Chapter 13:

1K 41 1
                                    

Elizabeth's



Unti unti kong dinilat ang mata ko. Puti, puro puti ang nakikita ko. Nasaan ako?


"TITA GISING NAA SI ELIZABETH!!!!" naririnig kong sigawan.

"ANAKKK!!"



Napatulala ako sa kisame habang naririnig ang ingay. Anong nangyari? Naalala ko lang nag I love you ako sa kotse kay Ethan... wait shit where's Ethan!!???

Nakita kong lumapit sa akin ang doktor at may chineck sa akin, habang ako naman ay tahimik na nakatulala. Naaksidente ba kami? What happened? Paano? Nasa may gilid naman kami non? Paanong?


"Anak, kumain ka na." sabi sa akin ni mommy. Hindi ko alam, gusto ko siyang kausapin ngunit di ko maintindihan ang sarili ko. Ako ang may kasalanan neto?


"M-ma, nasaan p-po si E-ethan?" nanghihinang tanong ko kay mom. Nakita kong napatingin sa akin ang iba na para bang malungkot.

"Anak, kumain ka muna please."



"Nasaan po si Ethan?" ulit ko habang nanginginig ang labi.



"Anak, kakagising mo lang. Kailangan mo mu--"



"Ethan po ma. Nasaan? Ma nasaan po?" umiiyak na tanong ko.



"Anak, promise pagkakain mo pupuntahan natin siya."



Pinilit ko namang ngumanga habang sinusubuan ni mama. Napatingin ako sa kalendaryo. June na? Bakit? Paano?


"M-ma bakit po June na?"


"Anak ilang buwan ka nang natutulog rito sa ospital."



"M-ma si Ethan po ma."



"Matulog ka muna anak. Pangako, bukas ay pupuntahan natin siya."





----


Tulak tulak ako ngayon nila Hazel habang nakasakay ako sa may wheelchair, nasa tabi nilang dalawa ni Maddie si mom at dad.


Pumasok kami at naabutan namin ang mommy at daddy ni Ethan. Nasa isang tabi rin si Olivia. I saw Ethan at the hospital bed, nakaratay siya roon at may mga nakasaksak sakaniyang mga dextrose. Napatingin uli ako kanila Olivia, they are all looking at me.



Ako... ako ang may kasalanan kung bakit umiiyak sila. Kung hindi ko ginawa ang pagsagot kay Ethan.. hindi mangyayari ito.... hindi. Ako! Ako ang may kasalanan.


Hindi ko alam ngunit unti unti kong naramdaman na kinakapos ako ng hininga. Hindi ako makahinga!!


"Anak!! Anak!!"

And everything went black.....again.


------


Dahan dahang napadilat ang aking mata at nakita sina mom at dad na nakahawak sa kamay ko at nakatulog. Ano nanamang nangyari? Why is this happening to me? Why am I like this? Hindi ko deserve mabuhay. I don't deserve all of this.


"A-anak!!" umiiyak na tawag sa akin ni Mom nang makita akong napadilat. Agad uli silang tumawag ng doktor.


Unti unti nanamang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Pagod na pagod na akong umiyak.


------3rd person's of view---------



Sa buong buwan na natutulog ang dalawang magkasintahan, ang kanilang pamilya at mga kaibigan ay sobrang nanlulumo sa pangyayari.


Nang mapag alaman ni Olivia na nagising na uli ang kaniyang kaibigan ay gustong gusto na niya itong puntahan at yakapin kaso nang malaman ang nangyari noon ay gusto nalang niya maiyak. Her kuya is in coma while her friend is scared of her. Wala nang mas sasakit pa doon.


Nagusap ang mga magulang ni Elizabeth at Ethan sa nangyari. Walang kasalanan si Elizabeth sa nangyari dahil nasa isang tabi naman sila nang mangyari ang aksidente.


Ang may kasalanan ay ang driver na lasing at nagpapaandar ng kay bilis. Kinulong na agad ito saktong pagbangon mula sa ospital.



Sinabi rin ng doktor na kailangan ni Elizabeth ng isang magaling na psychologist. Napagdesisyunan naman nila na sa susunod sa linggo ay lilipad sila patungong Amerika at doon magsisimula ng bagong buhay.







Spring Love (Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon