Olivia?
BINABASA MO ANG
Spring Love (Season Series #1)
Teen FictionSeason Series #1 Elizabeth Labejo, an architecture student, that is full of charms. Many boys like her. Isang ngiti lang niya kasi ay mahuhumaling ka na sakaniya. But despite of her intelligence and beauty, she can't find herself in a stable relatio...