Naalala mo pa ba?
Ang masasaya nating alaala?
Kung pwede lang sana,
Ika'y bumalik na.
Saan ba ako nagkamali?
Bakit mo iniwan ang pusong sawi?
Laging nahihirapan at nasasaktan,
Sana ay makakalimutan.
Buhay na wala ka aking sinta,
Ako'y lubusang nagluluksa.
Oh irog kong diyamante,
Masaya kaba dahlia ika'y malaya na?
Habang ako'y natutulog;
Puso ko'y durog na durog.
Luha'y tumutulo para sa wala,
Gusto nang mawala na parang bula.
Kahit ako'y iniwan mo,
Nandito parin ako, umiibig sa'yo;
Sana sa pagadating ng araw ng pagbalik mo,
Pagmamahal mo'y hindi parin magbabago.
YOU ARE READING
Quincy Mary Learns to Write
AcakExpress your thoughts through writing, not turning down others. Why? Because pen is mightier than the sword.