Nakauwi Ka Na

30 4 0
                                    

Bumabalik sa akin 'yung mga oras na ako ang iyong tahanan
Ako ang palagi mong inuuwian
Ako ang kasama mo sa hapag kainan
Balikat ko ang lagi mong sinasandalan

Bigla akong napapangiti sa t'wing naaalala ko ang mga oras na kasama kita
Ang pagtawa mong halos hindi na makita ang iyong mga mata
Ang bawat ngiti mo na tumatagos sa aking kaluluwa
Ang bawat pagtangis mo na ako lang ang nakakita

Ang sarap balikan ng mga ala-ala nating dalawa
Tila isang musika na patuloy na tumutugtog sa'king tainga
Ngunit kasabay ng pagbanggit ng huling liriko
Bumalik ako sa realidad na wala ka na-hindi na ako

Hindi na balikat ko ang iyong sandalan
Bisig na niya ang iyong inuuwian
Siya na ang dahilan ng bawat pagtahan
Sana'y masaya ka na, siguro'y narating na natin ang hangganan

Paalam,
Salamat
Nakauwi ka na
Sa bago mong tahanan

Words at Midnight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon