Elizabeth's
After 5 years
"Architect Labejo, Thank you for designing our home. It is so beautiful!!!" tuwang tuwa na sabi ng amerikana.
"You're always welcome. I'm just doing my job." ngiting sabi ko rito. Inabutan niya ako ng regalo pagkatapos magpasalamat.
"You have so many projects Architect!! That's amazing." pagpupuri sa akin ni Architect John, one of my suitors. Tinawanan ko lang siya.
After getting some important papers in my office, I decided to go home. Wala na rin naman akong masyadong gagawin sa opisina.
"Anak!!" bungad sa akin ni Mommy, niyakap ako nito ay niyakap ko naman ito pabalik.
"Hey ma. What's up?" casual na kausap ko kay mommy.
"Nagluto ako nang paborito mong fried chicken. Filipino style fried chicken!!!" ngiting ngiti na sabi ni Mom.
"Oh thank you Mom!! You're the best." sabi ko at agad na nagpalit ng damit para makakain na.
Habang salo-salo kumain ay napangiti ako sakanila. I am so thankful to have them. They are always there for me. I really love my parents.
"Anak, we're so happy na nakakarecover ka na sa anxiety mo." ngiting sabi ni mom. Napangiti rin ako. "Ako rin po ma, ang saya sa feeling na bumalik sa dati." sabi ko.
Nung unang taon ko pa ay takot na takot ako sa sasakyan at sa mga mahal sa buhay ni Ethan. Naikwento rin sa akin ni Mom na nakulong na ang may kasalanan. Tila nabunutan ako ng tinik.
Naalala ko noon, puro katanungan ako sa isip. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Ayoko nang bumalik sa panahong iyon.
Gumaan na rin ang loob ko lalo nang malaman na nagising na si Ethan saktong pagkaalis namin. They said he has an amnesia. Ang last na naalala niya ay ang bago siya umuwi ng pinas.
Sinabihan ko naman si Mom na kahit wag na nila ako ikwento kay Ethan. Wala na kasi talaga akong balak umuwi sa pinas noon.
Masaya na ako rito sa U.S. I have friends and I have a good and stable work here. Naging kilala na rin ang pangalan ko rito dahil maraming american na pumupuri sa designs ko.
Naghalf bath na ako bago mahiga sa kama. Nag aliw-aliw muna ako sa cellphone hangga't di nakakatulog. I accidentally opened Maddie's ig story.
Nasa Daylight's sila at nagiinuman. Wow, nakakamiss pa rin talaga tong mga babaeng to. Kahit pilitin ko ang sarili na marami akong kaibigan dito, di ko mapagkakaila na iba pa rin talaga sila Olivia.
I miss them,, I miss him.
-------
Kinabukasan ay todo babad ako sa trabaho. Wala naman akong ibang magawa kaya lagi kong binababad ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hindi tulad si Pinas noon na makikipagbonding pa kanila Hazel at makikipagdate kay Ethan.
"Architect Labejo?"
Napalingon ako sa pintuan. "Mr. Gomez." ngiting sabi ko rito.
Pinaupo ko ito sa upuan sa harap ng lamesa ko. Mr. William Gomez is indeed a rich man. Isa siyang businessman at sila ang may ari ng ilang clubhouse at waterparks dito sa America.
"How may I help you?" tanong ko rito.
"Uhm did you saw my proposal?"
Napatango naman ako. The Indoor Waterpark Proposal in the Philippines.
"So, halata naman sayo na pilipino ka kaya wag na tayo maglokohan sa pag eenglish." natatawang sabi nito. Natawa rin naman ako.
"Oo nga naman." sabi ko nalang at binubuklat ang proposal.
"Mr. Gomez, I'm not sure about this project. I am very hands on kasi. And I know that you know na besides doing the designs, architects do visit the site regularly to see if it follows the design and structure."
"What's problem with that? I will let you then."
"But, I can't. I can't go back in the Philippines."
"Why is that?"
"Sorry, but I will think about it."
"Okay, I will ask someone to go here the day after tomorrow, Sana may desisyon ka na non."
Bago umalis ay tumingin uli siya sa akin at ngumiti,
"And let me remind you, this is a big project, your name and title will be very very famous." sabi nito at tumalikod.
----
"Ma, pano po gagawin ko?"
"Nako anak, tanda mo na. Ikaw magdesisyon diyan."
Napanguso ako sa sinabi ni mom, kanina pa ako nagiisip kung papayag ba ako o hindi. Hindi rin ako makatulog tuwing gabi kakaisip. What shall I do?
"Pangarap ko pong makilala ako bilang magaling arkitekto ma."
"Then sign. Anak ayaw namin na magsisi ka sa huli. The psychologist also said that you are fully recovered kaya wala nang masama anak. Okay na sayo na bumalik sa Pilipinas."
------
Parang mababaliw na ako sa kakaisp grabe. Sayang din naman kasi ang opportunity!!! Napatingin ako sa petsa na kailangan namin pumunta sa Pinas. Omg!! Masasaktuhan na birthday iyon ni Hazel.
It's been years since nakausap ko ang mga yon. Ayokong tuluyan na mawala sa akin ang mga tinuring kong kapatid.
Okay, Elizabeth. It is like hitting two birds with one stone. You will make your own title and you will be with your friends again.
Agad kong piniramahan ang kontrata. Teka, pwede bang magbackout?
BINABASA MO ANG
Spring Love (Season Series #1)
Teen FictionSeason Series #1 Elizabeth Labejo, an architecture student, that is full of charms. Many boys like her. Isang ngiti lang niya kasi ay mahuhumaling ka na sakaniya. But despite of her intelligence and beauty, she can't find herself in a stable relatio...