Chapter 7

854 42 3
                                    

LUCAS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUCAS

"So papaano yan apo, makakabalik kapa ba sa trabaho?"

Nag aalala ang matanda para kay lucas, Dahil maski si lucas hinde rin niya alam kung makaka balik pa ba siya sa trabaho, Kahit sinabi na ni lydia na wala naman daw sinabi si sir ian na terminated na siya.Natatakot parin siya.Base kasi sa kwento ni jocelyn kay lucas, Kahit my sakit kapa kung matagalan kang maka balik sa trabaho tatanggalin kana.

Nahiga na si lucas dahil kumikirot ang kanyang kaliwang kamay dahil sa pilay.

"Sige na magpahinga kana diyan apo"..

Sabi ng matanda kay lucas. Ilang sandali lang meroong kumatok sa labas ng pintoan nila.

Naku sino ba itong kumakatok na ito, alas once na nang gabi..sabi ng matanda sa isip niya

Pagka bukas ng matanda nang pintoan, Si dexter pala.

"Magandang gabi po lola,..Eh tatanong kolang sana kung naka uwi na ba si lucas" Pag aalalang tanong niya dito.

Hinde muna sumagot ang matanda pagka kita kay dexter

"Ahh oo,andidito na siya , halika pumasok ka"..

Nilakihan nang matanda ang puwang ng pintoan para maka pasok si dexter, Sa tangkad ni dexter na 5'9 halos yumuko na siya para lang maka pasok siya.

Dumeretcho si dexter sa isang maliit na kuartong tinuro nang lola ni lucas Pagkakita naman ni lucas kay dexter agad siyang bumangon.

"Oww, mahiga ka lang" Sabi ni dexter, na upo siya gilid ng papag ni lucas

"Ayos lang naman, Nadalaw ka?"

Pagtatakang tanong ni lucas.

"Eh nag aalala lang naman ako sayo,Akala ko kasi hinde kapa nakaka uwi, Tagal ko kayang naghintay sayo sa pinag tratrabahuan mo"

Napa hawak sa ulo si lucas, Nakalimutan niya kasing susunduin pala siya ni dexter.

"Naku im sorry, Medyo nawala kasi sa isip ko"

Sa hinde sinasadya napakapit sa braso si lucas kay dexter at bahagya niyang niyakap ito..

"Pacensia na talaga, Si sir ian pina uwi na kasi ako ng maaga"..

Kumawala na sa pagkaka yakap si lucas kay dexter..Dahil napa titig si dexter dito dahil sa narinig niya.

" Anong sinabi mo?" Kunot noong tanong niya kay lucas

Umayos sa pagkaka upo si lucas.

"Eh nakita kasi ako ni sir ian sa ganitong kalagayan ko kaya pina uwi nalang niya ako"

Nakita ni lucas ang reaction ni dexter

" Bakit ganyan ang mukha mo?"

Pagtatakang tanong niya dito

Just fall in Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon