Elizabeth's"Elizabeth, sabihin mo nga sakin? Ano ba talaga ang problema?" seryosong tanong sa akin ni Olivia. Nandito siya ngayon sa condo 'ko.
"Bakit palagi kang malungkot? Ba't parang matamlay ka lagi? Ba't iniiwasan mo rin si---"
"I like your kuya."
Nanlaki naman ang mga mata ni Olivia sa narinig at nagulat ako nang bigla itong tumili. Hinampas ko naman siya agad ng unan para matahimik.
"Omg!!!!" sabi niya at sumayaw sayaw at tumalon talon pa sa kama ko. Sinaway ko naman siya at naupo na sa tabi 'ko.
"But, he likes someone else." sabi ko pa.
"What? Paano mo nasabi?" nagtatakang tanong ni Olivia.
"Basta, nakita ko."
Napakunot naman ang noo niya at nag-isip ng malalim. "Sigurado ka? Wala akong alam Liz eh. Sorry." sabi ni Olivia sa akin.
"Pabayaan mo na."
"Kala ko pa naman he likes you!!! Naalala mo nung nakaraang araw? Siya ang nag-aya sayo sa bahay." pagkasabi ni Olivia ay napatakip agad siya sa bibig.
"Ha? Hindi sila tita ang nagaya?"
"Wag mong sasabihin na sinabi ko sayo please. Patay ako kay kuya." sabi ni Olivia at parang natatakot.
"Takot ka sa kuya mo?" sabi ko kay Olivia at nanatawa.
"Oo!! Nakakatakot magalit 'yon. Nung nagwala ako sa bar. Galit na galit sa akin."
Tinawanan ko naman siya. Totoo naman kasi. Ethan can be nice and scary. Loko talaga 'yon, nakakamiss tuloy.
Kinabukasan ay antok na antok ako. 3 am kami natulog ni Olivia. 8 pa pasok ko! Di pa naman ako sanay na konti lang ang oras ng tulog 'ko. Kaya badtrip na badtrip ako nang malaman na wala ang prof noon! Dumiretso ako sa canteen at bumili ng soft drinks. Lumagok muna ako at hindi pa nasasara nang may narinig akong parang tumawag sa akin.
Napalingon ako sa likod habang naglalakad pa rin. Hmm, wala naman yatang tumataw--
"Shit."
Nanlalaki ang mata ko nang makitang natapunan si Ethan ng coke!!! Nakatingin lang ito sa akin.
"Sorry Ethan!!" sabi ko sakaniya. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ito. Di naman ito sumagot at nakatingin lang ito sa'kin.
"Ethan, sorry." paguulit ko at naiiyak na. Tinalikuran niya lang ako at naglakad na paalis. Sinundan ko naman siya at sinusundot ang likod para mapalingon.
Hindi niya pa rin ako pinansin at dumiretso nang maglakad. Napansin 'kong nasa site na pala kami.
"Don't follow me." he said, pero dahil naguiguilty ako as in, ay sindundan ko siya. Nakakunot na noo naman itong tumingin sa akin.
"Delikado Elizabeth. Huwag kang makulit at bumalik ka na doon." sabi niya bago sinuot ang hard hat na white.
"Dito lang ako. Sige pumunta ka na don. Hintatayin kita matapos."
"No, mamaya pa ako matatapos." sabi niya.
"Wala akong pake." sabi ko nalang.
"Edi wow." sabi niya at dumiretso na sa may construction site. Bwisit talaga 'tong Ethan na 'toh, pa-edi wow pang nalalaman.
Umupo ako sa may isang gilid at natapos ang ilang oras at nagugutom na ako!! Naiinis na ako sa Ethan na 'yan. Doon ko lang narealize, na bakit ba ako naghihintay dito? Kung magpunta man siya dito ano gagawin ko? Pwede ko namang paabot nalang yung bibilhin kong damit sakaniya.
Putchek, doon ako nahiya. Kaya ako nandito kasi gusto ko siyang makausap dahil namimiss ko! Gosh!
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa may isang tabi. Aalis na sana ako nang makita ko si Ethan na may hawak na papel at may binabasa. Habang di niya ako napapansin ay dahan dahan sana akong aalis nang,
"Elizabeth?"
Napalingon ako sakaniya at napabuntong hininga bago siya taasan ng kilay.
"Ano?" mataray na tanong ko.
"Di ka pa umaalis mula kanina?" he asked while his brows furrowed.
"Ay hinde. Nakikita mo naman eh. Thank you ha, sa pagpapahintay mo sa akin. Nakakaenjoy." sabi ko at aalis na sana nang hilahin niya ako.
"Sorry."
"I hate you." sabi ko at naiiyak na. Ganito talaga ako kapag naiinis, naiinis ako sakaniya at sa sarili.
Nagulat ako nang hilahin niya ako at niyakap. "Sorry, let's talk."
--
Isinakay niya ako sa kotse niya at pinagana ito upang mabuksan ang aircon. Parehas kaming nakatingin sa harap. Lumipas ang ilang minuto pero walang kumikibo sa amin.
"Nagsasayang ka lang ng gas."
"I don't care, magusap tayo."
"Naguusap na tayo!! Sa ibang lugar nalang pwede ba?"
"Sige, sa condo mo."
Bigla namang umandar ang kotse. "Bakit sa condo ko?" nagtatakang tanong 'ko.
"Bakit? Bawal?" sabi niya na chill lang.
Di nalang ako umimik. Inisip kung malinis ba ang condo 'ko. At dahil sa antok ay 'di namalayang nakatulog ako.
Nang mapadilat ako ay nagulat ako na nandito na kami. Nakita ko naman siyang nagcecellphone lang.
"Andito na pala tayo?"
"Buti naman naisipan mo pang gumising?"
"Kanina pa tayo rito?!" gulat na tanong ko nang makitang 11 na pala.
"Oo." sabi niya sabay baba sa sasakyan. Sumunod naman ako.
"Bakit di mo ko ginising?"
Nagkibit balikat lang siya at naglakad uli. Di talaga makausap nang matino 'toh.
Pagkarating sa loob ng condo ay nakita 'kong nililibot niya ang tingin niya sa condo. Nakakaconcious tuloy.
"Nice condo."
"Manood ka muna riyan. Magluluto lang ako." sabi ko.
Naghihiwa na ako nang makita si Ethan na naupo sa stool at tumingin sa ginagawa 'ko
"Ano ginagawa mo rito?"
"Nanonood, bakit may problema ka?" sabi niya.
Di ko nalang siya pinansin at inirapan. Kainis, ang attitude. Pinagpatuloy ko nalang maghiwa habang siya ay pinapanood ako.
BINABASA MO ANG
Spring Love (Season Series #1)
Teen FictionSeason Series #1 Elizabeth Labejo, an architecture student, that is full of charms. Many boys like her. Isang ngiti lang niya kasi ay mahuhumaling ka na sakaniya. But despite of her intelligence and beauty, she can't find herself in a stable relatio...