Chapter 5

887 47 3
                                    

"Siya nga pala apo,papaano ka makaka pasok sa trabaho, kung ganyan ang kalagayan mo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Siya nga pala apo,papaano ka makaka pasok sa trabaho, kung ganyan ang kalagayan mo?"..

Nasa loob na sila ng bahay nang mag tanong ang matanda kay lucas.

" Naku lola, Hinde pwedeng hinde ako pumasok bukas ang sungit sungit pa naman ng  director ng kumpanya".

Lumapit ang matanda kay lucas na naka ngisi.

" Director kamo apo? Naku artista kana pala apo?"..

Natawa naman si lucas sa sinabi ng lola niya..

"Lola hinde po yung director na gumagawa ng mga palabas"

Nag dahan dahan mag bihis si lucas ng t shirt, Dahil hinde niya magamit ang isa niyang kamay.

"Eh anong klaseng director ba iyan?"

Nagtataka ang mukha ng matanda

" Hinde korin alam lola, basta yun ang naka sulat sa labas ng opisina niya, Office of the Chief Executive Director"

" Eh ano bang ibig sabihin niyan? "..

Nangungulit ang matanda na parang interesadong malaman... Nahiga na si lucas sa papag..

"Lola, hinde ko rin alam, sige na lola matutulog naku"..

Pag higa ni lucas , saka naman tumahimik na ang matanda, Nakita niya kasing gusto nang magpahinga ang apo niya.

Kinabukasan ng alas siete ng umaga .

Nakahanda na si lucas para pumasok sa trabaho.Kahit kumikirot pa yung kamay niyang naka bandage , kinailangan niya paring pumasok dahil natatakot siyang baka tanggalin siya ni ian kapag umansent siya..

Pagka tapos niyang mag paalam sa lola niya, Agad na siyang lumabas ng bahay..Eksakto namang meroong kotseng pula ang huminto sa harapan ng bahay nila, Pero hinde ito pinansin ni lucas dahil inisip niyang baka huminto lang talaga ito.. Mag lalakad na sana siya ng bumukas ang pintoan ng kotse at lumabas si dexter.

"Lucas!"

Lumingon si lucas, at nakita niya si dexter papalapit sa kanya.

"Ikaw pala dex. Anong ginagawa mo dito?"

"Diba sinabi konaman sayo kagabi na pupuntahan kita ngayung umaga"

Hinde muna umimik si lukas.

" Oo pero hinde mo naman na kailangan pumunta pa dito, at saka papasok naku sa trabaho, pa alis na nga ako eh"

Ang ngiti kanina ni dexter ay biglang nawala.

" Hinde kaba pedeng puntahan? Akala ko pa naman mag kaibigan na tayo?"

My lungkot sa boses at sa mukha ni dexter na napansin naman ni lucas

"Naku nag drama kapa, wala naman akong sinabing ganon, Eh kasi baka my gagawin kang importante kaya naisip kung baka ma abala kapa".

Just fall in Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon