"Sir over speeding po kayo"
Sabi nang police na lumapit kay dexter."Ano ngayun?" Galit na tanong niya dito
Natawa nang bahagya ang police.
"Sir violation po yun, patingin po ang lisensya nyo"
Pagalit na kinuha ni dexter ang lisensiya niya sa wallet.
"Sir,expired na itong lisensiya mo huh?"
Buntong hininga nalang ginawa ni dexter.
" Sir, sumama po muna kayo sa presento"
Kahit anong galit ang pinakita ni dexter sa police officer, Hinde ito nag patinag.Tinawag nang police officer ang kanyang kasamahan para siya ang mag maneho ng motor ni dexter.Isinakay si dexter sa police patrol at isinama sa police station.
"Kuya, puntahan mo ako dito sa prisento"
Si ian ang naisip tawagan ni dexter dahil kung ang kanyang papa, Malamang bulyaw na naman ang aabutin niya dito.
"What?Nasa prisento ka?anong ginagawa mo diyan?"..pasigaw niyang tanong kay dexter
Napa bangon bigla sa pagkakahiga sa kanyang kama si ian nang marinig niya ang sinabi sa kanya nang kanyang half brother
"Kuya huwag muna akong tanongin,puntahan monalang ako dito sa panaderos ext.sa mandaluyung andito ako naka detained"
" Sige pupuntahan kita diyan, mag bibihis lang ako"
Mabilis nag palit ng t shirt at walking short si ian , At nag madaling pinuntahan ang kanyang half brother
(Sa loob ng presento)
"Chief ano po bang violation ng brother ko?" Tanong ni ian
" Sir expired po ang lisensya ng kapatid nyo, pangalawa over speeding po siya"
Tiningnan ni ian si dexter kung lasing ba ito
" Naka inum kaba?" Naka simangot si ian
Umiling naman si dexter "Hinde ako lasing kuya"...tila nasa prostration ang boses ni dexter.
" Ano po ba pangalan nyo chief?" Tanong ni ian sa police officer
" Chief Fabio Esteban"
Ngumiti si ian, "Nice to meet you chief, Ahh. So pano ba, aligruhin nalang ba natin to"
Napansin ni dexter ang tila pag papa cute nang kanyang kuya sa police officer.
Ngumiti si fabio " Sige pag bibigyan ko kayo, pero next time dna pwede sakin to huh.". Seryosong sabi ni fabio
Ngumiti lalo si ian " Maraming Salamat Chief "
Kinuha niya yung calling card na nasa wallet niya, Binigay niya ito kay fabio
BINABASA MO ANG
Just fall in Love (COMPLETED)
RomanceIan dela Torre ay isang Chief Executive Director ng isang Dela Torre Real State Company sa Bansa.Tinagurian siya bilang isang The Most Terror Boss of all time ng mga empleyado, Dahil sa pagiging walang consideration sa mga empleyado.Until one day na...